ALCC: Breast Cancer Awareness

Associação da Luta Contra o Cancer of Mozambique released this super campaign against breast cancer. Parang sina Cat Woman, Wonder Woman, She Hulk at si Storm. Hindi nila pinangalanan para siguro wala ng bayad sa pag-gamit, pero siguro naman ili-libre na ito ng Marvel at DC dahil super din naman ang motibo ng campaign.

Cat Woman Breast Exam

She Hulk Breast Exam

Wonder Woman Breast Exam

Storm Breast Exam

“When we talk about breast cancer, there’s no women or superwomen. Everybody has to do the self-examination monthly. Fight with us against the enemy and, when in doubt, talk with your doctor.”

Mission: Impossible 4 Ghost Protocol

poster-xlarge

Checked all the requirements for a great action film, except for its heart.

Movie: Action/Comedy

ReviewReview

Sinulit ko na ang aking MTRCB card dahil papa-expire na ito at ang aking huling el bimbo ay ito ngang Ghost Protocol. Watched it alone dahil walang makasama. Pero lest not dwell on my kalungkutan.

Things that happened on the brainstorming of the movie, naglista ng mga requirements ng isang action film na hindi James Bond Movie but a Mission Impossible franchise. SI Ethan ang bida, hindi si James. So iyun ano na nga ang dapat na ingredients?

1. Heights. Kailangang may aerophobia effect, kailangang may matataas na lugar at malulula ang audience. Sa MI lang iyan at wala sa James Bond flicks. Okay, checked with the nakakatakot na eksena sa Dubai kung saan nasira pa ang kanang kamay.

2.Masks. Requirement ito sa lahat ng MI film na ginaya pa ng Charlie’s Angels. Gawa tayo pero para hindi predictable, hindi magagamit. iyun. Hindi nga nagamit dahil nasira ang machine,

3. Cars. Nagawa na natin sa tren, nakagamit na tayo ng helicopter, ano naman? Mga mamahaling kotse, car chae. Sige. Nagkaroon na ng habulan ng kotse, pero i-next level pa natin, gumamit tayo ng mga kotse hindi pa nade-deliver, tapos sirain na natin. Check!

4. Weather. Dedma na sa bagyo, dedma na sa heat wave. Gumamit tayo ng Sand Storm. Go, pero kailangan may literary effect or metaphorical intent, kailangan pagkawala ng kalaban, mawawala na rin ang sand storm. Pasok!

5. Girls. Hindi pwedeng si James lang ang may bebot, kailangan si Ethan din, pero dapat ang kay Ethan pure, sige, huwag nating galawin ang asawa niya, maglagay tayo ng ibang babae, tapos pag awayin natin parang kill bill. Sige. I-go na iyan.

6. Gadgets. Since uso ang camera, paano ba natin ito mau-utilize? What if gumawa tayo ng high tech na video wall. Ay gusto ko iyan. (Tawa ako nang tawa sa video wall, para silang naglaro ng Pepsi-Seven Up)

7.Locations. Naku, alam natin na ang James Bond ay lumo-location na. Pati nga Iron Man, mayiba-iba na ring sites? Sige sa atin tatlo, Dubai, Russia at India. Tapos sirain natin ang magagandang lugar nila, like Kremlin. Tama, hindi pwedeng simple, kailangan sirain natin yung magagandang sites nila. Pati yung Burj Khalifa sirain natin yung window, ano ba naman yung ito lang naman ang tallest tower in the world.

8. Moral Lesson. Ano ba? ALam ko na, dapat matuto ang mga tao na gumamit ng seatbelt. Na kahit malaglag sila sa mataas na lugar, mabubuhay sila basta naka seatbelt. Pwede na yun.

9. X-Factor. Mahalaga yan. What if gawin nating comedy? Sige, masaya yung last film ni Tom na Knight and Day, gawin nating medyo ganun. Hindi, sobrahan natin sa ganun. (Best parts: a. kinuhaan ng nurse ng yosi ang sigang detective. b. nahuli ng detective si tom na nasa gilid ng building. c. should you choose to accept it, ala spongebob. d. the video wall. e. the indianong playboy. f. masisira ang mga bagay kapag things are going easy. g. simon pegg and masks. h. jeremy renner’s surprises. among others.)

10. Mystery. Umpisahan nating nakakulong si Tom at saka yung wala siyang asawa para hindi natin alam kung ano ang nangyari. tapos kalimutan na natin. Balikan na lang natin sa ending.

Okay na yun.

At iyun na nga ang nangyari, masyadong downplayed ang mystery ng life ni Ethan Hawk, na naging cold ang mission niya. Parang to save the world, e alam naman nating magtatagumpay siya. Walang at stake at puro time bomb. Ang memorable pa ay ang kwento ni Jane (Paula Patton) dahil napatay ng assassin ang boyfriend niya, so may decision siya to take revenge or to do her job, na mabilis natapos. So iyun na ang naging heart ng kwento. Hindi man lang naging issue ang pagbabantay ni Brandt (Jeremy Renner) sa asawa ni Tom na namatay at hindi niya nailigtas, at ang twist dito, na hindi niya ikinasama ng loob na pwedeng mangyari sa gitna ng movie. Well iyun.

Pero finally, ang mga huling larawan ng mga casts. Enjoy.

Boys of Tumblr: Best Tumblr Post 12/25/2011

boys of tumblr 3 (10)

for the sexiest abs in the Philippines, click this

and this

Euan’s Christmas Battlekey Blast

Playing with the Battlekey Blast

Isang malaking kahon ulit ang gabi-gabing tinitingala ni Euan sa itaas ng apardor. Last year kasi sa ilalim ng kama nakalagay ang malaking kahon na may lamang Tomica Set, pero ngayon naman, mas mature na ang reaksyon niya nang buksan ang bagong gift this Christmas. Hotwheels naman. Hotwheels Battlekey Blast

Mukhang nagustuhan naman niya ang regalo

And of course, ako ang mas naunang mag-enjoy sa pagbubuo ng set, pero once buo na ang set, si Euan naman ang hila nang hila sa akin para mag roll down ng mga dye cast cars niya, na marami rin, dahil almost monthly ko siya bilhan. Ahahahaha. Ako na ang adik sa kotse-kotsehan.

Masaya naman dahil may clamp ang track kung saan pwedeng ikabit ang track sa mataas na start. Mahaba ito, kaya hindi naman nakakabitin. Bago rin kay Euan ang idea na umiikot ang car sa track using centripetal/centrifugal/something like that na force. At ang best part, may libreng Hotwheels Battle Force 5 Buster Tank na white.

Waiting for Buster Tank to come down

Choosing this years gift

May nakita akong Tomica ulit tulad ng last time na binili namin, mas malaki, though affordable din. Iyun na dapat ang bibilhin ko. Then i realized na medyo high maintenance ang mga Tomica Racing Circuits. Nangangailangan kasi ng mga Double A Battery na sa paglalara ni Euan ay medyo double days lang ang tinatagal. More than sa magastos, parang hindi masyadong environmentally friendly ang mga batteries.

So nag-decide ako na maghanap ng gift na gumagalaw din ang mga cars, pero galing sa alternative energy ang source ng movements. Wala naman akong nakitang solar powered toys, at sa tingin ko hindi ko affored magkaroon nun para sirain lang ng isang four year old. So naghanap ako ng laruang gravity lang ang puhunan. Kaya iyun, ito ang napili ko!

Playing with the Battlekey Blast

Next month, another surprise, dahil birthday naman ni Euan ang paghahandaan ng regalo, at ng party na rin. See you.

Ayan, hint na rin ito kung ano ang gift ninyo next month. Thanks guys.

The Plot Thickens! The Story Quickens! The Manoks are Chickens!

Saying, “ang pulitika sa Pilipinas ay isang soap opera” would actually pass as a line sa isang soap opera. Ganun na siya kagasgas at ganun din siya natotoo. And that is what happening now, multiple plots ang nagsasama-sama sa season ender. GMA in hospital arrest, her cook, chef justice Corona under trial and of course, man vs nature, Sendong.

At sa gitna ng lahat ng ito, nasa treadmill ako. 45 minutes, 9K. um, ambilis ko. Madali lang iyon habang nanonood ng ANC, kung saan ang inabutan ko ay ang diskusyon nina Leah Navarro at Atty Topacio. Ang issue nila ay ang nagaganap ngang impeachment kay Corona. How the processes are minadali. Well minadali naman. Ang mga mambabatas daw, according to Topacio ay na-threaten ng kanilang pork barrel kaya pirma agad. Which Leah debunked saying na hindi, natatakot lang daw ang kampo ni GMA, dahil ganun ang nangyayaring pananakot in the last nine years of the Philippines before PNoy. Which she closed in a very good power line, “Mapalad siya at naipagtatanggol niya ang sarili niya, hindi tulad ng maraming tao nung panahon ng kanyang panunungkulan.”

Paraphrased na iyun. Quote-unquote ko na. Syempre, nabago ko na, pero ganun pa rin ang essence.

Topacio on the other hand gave his own “babangon ako’t dudurugin kita,” line. “Kung nagawa nila ito sa Chief Justices, kayang-kaya nila itong gawin sa mga lower justices.”

Tama rin naman. But between the two, I go for Leah’s line. Ampowerful. Hindi maitatanggi. E iyung kay Topacio, madaling ibalik sa kanya. Nagawa na nga sa Presidente nung time ni Erap, why not sa Chief Justice?

I really like the mabilisang prosesong ito, dahil alam naman nating so Mara Clara of the 90s ang mababagal na plot movement at story development. Hindi matatagalan ng mga viewers ang diary na hindi makita-kita. But don’t get me wrong (which is my favorite line in this blog) No don’t ever, ever get me wrong. Hindi ako pro PNoy. I am Pro-Fun. And the fun of it all won’t come until there’s a full circle.

Ang bilis ng mga pangyayari kina GMA at Corona ay gusto ko, ngunit ang Bagyong Sendong na tulad nang naunang dalawa ay nagdulot ng hinagpis sa libu-libong Pilipino ay kailangan ding tutukan. Hindi suicidal ang mga puno at nagdecide silang maputol on their own. Dahilan ng malawakan baha at mud slide sa mga lalawigan. Sino ang mga humahawak sa mga loggers na ito? Isa hanggang dalawang buwan ang bibigay kong palugit para makapaglabas ng mga pangalang mananagot sa mga buhay ng mga nasalanta. Mga pangalang hindi rin papayagang makaalis ng bansa at mahahatulan din sa kalapastanganan nila sa bayan. Dahil kung hindi, “Matitikman ninyo ang ganti ng alipin!”