We’re Having a Preschooler

That means “Holdap ‘to. Itaas ang kamay. Huwag kang kikilos nang masama. Akin na’ng pera mo!” Parang hindi naman ganito ang dinanas ng mga magulang ko sa akin. Bakit ako pinarurusahan nang ganito? Joke lang.

Iyun naman.

Finally, nag-decide na kami n Hasmin na ipasok na sa school si Euan. 4 and a half na kasi siya. He was ready last year pero naisip namin na baka mapagod ang bata sa school. K-12 na nga, tapos daragdagan pa namin. Huwag na muna. Pero ngayon, parang kailangan na. Nagsimula na kami sa aming plano, at magsu-sunud-sunod na sana ang mga ito.

Medyo matagal din kaming naghanap ng school. Mga one week, starting last week. Binisita namin ang Roosevelt College Marikina, dahil alumni ako doon and we found out na may 15% discount ang mga anak ng alumni. Sayang nga lang at hanggang this year na lang daw iyun.

Roosevelt College Marikina

San Lorenzo Ruiz de Manila

Kasama rin naming pinuntahan ang San Lorenzo Ruiz de Manila, dito sa may Nangka, Marikina. Medyo foreign lang sa amin kasi Catholic School ito. May kasama pang fear of rejection at discrimination dahil hindi naman kami kasal ni Hasmin sa simbahan. Pero iyun. Okay naman din pala sila at lampake sa mga desisyon sa life ng parental units.

Inisip namin na i-consider din yung maliliit na school, yung mga tipong bahay lang na ginawang school yung ground floor. May mga ilan din kaming naisip, pero parang ginusto na namin yung totoong feel ng school. At may playground na rin. So far the two big schools ang pinagpilian namin. Roosevelt at San Lorenzo.

Mas mahal ang San Lorenzo nang todo, pero kung titingnan naman sa facilities, e mas bago ito. Roosevelt Elementary doesn’t seem to change since i last visited it, which was more than a decade ago. Mukha nga lang itong public school, pero yung Sto Nino ELementary School naman. Hindi ko pa naman jina-judge ang kalidad ng Roosevelt. Mukhang they have the best principal in town. Pero parang naka-traditional way sila ng pagtuturo.

San Lorenzo promised us a mixed of traditional and montessori style. Kaya naman medyo nakaungos ang SLRDM.

We also considered the distance. Walking distance lang ito, samantalang ang Roosevelt, kailangan pa ng isang sakay. Ayaw talaga naming mapagod si Euan sa kanyang unang experience ng school.

Pero ang clincher talaga ng decision ay kung sino ang tatanggap kay Euan sa Pre-Kinder or Developmental Kinder level. Sabi kasi sa San Lorenzo, pang Nursery pa rin daw ang age ni Euan, samantalang sa Roosevelt ay pumayag na agad na sa DK na. To set things straight, pinag-exam na namin si Euan sa SLRDM. Though tutol ako sa entrance exam sa preschool, pumayag na rin ako. 2hams agad ang bayad.

Euan taking his first exam ever

Euan after his first exam ever

Sabi sa ng nag diagnose, Euan is recommended for Nursery and pre-Kinder. So Sabi ko, prekinder na lang. Pinabalik kami for the interview kasabay nang pagpasa ng mga requirements. Ako na lang ang bumalik dahil may pasok si Mama Hush. Again, binigyan siya ng same exam, then binigyan ng exam for Pre Kinder. At iyun. Pre Kinder na siya. Final na.

Matapos interview-hin. PInatalun-talon si Euan sa mga colored rubber tiles. Tapos pinalakad sa plank. Tapos binigyan ulit ng Exam for pre kinder.

Okay na nga si Euan for Pre-Kinder, though kailangan daw magpa-tutor dahil magaan magsulat at hindi pa kilala ang ibang letters sa Alphabet. Kaya nang bumilang up to twenty, identifying all the numbers. Alam na ang basic shapes and colors at marunong nang sumagot.

Iyun naman.

Shet, pre-kinder. Tinanggap si Euan. Tanggal na ang Roosevelt sa options. Dito na ito. At ito na nga yung taas kamay, pikit matang desisyon. Kahit mas mataas nang higit 10K, sige na.

Kaya naman kanina, iyun, enrollment ni Euan.

Mga ilang beses ko na-realized na nakapamewang ako in a very parental unit manner. Ang iniiwasan ko kasi e yung humalukipkip kapag nakikipag-usap dahil tanda iyun nang pagkasarado ng isip. Pero kanina, pinipigilan kong hindi mamewang dahil parang naga-amu-amuhan ako at tinataasan ng kilay ang lahat ng naniningil.

Aba, sa laki ng babayaran ko e papipilahin pa ako? Tuition pa lan  iyun. Tapos, magbabayad ako ng school supplies at books, wala yung magbibigay? Tapos nagkakagulo sa pagsusukat ng school uniform?

Nakakainit pala talga ng ulo ang maglabas ng pera.

Pero naging sulit naman sa huli. Noong kinuhaan na ng picture si Euan para sa kanyang ID.

Smile! All of us smile!

I have better pics on my camera phone, kaso na virus. Pero mabuti na rin iyun. Baka mailabas ko pa ang picture ng resibo at maka-attrack ng mga masasamang loob. And to them, tanginan ninyo. You’re looking at the wrong victims, hindi kami holdap material dahil baka mas malaki pa ang kita ninyo sa amin. Magsa-suggest na lang kami sa inyo at hindi kami hihingi ng porsyento.

Iyun naman. Hasmin and I are another level up in the Parental Unit Game. At laban na ito! Na naman!