Monthly Archives: July 2012
Gener: Paano pa Kung Naging Genest?
E yung mas malaki pa sa Pilipinas ang Bagyong Gener. Kaya naman pala habang ginagawa ko ito e naririnig ko ang bubong namin na kumakalampag again. Mabuti na lang at hindi ito USB, you can now safely remove.
Jam-jam lang tayo ha, or hindi na rin. Na lift na kasi ang yellow warning at ginawa nang green. Hindi ko alam kung ukol saan ito. Nawa’y makatulong ang larawang ito

Legend of PAGASA’s color-coded warning signals, which may be issued through Twitter, the media, and coordination with the local government:
Anyway, sa mga kababayan ko dito sa Marikina na nag-aalala sa taas ng Ilog… Marikina, e payapa pa naman po. 14.50 m pa lang ang ilog, which is half a meter away pa lang sa unang level ng pagkalarma. To check it for yourself, labas ka ng bahay at punta sa ilog with your payon gand flashlight. Or click ka na lang here
Marikina River Water Level
Para malaman ang kalagayan ng Bagyo, like hello Bagyo, How are you? Ganyan, ang call center to get to them is via PAG-ASA DOST with this number 433- ULAN (433-8526) ito ang kanilang 24 hour hotline na talagang todong nag-iinit tuwing umuulan. Alam na.
At ito ang ilang Emergency Hotlines na magagamit sa mga panahong ito. Or some other days, basta may emergency.
National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hotlines: (02) 911-1406, (02) 912-2665, (02) 912-5668
Philippine National Police (PNP) Hotline Patrol: 117 or send TXT PNP to 2920
Bureau of Fire Protection (NCR): (02) 729-5166, (02) 410-6254, (02) 431-8859, (02) 407-1230
Department of Transportation and Communications (DOTC) hotline: 7890 or 0918-8848484
Metro Manila Development Authority (MMDA) Metrobase hotline: 136
MMDA Flood Control: 882-4177, 882-0925
Department of Public Works and Highways (DPWH): (02) 304-3713
Red Cross hotline: 143, (02) 911-1876
North Luzon Expressway (NLEX) hotlines: (02) 3-5000 and (02) 580-8910
Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hotlines: (0920) 96-SCTEX (72839)
Skyway System Hotline: (02) 776-7777, 0915-6256231, 0939-5006910
South Luzon Expressway (SLEx) hotline: 0908-8807539
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hotline: (02) 433-8526
Philippine Coast Guard: (02) 527-3877, (02) 527-8481, 0917-724-3682, 0917-PCG-DOTC
Local government units (partial)
Manila Traffic Hotline – 527-3087
Cainta Traffic Hotline – 646-0044, 655-7368 loc. 164
Las Piñas Traffic – 874-5756, 874-3957, 874-3927
Mandaluyong Hotline – 534-2993
Taguig Traffic – 838-4301 loc. 7112
Marikina STOC – 646-1651
Pasig Traffic – 643-0000, 724-5813
Makati Public Safety Dept – 844-3146, 819-3270
[Courtesy of: Gov.ph]
Iyun naman, inga-ingat tayo ngayong gabi. Hindi ko lang alam kung paano gagawin yun dahil natutulog naman tayo. Pero ang best ay magdasal at stay positive na lang.
Euan: The Dancing Ampalaya
Bitter it maybe. Euan is the bitter gourd in their class performance. Yup, ampalaya siya last July 27 sa Nutrtion Month celebration ng San Lorenzo Ruiz de Manila School.
Napakaaga naming gumising ni Hasmin para sa event. At iyun, masaya naman. Ang costume na pinagpuyatan namin nung gabi, quality naman at stand out sa crowd. Para saan pa ang hell week ng UP Rep.

Standing out from the crowd. Ayun naman, mayparade muna sa buong campus nila bago magtuloy ang production number nila.
Mahaba ang programa, mula 720 hanggang 1000 hours. At kailangang magmadali dahil may taping kami ng #CGETVInDaLoop. Pero wala namang magagawa, Kailangang samahan ang pamilya, we work for our family, we don’t family for our work. Charot lang, baka bukas, wala na akong trabaho. Or baka may mag check ng grammar, Dahil naniniwala akong ang pwede lang magcorrect ng grammar ay ang mga teachers. At medyo school itong usapin na ito.
Pero mahaba na ang sinasabi ko, kaya naman ito ang video ni Euan. Alam kong pagtataksil ito sa http://WWW.CGE.TV dahil YouTube ang gamit kong upload site ng video, pero anung magagawa ko, bawal mag embed sa cgetv as of now. Pero huwag kayo, hintay kayo sa http://www.cge.tv 3.0 pasabog ang website naming ito coming mid August. Sobrang ganda, pwedeng ikama or i embed.
So tama na ang commercial, here is Euan and his classmates, doing one of the hits during our highschool years (late 90s).
OMG si Euan: Oh My Gulay!
Kasagsagan ng Spartacus nung gawin aming Gladiator si Euan para sa Trick or Treat niya sa HP, office ni Hasmin sa Makati.
The following Halloween party na ina-aatend-an ni EUan e sa bagong office na ni Hasmin. Sa DGP kung saan first prize ang Yellow Angry Bird Costume niya.
Para naman sa taon ngayon, wala pa namang Halloween Party na pupuntahan pero magco-costume na ulit si Euan. Bahagi siya ng Nutrition Month Program ng San Lorenzo Ruiz School de Manila. Dahil Nutrition Month, kailngan niyang maging healthy food. At ang binigay sa kanya, AMPLAYA.
Sus, parang hellweek lang.
So, punta na ako sa Palengke ng Marikina kung saan mabibili ang lahat ng kailangang needs para sa mga ganitong okasyon. Leotards at Tights daw ang basic costume, so go na sa Marikina Dry Market. Second Floor, at iyun na. Tapos para sa head dress, kung saan ang amplaya ang bida, sa Joaquin naman, ang tindahan ng mga supplies ng tsinelas. Kailangan ng green na rubber foam. May ate pa nga ako na naghahanap ng pula. Tiananong ko talaga.
Ako: Nutrition Month po?
Ate: Oo.
Ako: Anung anak ninyo? Sa akin kasi, Ampalaya.
Ate: Cherry.
Ako: Ay ang sosyal naman ng school ninyo. Naka fruit salad, kasi kami Pakbet yata.
Ate: Buti hindi alamang yung anak mo.
Ako: May allergy siya e.
Tapos dumating na yung order ni ate. Rapor din sa tindahan. Mahalaga sa paghihintay. Then finally, home. Tapos gawa na ng head dress. At meron akong four easy steps to do that.
1. Sa Rubber Foam na color green, create the shape of the ampalaya and the things na gustong makita kaakibat nito.

Tumulong si Euan sa paggawa ng pattern. Syempre, charot lang yun. Nagdo-drawing siya ng mga cars sa rubber foam. Pero yun talaga ang unang step. Draw the patterns.
2. Gupitin ang mga natrace sa rubber foam.

Dahil bawal pa kay Euan ang paggamit ng gunting na matalas, ako na ang gumupit. Dapat inilalayo ang mga gunting sa bata, dahil baka maging parlorista paglake. Charot lang ulit. Marangal na trabaho naman ang pagiging parlorista.
3. Pagdikit-dikitin ang mga shapes na nabuo sa rubber foam ayon sa pagka-imagine noong dino-drawing pa lang.

Rugby ang ginamit kong pandikit, para high si Euan habang nagpe-perform at hindi mahiya. Tapang trip lang.
4. And finally, isukat kung fit ang ginawang costume.

Mukha lang nabulok na ampalaya ang kulay dahil sa flash, pero green talaga yan. Pero iyun nga, ang final stage ay fitting, at pag fit na, ready na for the next event.
At iyan ang four steps sa paggawa ng Ampalaya Head Dress para sa Nutrition Month Program ng school. Hanggang sa uulitin mga ate at kuya dito lang sa Art Angel, Art Angel…
Iyun naman, Bukas na ang event, kaya male-late kami ni Hasmin sa mga opisina namin, dahil magpapaka-stage parents muna kami. Pagbigyan nawa kami ng aming mga bosses. Ipo-post agad namin ang performance ni Euan sa school para naman matuwa rin kayo.
Oo nga pala, two days na siyang hindi umiiyak sa school. Kanina na lang ulit, nung nakalimutan siyang salubungin ng lola niya nung sunduan na.










