We’re Having a Preschooler

That means “Holdap ‘to. Itaas ang kamay. Huwag kang kikilos nang masama. Akin na’ng pera mo!” Parang hindi naman ganito ang dinanas ng mga magulang ko sa akin. Bakit ako pinarurusahan nang ganito? Joke lang.

Iyun naman.

Finally, nag-decide na kami n Hasmin na ipasok na sa school si Euan. 4 and a half na kasi siya. He was ready last year pero naisip namin na baka mapagod ang bata sa school. K-12 na nga, tapos daragdagan pa namin. Huwag na muna. Pero ngayon, parang kailangan na. Nagsimula na kami sa aming plano, at magsu-sunud-sunod na sana ang mga ito.

Medyo matagal din kaming naghanap ng school. Mga one week, starting last week. Binisita namin ang Roosevelt College Marikina, dahil alumni ako doon and we found out na may 15% discount ang mga anak ng alumni. Sayang nga lang at hanggang this year na lang daw iyun.

Roosevelt College Marikina

San Lorenzo Ruiz de Manila

Kasama rin naming pinuntahan ang San Lorenzo Ruiz de Manila, dito sa may Nangka, Marikina. Medyo foreign lang sa amin kasi Catholic School ito. May kasama pang fear of rejection at discrimination dahil hindi naman kami kasal ni Hasmin sa simbahan. Pero iyun. Okay naman din pala sila at lampake sa mga desisyon sa life ng parental units.

Inisip namin na i-consider din yung maliliit na school, yung mga tipong bahay lang na ginawang school yung ground floor. May mga ilan din kaming naisip, pero parang ginusto na namin yung totoong feel ng school. At may playground na rin. So far the two big schools ang pinagpilian namin. Roosevelt at San Lorenzo.

Mas mahal ang San Lorenzo nang todo, pero kung titingnan naman sa facilities, e mas bago ito. Roosevelt Elementary doesn’t seem to change since i last visited it, which was more than a decade ago. Mukha nga lang itong public school, pero yung Sto Nino ELementary School naman. Hindi ko pa naman jina-judge ang kalidad ng Roosevelt. Mukhang they have the best principal in town. Pero parang naka-traditional way sila ng pagtuturo.

San Lorenzo promised us a mixed of traditional and montessori style. Kaya naman medyo nakaungos ang SLRDM.

We also considered the distance. Walking distance lang ito, samantalang ang Roosevelt, kailangan pa ng isang sakay. Ayaw talaga naming mapagod si Euan sa kanyang unang experience ng school.

Pero ang clincher talaga ng decision ay kung sino ang tatanggap kay Euan sa Pre-Kinder or Developmental Kinder level. Sabi kasi sa San Lorenzo, pang Nursery pa rin daw ang age ni Euan, samantalang sa Roosevelt ay pumayag na agad na sa DK na. To set things straight, pinag-exam na namin si Euan sa SLRDM. Though tutol ako sa entrance exam sa preschool, pumayag na rin ako. 2hams agad ang bayad.

Euan taking his first exam ever

Euan after his first exam ever

Sabi sa ng nag diagnose, Euan is recommended for Nursery and pre-Kinder. So Sabi ko, prekinder na lang. Pinabalik kami for the interview kasabay nang pagpasa ng mga requirements. Ako na lang ang bumalik dahil may pasok si Mama Hush. Again, binigyan siya ng same exam, then binigyan ng exam for Pre Kinder. At iyun. Pre Kinder na siya. Final na.

Matapos interview-hin. PInatalun-talon si Euan sa mga colored rubber tiles. Tapos pinalakad sa plank. Tapos binigyan ulit ng Exam for pre kinder.

Okay na nga si Euan for Pre-Kinder, though kailangan daw magpa-tutor dahil magaan magsulat at hindi pa kilala ang ibang letters sa Alphabet. Kaya nang bumilang up to twenty, identifying all the numbers. Alam na ang basic shapes and colors at marunong nang sumagot.

Iyun naman.

Shet, pre-kinder. Tinanggap si Euan. Tanggal na ang Roosevelt sa options. Dito na ito. At ito na nga yung taas kamay, pikit matang desisyon. Kahit mas mataas nang higit 10K, sige na.

Kaya naman kanina, iyun, enrollment ni Euan.

Mga ilang beses ko na-realized na nakapamewang ako in a very parental unit manner. Ang iniiwasan ko kasi e yung humalukipkip kapag nakikipag-usap dahil tanda iyun nang pagkasarado ng isip. Pero kanina, pinipigilan kong hindi mamewang dahil parang naga-amu-amuhan ako at tinataasan ng kilay ang lahat ng naniningil.

Aba, sa laki ng babayaran ko e papipilahin pa ako? Tuition pa lan  iyun. Tapos, magbabayad ako ng school supplies at books, wala yung magbibigay? Tapos nagkakagulo sa pagsusukat ng school uniform?

Nakakainit pala talga ng ulo ang maglabas ng pera.

Pero naging sulit naman sa huli. Noong kinuhaan na ng picture si Euan para sa kanyang ID.

Smile! All of us smile!

I have better pics on my camera phone, kaso na virus. Pero mabuti na rin iyun. Baka mailabas ko pa ang picture ng resibo at maka-attrack ng mga masasamang loob. And to them, tanginan ninyo. You’re looking at the wrong victims, hindi kami holdap material dahil baka mas malaki pa ang kita ninyo sa amin. Magsa-suggest na lang kami sa inyo at hindi kami hihingi ng porsyento.

Iyun naman. Hasmin and I are another level up in the Parental Unit Game. At laban na ito! Na naman!

Vignettes of Roosevelt College Marikina

Inside the Campus

of Roosevelt College Marikina

Naghahanap na kami ng school para kay Euan. Isa sa mga pinagpilian namin ay ang Roosevelt College Marikina. Kung napili man namin ang school na ito, atsaka ko na lang sasabihin. Pero sa ngayon, dahil doon naman ako nag-highschool, in-enjoy ko ang pagkuha ng ilang pictures for reminiscing. Siguradong makaka-relate pati ang iba kong High School Batchmates.

the quadrangle

Parang ito pa rin ang benchna inupuan namin noon, katabi ng mga puno ng talisay na tanging sinisilungan namin kapag CAT days sa Quadrangle.

Ang unang tatapakan ng lahat ng bagong pasok, siyempre ay ang school ground. Ang tawag namin dito ay Quadrangle. Noong panahon namin, back on 99 and four years before that, hindi pa sementado ang paligid nito, May mga benches sa gilid na tinatambayan namin while waiting sa 12:00 nn. Pag umuulan, maputik doon, pero okay lang. Masaya rin kasi na nagiging damuhan ang paligid nito with its carabao grass roots.

Itong quadrangle din ang pinakamatagal naing naging class room. sa CAT kasi, ito ang training ground. E CAT na ako since second year, kaya naman hanggang fourth year, lugar ito nang aming mga sigawan.

At dahil nasa usapin na ng classrooms.

sa dulo ng rmababang building na ito ay ang class room namin ng 1A Sampaguita. Pero sandaling panahon lang kami dito dahil masyado kaming marami, like 72, kaya nilipat kami sa mas malaking classroom.

yung classroom sa ibaba nung pinakamataas na classroom, yun, ang 4-a rizal room. At sa ibaba nun ang pinaglipatan ng Sampaguita classroom.

Ang room namin noong second year. Ganito na ang itsura ngayon.

Sa second floor, doon naman ang 2A-Molave. sa corner room. katabi ng hagdan. At ang room katabi ng nasa itaas ng Molave ang third year classroom namin, 3A-Makiling. Shet, nalilito ako, okay lang kung iko-correct ninyo ako. Pero diyan ang mga rooms namin.

Wala na ang canteen. Ang elevation sa sa picture sa itaas ang dating kinatatayuan ng Canteen kung saan nagbebenta ng goto na ka-level ng pang elementary school. Mayroon ding Buko Juice na ka-level ng Buco Juice ni Mr Malana na na-issue dati na may formalin. Usual recess namin ang crinkles at mountain dew, pero pagdating nung third year, hindi na uso. Mahirap nang mapag-trip-an ng mga officers.

At ito pa ang mga building na nag-iba na rin ang itsura at functions mula nang higit ang isang dekada.

The gymnasium. Medyo naabutan namin ang mga pagbabagong ito, THough nailipat na yata sa base ng gym ang canteen at school supplies.

parang parehas pa rin, pero napinturahan naman siguro nang bago. Dito nagaganap ang PEHM. Kapag umuulan naman, dito ang CAT kapag sabado.

Ang College Building. doon saright side, sa dulo noon ang aming computer room na in all fairness, natuto kami ng Microsoft Word, Excel at Powerpoint. Pati na rin ng cross stitching bilang pampalipas oras habang hindi pa turn gumamit ng computer.
Nandito rin ang AVR kung saan ginanap minsan ang Miss Roosevelt Marikina kung saan nanalo si Camina Fricia Sol.

Ang Parking Lot na ginagamit din kapag CAT days. Hindi pa yata ito ganito kalinis dati.

At para naman sa totoong mga Vigenettes ng Roosevelt, medyo kaunti lang ang nakuhaan ko. Ahihi, Mga vignettes of memories lang din ang kasama. Here are some.

Ang mga corridors kung saan tamabay kapag walang teachers. Dito ko rin minsan napatid si Arvie at na-plakda siya sa floor. Yup, may sa kumag akong student noon. Nakaganti naman siya. Pinatid din niya ako. Fair naman.

Parang ito pa rin ang mga ilaw na nakalagay dito noong unang panahon.
ANu bang kaakibat nito? Parang dito nagturo si Mr Dela Cruz, yung nagturo sa amin dati ng cheer ng panghapon na. Du-A-Di-A-Di-A-Dam-Du-Bi-Du. yup, ganyan na ganyan ang pagkabigkas niya.
Ito rin ang ilaw na hindi bumukas noong Ball sa CAT at sa Cultural Night noong third year. Wala kaming JS Prom dahil may namamatay sa paligid those days.

At ang motto in life ng Roosevelt from Mr. Romeo P Dela Paz himself. “The essence of education s the liberation from the bondage of ignorance and poverty.”

Iyun naman, ilan sa mga ala-ala ng Roosevelt College Marikina. Sana nag-enjoy ang mga ka-batch ko, pati na rin ang mga dumaan sa paaralang ito noong unang panahon, mga isang dekada o higit pa ang nakalipas.

At para sa aking parting shot, parang ito ang isa sa hindi nababagong structure sa Roosevelt na nakikita ko pa rin sa mga brownish/sepia na class pictures ng mga pinsan kong dekada rin ang tanda sa akin.

Likod na Facade ng Roosevelt College Marikina Gymnasium

Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund

Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.

And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.

Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.

Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.

And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.

Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot

Hence

moving forward

magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.

And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.

Then some more rough rocky terrains

yung tipong terrain na nakamamatay.

na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga

there you go. Lets go geology majors

i can see a peacock

another lagoon, ang ganda nito.

Blending in. Kakulay ko na ang paligid

walking on barnacles

This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.

give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.

waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.

Mga Pulang Perlas.

But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.

At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…

pi-picture-an din kita. thanks jeff!

ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa

sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre

And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.

 

The First Visits after the Last Visit

(Mga Unang Dalaw Matapos ang Huling Dalaw)

U2 is five months now. And that is according to this, his first pictures care of the sonogram.

U2′s Ultrasound Pic #1

U2′s Ultrasound Pic #2

Ito yung mga pangga-panggapang pictures na kunwari naiintindihan mo yung sinasabi ng OB-Gyne. Yung tipong turo lang nang turo si doc pero parang dos program noong unang panahon ang tumatakbo sa utak ko. Though at times e nakukuha ko naman tula dnung sinasabing ito heart beat ng baby, which is malakas naman talaga at palaban. Medyo second visit ito naganap dahil hindi pinayagang itngnan si Mama Hush hangga’t hindi alam ang kalagayan ng IUD dahil kailangan itong tanggalin as early as the bird that catches the worm.

Maliit pa ang tummy ni Mama Hush dito. Parang “kaka-baby fat” lang (fat matapos maglabas ng baby)

So iyun. Punta tayo sa first day. Lunes kasi iyun, at ang plano namin ay daan muna sa OB at paalam sa aming doctor na gagamitin muli namin ang kanyang serbisyo. From the St Matthews Hospital kung saan ipinanganak si Euan, we opted to go sa original plan namin, sa St Vincent Hospital. Nakalimutan kasi namin na hindi sa Marikina ang St Matthews. Iyun tuloy, hindi ganap na Marikenyo si Euan. As for U2, sisiguraduhin na naming dito siya sa Marikina ipapanganak. And to do that, these were what we wore.

jacket kahit mainet for edginess. (inspired by Aaron Did Fashion)

Ang klinika ni Doctora

Fire Alarm

Iyun, kahihintay, puro picture na muna. Thus, the pictures prior to this.

Medyo matagal din ang paghihintay namin ng turn namin. Kahit mga 10:00 kami dumating ay may mga nauna na sa amin. Swerte pa kami dahil Lunes ito. Huwag nang subukan ang weekend dahil medyo two hours ang paghihintay. At nauwi rin kami sa isa pang paghihintay. Binigyan nga lang kami ng schedule para sa Ultrasound. Para malaman ang kalagayan ng baby at ng IUD.

Pasok na kami sa work.

“Ding, ang bato”

The next week, we were done with the sonogram kaya balik na kami kay Doc. As usual, marami pa rin kaya hintay-hintay muna. Meron namang vendo machine para malibang kami. At iyun, kape-kape muna. Hanggang sa makita na ni Doc ang results. Iyun, nadislocate daw ang IUD. Kailangan tanggalin na. At masyado daw makapangyarihan ang mga alaga ko at napenetrate kahit may bara. Pero the culprit, other than me, e yung konsepto na hindi kami nakapag-pa check up after ilagay ang ang IUD. To have a high rate of efficiency, there should be a monthly check up of the IUD. na hindi namin ginawa for more than three years. So medyo pinagpala pa rin kami ni God at hindi ibinigay si U2 earlier. At least mas handa kami ngayon.

Pero iyun nga, para matuloy si U2, kailangang tanggalin ang IUD, and this is how it looks like.

Though nahahaching lang talaga si Hasmin niyan habang tinitingnan kung maganda ang pagkakapinutra ng kisame

Hopefully, maging chronological na ang mga tala ko dito tungkol sa pagbubuntis ni Mama Hush hanggang sa paglabas ni U2 at hindi jumpy na pabalik-balik sa nakaraang pangyayari. At tulad ng pagpapakasal namin ni Hasmin, ta-try ko ring panindigan ang blogging na ito.

UFO: Unclaimed Gift

Salad, a brand na kaututang dila ng Tough. More on their pambabae brand

Medyo nakatambak na ang jacket na ito. Hehehe! Pero kung kanino ito mapupunta, alam mo na! Ahahaha! Magkikita rin tayo, atsana by then, sabay na tayo maka Ukay dito sa place namin. Medyo nami-miss ka na ng lugar at parang naglalabas na ng mga items na para lang talaga sa iyo. Minsan, sobrang s aiyo, kailangan kon gbilhin, like this one. Iyun. Enjoy this kapag nakuha mo na!

Salad JAcket. Huwag mo na i-zoom in dahil makikita mo ang presyo. Pero take note, as usual, binili ko ito nung New Arrival kaya mahal pa iyan. Ehehehe! Or hindi rin!

Salad Jacket at ang kaunting details!