Para Hindi Sila Malimutan

Matagal din nilang hinintay ang isa’t-isa

Mapalad ang mga bata ngayon at madali nang nahahanap ang pangalan ng kanilang mga pinagmulan dahil na rin sa makabagong teknolohiya na sinabayan ng mapagmalaking kultura kung saan mula pagsilang hanggang paglibing ay naitatala at naibabahagi na sa lahat. May kayabangan man. May magaganda ring dulot. Madaling mababalikan at makikilala ng mga bata ngayon ang mga nakaraang kung sa panahon natin ay kinatandaan, ngunit hindi natandaan.

Para sa inyo, Euan at Miguel, iyan sina Lola Henya, Eugenia Fulgencio Cruz, ang isa sa dalawang lola ninyong nakilala ko. Ang isa sa dalawang lola ninyong naabutan ko. Si Lolo Alberto S. Cruz naman ay hindi ko na naabutan. Kahit ang tatay ko ay hindi nakilala ang kanyang tatay, at maraming bagay ang maipapaliwanag nun tungkol sa akin. Pero para sa mga bata, lalo sa iyo Miguel, ikaw ay pinangalan sa iyong Lolo Alberto, kung kanino hinugot din ang aking pangalan. Kung ahhanapin ninyo sila pagdatingng panahon, ang mga lolo at lola ninyo sa tuhod sa bahagi ng aking tatay ay magkasamang nakahimlay sa Aglipay Cemetery sa Marikina.

Minabuti ko na ring dalhin si Euan dito sa sementeryong ito upang maranasan niya ang kanyang unang Undas. Nag-aaral na siya at marahil ay pagkwentuhan nila ang mga nangyari nitong bakasyon. May maibabahagi na siya sa kanyang mga kaklase. Paunti, pinakilala ko siya sa kanyang mga ninuno, kahit hindi naman niya iyun naiintindihan. Apat na taon lang si Euan. Madalas ay nakakalimutan ko iyun, at paminsan na lang naaalala tulad nung isang gabi, nung maihi siya sa kama. Bata pa nga pala ang panganay ko.

Unang Undas ni Euan

Mag-isang bumisita

Umasa ako na may mga aabutan kaming kamag-anak sa puntod, tulad noong nakaraang taon nung pumunta kami ni Hasmin. May mga tao sa puntod, nginitian ko, pagpupugay sa mga kamag-anak, pero humingi sila nang paumanhin at pinalabas ang mga bata sa loob. Mga kapit bahay lang pala iyun. Wala kaming kapamilyang buhay sa lugar. May dumaan naman dahil may nag-iwan ng bulaklak at kandila. Pero walang nagpagabi. Nakakahiya dahil wala rin akong dalang kandila at bulaklak. Nakalimutan ko rin na matanda na ako at may responsibilidad na ako sa mga pumanaw. Sa susunod na taon, magdadala na rin ako.

Aglipay Cemetery sa Marikina.

Pero hanggang sa dalawang ninunong ito na lang ang aking kilala. Nakalimutan kong itago ang nakita kong dokumento tungkol sa mga magulang ng mga lolo at lola kong ito. Ang natatandaan ko lang na apelyido ay Mejia. May dugong Mejia tayo. At kung tama ang pagkakaalala ko, Santiago din. Mga lolo at lola ko sa tuhod sa bahagi ni Lola Henya. Gagawa ako nang paraan na mahanap ulit ang mga pangalang ito.

Ang Lola Henya at ang Mama, ang panganay sa kanyang apat na magkakapatid.

Sa bahagi naman inyong Lola Kulot, ang nanay ko, mapalad akong inabutang buhay ang mag-asawa, si Lola Piding o Lola Fidela Cruz Bautista ang aking tanging nakilala. SI Lolo Manuel Bautista ninyo, ang natatandaan ko lang ay inihahakbang ako sa kanyang himlayan noong araw ng kanyang libing. Magkasama na ngayon ang mag-asawa sa South Cemetery.

Hanggang doon lang ang alam ko. Sayang at hindi akonakapagtanong dahil maraming kwentong kaakibat ang mga pangalang iyon. Mga kwentong kahit papaano ay may kinalaman sa katayuan ko ngayon. Pero hindi pa naman huli ang lahat. mahahanap at mahahanap ko rin ang mga pangalan at mga kwentong iyan.
Sana ang Undas ay maging pagkakataon para makilala ng bagong henerasyon ang ilang dekada, kung hindi man dantaon ng kasaysayan, hindi mula si mga aklat kundi sa mga pangalang bahagi ng kanilang katauhan.

Naglilihi

Ang bahay namin ay ipinaglihi sa pamahiin. Kaya naman ngayong maraming buntis dito, lagi kaming inaantok dahil ang pakikisalo sa pagkain ng nagdadalang-tao ay sleep inducing. Ang hirap namang hindi makisalo kung medyo masarap ang pinaglilihihan.

One morning, spaghetti ang hanap ni Hasmin. Kaya naman nagpabili kami ng chaka spaghetti for breakfast. Matapos noon, nag-grocery kami at namili ng pang spaghetti. Though medyo penne pasta ang nagamit. Check na rin iyun., Lalo pa at ako ang nagluto. O, mind you, don’t mind me.

At isang umaga naman nitong linggo. Alas Singko Y Medya, nangangalabit si Hasmin, gusto ng Pancit Malabon. Pupungas-pungas pa ako at tinatamad bumangon. Hindi talaga ako bumangon. “Allergic ka sa sea food,” sabi ko. “Hindi ko kakainin ang hipon,” sabi niya. Nakatulog ulit ako.

Bad.

Bad me.

Bad na hindi ibinibigay ang pinaglilihihan ng buntis. Magagalit ang baby sa loob.

Kaya naman while nasa opisina, bago ko pa daanan si HAsmin sa kanyang pinagta-trabahuhan. TUmawag na ako sa aking mga koneksyon. At iyun na nga. Habang nasa taxi, paalala ulit. “Bakit ang aga-aga nga pala, naghahanap ka ng Pancit Malabon?” “Hindi ko alam, naisip ko lang. Ayan, naalala ko tuloy. Gusto ko na ulit ng Pancit Malabon.”

Well, na-set up na ulit. Na-tickle na ulit ang taste buds ni U2.

Pag-uwi sa bahay.

Pancit Malabon mula sa Calumpang Marikina

Tuduh!

Bawing-bawi naman ang pagtulog ko sa naglilihi kaninang umaga. Dahil hanggang sa kinabukasan, pwede pang agahan.

Iyun nga lang. Kuha din kaming lahat sa bilao, at antok ulit kami buong maghapon.