The Lion, The Tiger And The Bear

Another Inspiring tale of animals, not a fable but a real life story.

The Lion, the Tiger and the Bear

The Lion, the Tiger and the Bear

As cubs a lion, a tiger, and a bear had been owned by a drug dealer who did not properly care for them. The bear’s harness grew into his skin because the owner did not alter it as the animal grew. They had been abused and neglected early in life, but were finally rescued. The bear’s harness was surgically removed.

After they had been taken in by an animal sanctuary in Georgia, the staff tried to separate them due to obvious concerns that the three large predators would fight. During the trial of separation, the animals were uncooperative and behaved poorly. Once reunited, the three calmed down and were well behaved.

Twelve years later, the three friends spend their days playing, cuddling, and eating together. There are no plans to separate these lifelong friends.

More info and video: http://abcn.ws/12w6LdJ

The Last Weekend

Kailangan ko lang mailagay, dahil rumurok din sa pagod ang halos apat na araw na iyun.

Thursday to Friday. Locked-in kami sa Maxims Tower – Resorts World Manila, ang isang 6 star hotel daw,  para sa pagbuo ng mga concepts.

Melo and I matapos ang gabi sa casino.

ang mga kama. yung isa, para kay mang manny buising, the palanca god. though parang facebook ang bukas na window sa laptop.

nakaw ng tulog

view from our room. ang swimming pool na glass ang side, kaya kita ang matataba from the gilid

9:01 bago ang free breakfast

syempre, bilang hobby, kailangang mag post ng nakahubad sa harap ng salaming maganda

At iyun, palabas ang Cinco sa ABS CBN kaya naman hinintay ko ang moment namin sa airtime, and there i am, katabi ni Madma.

Friday kami umuwi, pero hindi pa makaalis dahil nakapangako kami sa CGE TV na a-attend kami ng Yahoo OMG award. Wala pa yung photos, so to follow na lang. Hehehe.

Yahoo OMG Awards 2012 @ the Arena

Ito na muna, Magnum na sponsor.

Una akong nakatikim ng Magnum sa Yahoo OMG Awards 2012. masarap naman pala talaga.

Iyun. Medyo madaling araw na rin kami nakauwi. Sayang nga at hindi na kami nakarating sa after party sa 7th high yata. Pero mabuti na rin dahil may Mini Alumni Homecoming pala kami ng aming highschool class.

Adrian, Alfreid, Bukne, Ojen, Mikoy, Marjorie and Lilian

kasama naman ako si Vanny at si Angelo

Kasama na si Gong. Wala akong picture nung humabol pa si Grace.

Masaya yung Reunion kahit medyo bitin dahil medyo one third lang ang dumating, pero okay na rin. Happy pa rin ang kantahan sa Turtles KTV Bars. At medyo matagal din ang inabot namin at ang only cost ay 500 per head kasama na dun ang buckets of beer na nainom at isang pitcher ng margarita at tatlong pitchers ng Zombie yata. Sulit naman talaga sa Turtles. Though sana ayusin nila ang mga kanta sa videoke nila.

Iyun. Pagod lang din. Kaya naman buong linggo. tulog yata ako. Share lang. Or kailangan lang ma-post ko ang mga pictures, so there.

 

 

Nostalgic Night

Some ten years ago

Parang mali na nakita ko ang picture na ito sa facebook page ko. Noong una ay na-excite ako. Ganito nga pala ang itsura ko dati. Pero iyun. Ganito nga pala ang itsura ko dati. And everything changes. All the happy emotions were suddenly gone. Gone like the person i was looking at. Hindi na kasi ako iyan. At nakakalungkot.

At gusto ko ito.

Finally, may mystery pa pala ako sa sarili ko.

At hindi na ulit ako malungkot.

A Directorial Debut

Anlakas makataas sa sarili nung Directorial Debut. Parang sertipikado. Pero iyun naman. Hindi naman talaga ito ang unang panahon kong mag-direk para maging debut. Para saan pa’t naging part ako ng isa theater org kung hindi ako naging director. Pero ang pagke-claim naman ng mga bagay-bagay ay personal choice. At ang opinyon ng ibang tao ukol doon ay ibang bagay pa.

Tulad nung first time ko magdirek, e medyo masaya ako at nag enjoy naman ang ga nakatrabaho ko. That was Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig of that sort ang title, parang adaptation ni Teresa Lorena Joson  ng Nobela ni Grabriel Garcia Marquez na sumulat din ng isa sa pinaka haunting na book for me, 100 Days of Solitude. Iyun Hanggang doon lang iyun, masaya ako at masaya ang cast ko. Pero kung masaya ang mga nanood, parang hindi hindi ko alam, or more of parang hindi.

Pero iyun naman ang una. Nung mga sumunod naman parang mga naging masaya na. Ilang plays din iyun.

Pero ngayon, bilang debut, hindi na isang dula ang na-direct ko. Proud ako na kahit isang Webshow lang ito, isang Vlog ng isang dear friend, e talaga namang hindi lang kaming tatlong gumawa ang nag-enjoy kundi pati na rin ang target audience. Marvin has his own blog na patok na patok naman sa mga kliyente at target market. At para sa kanyang 1st month sa ere or WWW, e nagsimula na siyang mag Video Blog. Maganda rin at napili niya ang www.cge.tv bilang host ng kanyang mga videos. Mahirap naman kasing sumikat with Youtube dahil maraming competition, pero with CGE.TV, andaling maging star.

At iyun na nga, ang aking directorial debut na may kasamang camera, eto na.

or click the pic. enjoy.

Marvin Salazar is Madma

You can alaso see the video on Madma’s website http://madmacarta.wordpress.com/

Actually, sinubukan ko lang ito, dahil sabi sa akin ng admin ng CGE TV ay pwede na raw mag embed ng videos from cgetv. Parang hindi pa pwede. Parang may nagsinungaling sa certain part ng communication. ANyways, siguro next week, susubukan ko ulit. At ibig sabihin, mayroon na naman akong project na ipapapalabas.

Daddy Vacay: Playa de Caleta, Bataan

Parang hindi ako papayag na this year, hindi ako lalabas ng Luzon, dahil last year, parang ganun ang nagyari sa akin. Walang ganap. Lumipas din ang Semana Santa na nasa bahay lang kami. Though may Baguio getaway na pala kami ni Missus, pero malamig iyun. Ang gusto ko ay beach.

Sayang nga lang, at lumalaki ang tummy ni Mama Hush, at medyo bawal na siya matagtag. We were supposed to go together. Kaya lang, for the safety of U2, stay at home muna siya. Naging maunawain naman siya at ako na muna ang lumabas ng bansa. Hence Bataan.

And the diary starts here,

Nagkita-kita kami ng mga UP Rep friends sa Genesis sa Cubao para sumakay ng Biyaheng Balanga, Bataan. Alas kwatro y medya nang madaling araw kami nakasakay at after roughly two hours, nakarating na kami sa Bagac Terminal. Kain muna kami sa Jollibee while waiting for Kuya Kel, ang aming tour guide. Doon na sa bayan na iyun kami sinundo ng coaster.

the coaster ride with Barrack, the Dachshund

Ang mahalagang Krus, Dambana ng Kagitingan in Mt Samat. Syempre hindi yang poste ng kuryente but the one on top of the boondocks.

Dinala kami ng maliit na bus sa unang beach kung saan kami susunduin ng bangka patungo sa cove na paglalandian namin. Parang casting lang ng horror film ang atake namin, at may mga mamang mangangahoy na magsasabi anytime na “kung ako sa inyo, hindi na ako tutuloy.”

MEdyo ganito ang peg ng mga banka, though hindi ito yung sinakyan namin. Isa lang kasi ang bangka for the 17 of us, kaya hinati na lang sa dalawang biyahe.

And the beach cove, the Playa de Caleta, Kung saan kami magpapalipas ng weekend

Wala namang ganap. Mabato ang beach, pero masarap languyan. May mga balitang marumi ang tubig pero hindi naan halata. At ang highlight ng punta namin doon ay ang trekking na pinangunahan ni Kuya Babe.

nung sinabi kong mabato, hindi ako nagbibiro, Umpisa pa lang ito. Makikinis pa ang mga bato.

Ang mga batong hindi makikinis. Pero to get here, kailangan pang dumaan sa wall climbing na hindi ko nakuhaan dahil nagwa-wall climbing ako. Ang option kasi ay maligo sa dagat ng basura.

Pero may mga Starfish naman on the way na nakakawala ng pagod. Or hindi rin.

And the island we were to conquer. Or conquered na rin. Naihian na namin ito e.

Ang unang side ng isla. Malakas ang alon at malakas maka ANTM Photoshoot

Hence

moving forward

magsisimula na ang mga lagoons na pwedeng paliguan, at gawing tub. Kaya lang, may naghihintay na mga Sea Urchins? Sinong Urchins? Sea urchins.

And this one is from another pool, at barkada ang mga sea urchins na nagpa-plano kung paano manunusok ng paa. “Pare, me mga tanga, tera, magpanggap tayong imbisibol para matapakan nila tayo.” Ganyang level.

Then some more rough rocky terrains

yung tipong terrain na nakamamatay.

na may magagandang formation din na nakawawala ng pagod… or hindi rin. pagod din talaga

there you go. Lets go geology majors

i can see a peacock

another lagoon, ang ganda nito.

Blending in. Kakulay ko na ang paligid

walking on barnacles

This is a bitag. May sea urchin ulit s ailaim kasama ng mga isdang naabutan ng lowtide.

give up na rin ako sa kapi-picture. kaya medyo pabalik na ako nung makabawi ng strength to click the camera. Iyan, pabalik na sa wall climbing, dahil kung saan kami nanggaling, same track pabalik.

waiting for us was a sumptuous meal. Pero hindi ito yun. Ito na ang breakfast namin. Tipid tipid din kasi ng battery. Walang kuryente sa island. So this is our breakfast the next morning.

Mga Pulang Perlas.

But this was not without a rule. Sa lahat naman ng lugar, may paalala. Kaya ito naman. Huwag daw magtapon ng fetus sa bowl, nagbabara. Pero huwag naman nating i judge na against sila sa pagtatapon ng fetus, pwede naman daw sa basurahan. Ayaw lang nilang nagbabara ang inodoro.

At pahinga na rin. Bago kami nito umalis. At dahil ni-picture-an mo ako…

pi-picture-an din kita. thanks jeff!

ayan, kung maiwan man ako dito mag-isa, mabubuhay ako dahil nandito at nagkalat ang mga trees of life. na alam naman nating tinatawag na Buko. Wala nga lang booking.

But this trip didn’t come without a price. siguro naka two thousand ako all in all. 1,300 para sa services sa food sa beach sa pag-aalaga nina Kuya Kel, then 200 sa pamasahe sa bus, at 330 para sa coaster at boat ride.

Other than that, may mga pisikal na kabayaran din. Dahil nga batu-bato ang beach na nakakatusok, hence.

sugat #1: sa ilalim ng paa

sugat #2: sa ibabaw ng paa

Pero sulit naman ang pera at mga sakit na dinanas. Masaya naman kaming umuwi. To prove, ito ang ginawa namin music video.

At bago iyun. Class picture muna.

class picture syempre

And after that, goodbye for now muna Island

At bago ang lahat nga pala. The next day pagkagising ko sa bahay na. May kabayaran pang humabol.

attack of the pimples sa face. Madumi nga ang tubig sa Bataan. Argh. Dagat ng Basura.