High Dynamic Range Morning

Parang ang intense ng title, pero iyun, dahil sa bago ang Picasa 3. Nag-auto update siya na kinatuwa ko naman. Medyo pinaglaruan ko muna ang mga pictures, rather features ng new and improved software. Dahil diyan, mga pictures at harutan namin tuwing umaga sa kwarto ang kinarir ko. Though mostly e tulog ako. Dahil naman kasi gising pa ako gayon oras, which is naka indicate kung anong oras nakapasok ang blog entry na ito.

Anyway, here are some of our High Dynamic Range Mornings.

High Dynamic Range ayun sa Wikipedia

In image processingcomputer graphics, and photographyhigh dynamic range imaging (HDRI or just HDR) is a set of techniques that allows a greater dynamic range between the lightest and darkest areas of an image than current standard digital imaging techniques or photographic methods. This wide dynamic range allows HDR images to represent more accurately the range of intensity levels found in real scenes, ranging from direct sunlight to faint starlight, and is often captured by way of a plurality of differently exposed pictures of the same subject matter

The Second Coming… I Mean The Second is Coming

First there was this.

This was taken some five years ago. Kaya medyo poor ang quality. Pero kinuhaan ko ulit ng picture para mas malinaw.

Higit-kumulang Five years, pero nakatago pa rin ang pregnancy test na ito. Call me sentimental, but i’d rather be called daddy, dahil a lillte less than nine months after that test. Ipinanganak na si Euan. Yuh, uulitin ko ulit ang kwento. Nasa tambayan ako sa UP at sinasabihan ako ni Hasmin na hindi pa siya nagkakaroon. Hindi ko daw siya pinapansin. Tapos after a week, sinasabi pa rin niya sa akin yun, hanggang nasa kwarto na ulit kami. Hinarap na niya ako, saying na hindi pa rin siya nagkakaroon. So we did this pregnancy test.

Ang plano namin, among the many plans e five years bago sundan si Euan. Or ten, sabi ni Hasmin, pero okay na ako sa five. Yung tipong pagka-graduate ni Euan ng college na four year course, pwede pa siyang magpahinga ng one year, bago niya pag-aralin ang kapatid niya. Other plans include a church wedding at si Euan ang ring bearer, at sexy na ulit si Hasmin. So we did this.

Intrauterine Contraceptive

Medyo wala pa naman usapin ng RH Bill noon, though more on Lampake naman ako talaga. Pero we opt to have our family well planned. Noong unang taon e medyo ingat-ingat lang sa paglabas-pasok at labas. Minsan Sumasabay sa kanta, i mean to the rhythm. Then natakot na kami, mga after more than a year, nag try na kami ng ibang form of family planning. Sabi ang Intrauterine Device daw na ito or IUD can prevent us from having a second baby within five to ten years depende sa gusto namin. Medyo maliit lang ito na nipapasok sa loob ng wife pero for more reference sa size, tinginin ninyo ito.

Kahit ganyan lang iyan kaliit, e  99.9% naman iyang effective. Mas maliit pa sa percentage sa mga mahihirap sa Occupy Wall Street which is 1%. Pero iyun ganun siguro kami ka-unique. After three years. Ito na.

One week pa lang na delayed si Hasmin e nag-panic na siya. Saying hindi siya pwedeng mabuntis. Sabi ko naman. Hindi ka pwedeng mabuntis. Kasi nga may IUD. Siya naman, hindi siya pwedeng mabuntis dahil this year, marami siyang plano, kailangan na niyang yumaman. Ako naman hindi ka pwedeng mabuntis dahil naka-IUD ka. Teh siya ulit, hindi siya pwedeng mabuntis dahil sabi niya, nagpramis siya sa office na hindi siya mabubuntis. Than ako ulit, hindi ka pwedeng mabuntis. Hindi pa ako handang maging isang ama, i’m just twenty five. Yan talaga ang mga tumakbo sa isip namin noong oras na iyun. Among other things.

Iyun, sabi niya, bili ka na ng Pregnancy Test. Sabi ko, Pregnancy Test are more effective kung titingnan after one week na delayed. Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyun. Parang gusto ko lang i-delay ang katotohanan. Pero iyun, sige na, go na. Bumili ako ng dalawa. Tig-isa kami.

At iyun nga. The next morning.

This is a tale of a failed Intrauterine Device. So what do we do? Hasmin is pregnant and she has an IUD inside her. Could we be the .1% of the IUD users? Punta na kami ulit sa aming OB Gyne. Whatever the case is, siya na ang magpaliwanag sa amin. Then iyun. She checked the IUD. Medyo na-dislocate daw. So sabi namin, tanggalin na niya. But no. Hindi pwede. Kailangan muna ma-ultrasound to know the location of the IUD and the baby. Iyun naman. Nagpa-Ultrasound na nga kami.

The baby is inside the womb. Iba sa kinakatakot ko na baka maging ectopic ang pregnancy. And the heart beat is strong. Wow, ang survivor naman ng baby namin. Ang lakas. Kinaya ang IUD, at sa heartbeat pa lang, parang nagsasabing, kapit lang! Laban na ito! Hasmin was actually inspired by the strong heartbeat. Parang gustung-gusto daw ng baby namin mabuhay.

Kaya naman iyun. Tulad ng statement ng heartbeat second baby namin. Laban na ito.

Euan, the IUD and U2 (working title pa lang)

Clearing Things Up with Hasmin

After the several Sunday Classes, Hasmin is finally ready to take the board exam to finally become a broker. And her first accomplishment is my heart, she broke it into pieces and as Adele said, played it to the beat… all of the pieces… to the beat. And a lot of ellipsis. Pero kidding aside, sa end ng Feb, kukuha na ng board exam si Hasmin at isa sa mga requirements nito ay patunayang wala pa siyang ginagawan ng masama, na nahuli ng mga pulis. Hence, NBI Clearance.

Ang diskarte namin noon ay pumunta sa Quiapo branch ng Friday 3pm. kaunti na lang ang tao at tuluy-tuloy na ang pila. Hasmin tried the NBI Clearance and Renewal Office sa Quezon City Hall pero too late, dahil first three hundred na lang daw ang tinatanggap at nipa-process. Baka ganun na rin sa Quiapo, so ibang diskarte. Sabi ko sa kanya, try na lang namin yung sa NBI sa Robinsons Metro East.

NBI Clearance and Renewal Office, Robinsons Metro East

Hindi ko alam ung ano ang sistema sa Robinsons Metro East, kaya naman nagtanong ako prior to our visit. The Friday before, pinuntahan ko na. Five PM na nun, at wala ng taong nakapila. Meron na lang mga desk officer. I asked and they were courteous and polite (May gumagamit pa ba ng salitang courteous?). Bukas na daw sila ng 8am, pero marami nang nakapila madaling araw pa lang. Naku, hindi pwede yung ganito. Kailangan ng ibang atake.

Nakakita ako ng table na may nakasulat na PWD, Pregnant, Senior Citizen. Naisip ko si Hasmin, lagi siyang nagpapa-exercise sa akin, at medyo mabagal ang epekto, baka pwedeng pumasa. So balik ako kay ate. Miss, may lane po ba para sa mga buntis? Sagot si Ate, wala. Upo na lang sila diyan. Ako: Hindi na nila kailangang pumila, ng number? Miss: Uunahin na lang sila. Okay.

Monday morning, iyun. Umalis kami ni Hasmin nang maga-alas otso na. Sarado pa ang Mall, pero dahil meron akong Fitness First ID, sabi ko, mag gym lang ako at may guest. Pinapasok naman kami. Thank you Fitness First ID. Patay pa ang mga escalators. at pagdating namin sa fourth floor, wala pang mga tao. Moving forward sa area, nakita namin na sa gilid, sa may parking area ay nagsimula na ngang pumila ang mga gustong sumubok sa kanilang kainosentehan. Nagtanong na ako sa guard at pinaupo na si Hasmin. Pasado alas otso na nun at hindi pa nagstart.

People With Disabilities, Pregnant and Senior Citizen first

Eventually, pinapasok na rin ang mga nasa parking area.

Alas nueve naman pala kasi ang simula. Pinapasok na ang mga nasa parking area. Tapos ni-number-an, tapos from the pila, pinaupo. Then binigyan ng blue card. May kuya na magdi-dictate kung paano sagutan ang papel. Huwag siyang pangunahan. Magagalitin siya. After ma-fill-up-an lahat. Pina-proceed na si Hasmin, ang matandang tumabi sa kanya at isang buntis na complete outfit.

First step is payment. Tapos encoding. Then Biometrics. Last, Release.

9:30, tapos na siguro kami. Masyado pa kasi kaming maaga dumating, so mga isang oras din na processing. Salamat na lang at may lane para sa mga buntis.

After nun, deretso kami sa St Vincent Hospital sa Marikina.

@ St Vincent Hospital Marikina

We are seven weeks pregnant at kailangang tanggalin ang IUD.

Waiting for the Train

Mama Hush and Euan: Waiting for the Train

Euan loves cars, trucks and trains. Yan lang tatlon giyan ang lagi kong nisa-suggest tuwing birthday at christmas para regalo sa kanya. Kaya naman nung first time na makapunta kami sa MRT, ay super excited siya. This was not the first time for him to see this iron caterpillars but this was the first time for him to ride one.

Birthday ng anak ni Regina. Ayon sa details ng picture, it was taken November 5, 2011, so i bet same dates ang lahat ng ito naganap. Naisip aming mag taxi na talaga from our place to the venue, sa Gymboree, Trinoma, at dahil Saturday naman at medyo patay na oras, some time between 1 and 2 pm, sinubukan na naming magtaxi hanggang Cubao, then take the MRT papunta sa Trinoma.

Na-enjoy naman ni Euan ang unang sakay niya ng MRT. And as usual, hindi siya showy.