one for iligan help cdo

Ilang Sandali para kay ‘Sendong’

May kalituhan ako sa mga ginagawa ko at pinapanood nitong mga huling araw. Parang may hindi sync sa mga nararamdaman ko. Yun bang parang nanonood ako ng filipino film na dubbed in tagalog, tapos hindi sumasabay ang bibig ng nagsasalita sa sinasabi. Hindi naman masama yung pakiramdam, hindi rin nakakairita. Pero may maling presensya.

Naguguluhan ako sa mga post sa Facebook at palabas sa TV. Maging sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid. Daan-daan kasi ang namatay at libu-libo ang nasalanta sa Mindanao. Pero parang patuloy lang sa pag-ikot ang mundo na parang walang nangyayari sa ibabang bahagi ng Pilipinas. Kasabay ng mga post ng mga pusa at mga kasalan at mga christmas parties, at video ni Jose as Willie and Willie’s response to it ay ang mga pictures ng mga batang nalunod, mga magulang na umiiyak at mga bahay na parang minsan ay hindi naging mga tahanan.

Pero hindi ko sinasabing mali ang mga ito. Hindi ko rin sinasabing hindi maganda. Nawawalan lang ako ng kaisahan sa mga kaganapan.

Siguro dahil tiga Marikina ako at minsan ang kaganapan sa Cagayan de Oro at Iligan at sa iba pang apektadong lugar doon ay nangyari din dito. Noong mga panahong iyon tumaas ang tubig kasabay ng mga pangamba. Na habang ang paligid ay dumilim at muling lumiwanag, lahat kami ay nakapako sa isang lugar nag-aabang nang susunod na mangyayari. Na ang noong una’y sabay na paggalaw ng mundo sa pag-agos ng baha, nag-iba nang ito ay humupa. Tumigil ang mundo sa pag-ikot. At ang lahat ng nasa paligid ay hindi kapani-paniwala.

Iyun nga siguro. Bumabalik lang ang nararamdaman ko noong panahon na iyun. Ang pagitigil ng mundo. Na ngayon nalaman ko, na habang huminto ang sa amin, ang sa iba ay patuloy pa rin. Na hindi naman masama, hindi mali. Nakakalungkot lang talaga siguro.

Nakikidalamhati po ako sa mga nawalan at naulila sa Mindanao. Hindi ko na po ilalagay ang mga photos, nakita na po ninyo iyun, pampa-ratings at pagpapapansin na lang ang magagawa nun. Instead, ito na po muna ang tulong na maiaabot ko, ang pagtulong sa mga mas malaking nakakatulong. At sana po, paki-reblog na lang ang mga ito. Mas mabuting magbigay tulong kesa magbigay ng awa, dahil ang awa ay patay na emosyon.

Tulungan po natin ang mga kapatid natin sa Mindanao. Nakita na po natin ang larawan ng kanilang pinagdaanan. Tayo naman po ang maging larawan para sa kanila ng tunay na diwa ng pasko… o kung hindi man, ng isang mabuting Pilipino. Or foreigner na rin.

Sagip Kapamilya ABS-CBN Foundation Inc., Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St., Diliman, QC – for goods in kind

ABS-CBN SAGIP Kapamilya 
ABS-CBN Cagayan De Oro: Brgy. Bulua, Cagayan De Oro City
ABS-CBN Davao: Shrine Hills, Matina, Davao City

BDO Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39301-14199
Swift Code: BNORPHMM

BDO Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 39300-81622
Swift Code: BNORPHMM

PNB Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 419-539-5000-13
Swift Code: PNBMPHMM

BPI Peso Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3051-1127-75
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

BPI Dollar Account
Account name: ABS-CBN Foundation Inc.-Sagip Kapamilya
Account Number: 3054-0270-35
Branch: West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

Ateneo School of Government and Kaya Natin! - will accept donations from Dec. 19-21 only, 10am to 10pm. Clothes, blankets, ready-to-eat food, toiletries and bottled water accepted. Bring to  Fr. Ortiz Hall, Social Development Complex, Ateneo, QC.

GMA 5 (Davao) – Please leave donations at Shrine Hills, Matina, Davao (info from @mindanaoan)

Kristohanong Katilingban sa Pagpakaban (coordinated with Xavier University) – call (088) 8583116 loc 3210 for details

La Salle Greenhills - will start accepting donations Monday, Dec. 19 (info taken from HERE)

Donations in cash and kind will be received at Gate 2 of La Salle Green Hills at 343 Ortigas Avenue, Mandaluyong City 1550. You may call any of the following telephone numbers for further inquiries:
Alumni Office — 721-2729, 722-7750, 725-4720
GS Principal — 721-2482
HS Principal — 721-8914
Buildings and Grounds Office — 721-8904 (Telefax)
La Sallian Mission Office — 726-5851 (Telefax)

LBC Foundation – bottled water, food, blankets, clothes, etc. Drop off your donations at the nearest LBC branch nearest you, nationwide. Call (632) 8585-999 to find the closest LBC branch.

Mercato Centrale (BGC) / Soderno (Alabang) - bottled water, rice, canned goods, bottled water, utensils, toothbrush, mats, used clothes, blankets

The Philippine Daily Inquirer, 1098 Chino Roces ave Mascado cor Yague, Makati ph.+63 2 8978808 Ms. Kasilag/Ms. Kalagayan.

Sen. Kiko Pimentel – accepting donations starting Dec. 19 at Room 512, GSIS Building, Senate of the Philippines. Contact person: Ron Munsayac (new media group)

TV5 Kapatid Foundation Inc. - Donations in kind like food, clothing, utensils, blankets, mats, water containers, and medicines may be sent to News5 Aksyon Center, TV5 office in San Bartlolome, Novaliches, Quezon City. For inquiries, please call News5 Aksyon Center hotline – 938-6393.

Xavier University KKP-SIO – cash, food, bottled water, clean clothes. You can drop them off at the Xavier University KKP-SIO.

CASH DONATIONS (INTERNATIONAL)

Ateneo de Manila University – please see how to donate HERE

ONE FOR ILIGAN – a Google doc that tells you how you can donate at least US$1 via PayPal
Your Donations will be shown at: www.iliganbloggers.com
For donations on Paypal, your names and initials HERE

HELPCDO (PayPal Donations) – Proceeds will be donated and delivered to Xavier University Cagayan de Oro where the members of CDOBloggers are planning to volunteer. (Note: Info received c/o Ria Jose)
Email Address for PayPal donation: francis.siason@gmail.com

Simbahang Lingkod (info taken from HERE)
Direct deposits may be made online from any BPI branches, pay to:
Account Name/Payee: SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN
Bank Name: Bank of the Philippine Islands (Loyola-Katipunan Branch)
Dollar Savings Account Number: 3084-0420-12

TV5 Kapatid Foundation Inc.
BDO Savings Account No. 005310-410164
Bank of the Philippine Islands Savings Account No. 1443-05333-2
For inquiries, please call News5 Aksyon Center hotline – 938-6393.

CASH DONATIONS (WITHIN THE PHILIPPINES)
For Globe subscribers:
via SMS, c/o Red Cross – text RED and send to 2899 – valid donation amounts are P5, 25, 50, 100, 300, 500 and 1000 (For ex, RED 10). Transaction is free.
via GCASH, text DONATE and send to 2882

For Smart subscribers:
via SMS, c/o Red Cross – text RED and send to 4143 – valid donation amounts are P10, 25, 50, 100, 300, 500, 1000 (For ex, RED 10). Transaction is free.
via Smart Money acct. no. 5577-5130-6822-1104 (Baha Fund for Typhoon) at any BDO, Hapinoy or Cebuana Lhuiller outlets. P2.50/text

Ateneo de Manila University – please see how to donate HERE

Pilipinas Natin HQ (contact PN Head June Joson at CP 0915-855-2599; 0939-9372353)

Red Cross (cash/check)
Account Name: Philippine Red Cross
Bank Name: Banco De Oro
Peso Savings Account: 453-0018647

Simbahang Lingkod (info taken from HERE)
Direct deposits may be made online from any BPI branches, pay to:
Account Name/Payee: SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN
Bank Name: Bank of the Philippine Islands (Loyola-Katipunan Branch)
Peso Checking Account Number: 3081-1111-61

Xavier University, Tabang Sendong
Account Name: Xavier University
Bank Name: Bank of the Philippine Islands, CDO Divisoria Branch
Account Number: 9331-0133-63

VOLUNTEERS NEEDED
DSWD - Cagayan de Oro (Masterson Rd, Upper Carmen). Call (0906) 6150095 or 858-8892 – to repack and deliver relief goods

Iyun po muna. Sana po ay makatulong tayo.

medyo na-delay ang start ng takbo dahil sa walang tigil ang pagdating ng mga runners
Aside

Run For Pasig minus the Running

One River, One Run 11-20-2011

Maku-kwento ko na sa anak ko, the very moment ma-discover niya ang Guiness Book of World Record, na Record Breaker ang tatay niya. HIndi dahil ako si Sarah Geronimo, but because part ako ng 2010 Run For the Pasig River kung saan we reached one hundred sixteen thousand eighty six (116,086) runners breaking the 20-year old world mark for the “Most number of participants in a racing event.” Fact yan. at mahalaga ang fact na yan this year dahil part ulit ako ng event. Hindi bilang runner, pero bilang writer.

It was actually the plan. We were to register dahil isang elevator lang naman plus apat na swipe ng id ang layo ng Dolphy Theater sa floor namin. Ang kaso, tumawag si Jefp, member ng ABS-CBN Special Projects Unit. Niyaya kami ni Melo na sumulat for the event. Bawal tumanggi sa grasya, opportunity knocks only once, though itong si Jefp, nakaka twice na kaya grab lang nang grab. Kaya iyun. Attend muna kami ng meeting at masaya naman at may na-meet kaming bagong mga tao.

sequence treatment

Pasabog ang roster ng mga hosts. Pero last monument, nabago ang mga iyun. Mine became Onse and Ahwel. Onse has become a friend after the weekly meeting namin sa taping Banana Split. Pero kahit nag-iba na ang expectations, marami pa rin palang perks ang pagiging part ng event.

Nagulat lang kami nung una na kahit 4:30 ang gun fire, 4:00 ang call time. 4pm ng day before. Wala na palang uwian ang event. Pero maganda na man ang tinuluyan namin at kasabay na nito ang sunud-sunod na mga perks.

perk no 1: Midas Hotel

We were house in sa Midas Hotel, malapit na sa CCP kung saan mag-start ang 3k race kung saan ako magpo-floor. Anlakas maka upper middle class ng hotel. MOre than that, may libre pang shirt from boardwalk. Wala nga lang kaming singlet like last year, pero wag na choosy.

Perk no. 2 Onse and Ahwel

Ansaya lang ng umaga kasama itong dalawa. sobra makapag warm up ng mga tao. At ang best ni Ahwel. Forever ko nang matatandaan ang hirit niya sa crowd. Habang hinihintay natin ang takbo, maglaro tayo. The Boat is Sinking. At ito ang crowd.

the 3K crowd

medyo na-delay ang start ng takbo dahil sa walang tigil ang pagdating ng mga runners

Morning Cirrus Cloud

After nung gun fire, pumunta na kami sa rendezvous ng mga runners. Aminin, tama ang speling ko. Iyun, medyo maliwanag na rin nang makarating kami dun at may crack na sa langit, like the picture above.

Pero kahit umaga na ay umulan pa rin ng mga stars.

Perk no 3: celebrity/ies Karylle and the Itchyworms

Karylle and Matteo Reparte

Hindi naman talaga stars like the Stars for All Season and her colleagues (Umf, tama na naman ang speling ko). Mga celebrities lang. Napadaan sina Karylle at Matteo Guidicelli. Nandun din ang Itchyword, Ney the Band, si Marcelito, K-La. Pero ang best part ay ang mga Ms Earth contestants.

Athena Imperial, Miss Philippines Earth 2011

Ms Earth 2011 candidates

Melo takes a pose with Ms Colombia

Magsinsaya lang din pala ang tumakbo at ang maging bahagi ng mga event organizers. Sadly, more than minus the running for us, it was minus the record-breaking goal din. Hindi na-achieved ang 150K target runners at hindi rin naibagsak ang 116K record. 86,547 runners joined the fun run this year.

Pero higit naman sa Guiness, mas goal naman yata ng event ang makalikom ng anda para sa rehabilitation ng Pasig River, and that 86,547′s contribution will be a great help.

Ang pasabog nga lang nito ay ang plano next year. Parang gusto ko nang tumakbo ulit. the Run for Pasig River enroute in EDSA.

Aside

Good Morning Rainbow

Kanina, pagkagising namin, sumisigaw ang anak ng kapitbahay namin bisya which happens to be a bisayang bata ng “Rainbow! Rainbow!” Sa sobrang obnoxious ng boses niya nagising kami. Sayang naman kung magigising na naman kami sa kapikunan sa ingay ng bata, kaya sumilip na lang kami kung nasaan ang tinutukoy niyang rainbow. Nakita naman namin. Maganda naman at nakakaganda nga ng morning.

Ito ang rainbow sa Marikina this November 1 nang umaga.

Rainbow Collection. Iyun, Collection kasi dalawa sila.

1:55pm
Aside

Ang Baha, Bow. ‘Di Masyadong Maba-Bow!

a day after Ondoy's 2nd anniversary

Itinato na ng kapitbahay namin sa haligi nila ang petsa noong unang sabay-sabay kaming paakyatin sa bubong ng kalikasan. Isang araw, mula nan ikalawang taong anibersaryo ng araw na iyun, muli na naming sinira ang aming mga kisame para handa na kaming bumalik sa taas ng aming mga bahay, dahil hindi rin biro ang dalang baha ng bagyong Pedring. Or biro lang din.

Ito ang mga oras ng pagtaas ng tubig sa tapat ng bahay namin noong September 27, 2011. Nang dumating si Pedring with the rainfall of 15-25 mm per hour. Half of Ondoy’s kaya parang half lang din ang dulot na baha sa amin. Sa Marikina po kami, at hindi ko gine-generalize ang Pilipinas or LUzon to be particular, dahil alam ko, as of now, marami pa ring baha sa Bulacan. Pero ito na nga ang mga pictures namin by the hour.

1:55pm

2:43pm

3:38pm

3:38pm

4:39pm medyo nasa dibdib high na ang baha. A friend tried to go back home, pero mahirap hanapin ang lock na submerged na. Parang pagbubukas ng susi sa Titanic nina Jack and Rose.

5:03pm kung dito sa compound namin ay ganyan na kataas, sa labas nito, sa may kalsada, lampas tao na ang ilog

5:48pm sa itaas na ako ng bahay namin nag-aayos. medyo aabot na kasi sa second floor ng neighbor ang baha, meaning mga one to two meters more, kwarto ko na.

the next day, 11:28am. Iyun, linis-linis na ulit.

9/28/2011 2:01pm. The Great Marikina River once more.

Iyun naman. Iyan lang ang mga uha. Pero para masaya. Alam naman nating mga Pilipino, dapat masaya, ito naman ang kuha ng isang friend. Isang Epic Fail na screen shot mula sa Facebook Page ni Sighmoun Del Carmen Cast-raw. Tubig sa Marikina River, Malayo pa sa Marikina River. Ulat ni Steve Dailisan para sa GMA News.

GMA talaga, kahit ano maisulat, walang kikilingan.

Video

May I Just Check How Marikina River is Doing

Iyun, medyo nag panic ako nung mag hello ang friend about the river dahil umabot na daw sa critical level ayon sa news. so i checked out kung malapit na ba sa bahay namin ang ilog.

This is a walk from our gate to “the most talked about river in Marikina, Marikina River.

Malayo pa naman pala at 11am in the morning.