Isang Pakikiramay at Mga Paninisi

I decided to blame the easier target. The dead.  Ang hina niya.

Then i decided to blame the next easier target. A generalization. Iba na talaga ang mga students ng UP ngayon. Ang hihina na nila.

It had lingered on me for several days after the suicide attempt and success of Kristel Tejada and kept it to myself. Alam ko namang maling sumisi ng patay, lalo pa ang kumitil ng sarili niyang buhay. Masyadong sensitive. Ayokong maging tampulan ng reaksyon ng mga taong walang kasalanan at nag-uunahang bumato sa may sala.

Nito lang inangkas ako ng nanay ko, sa ilalim nang naglalagablab na araw ko naisip kung ano ba talaga ang iniiwasan kong isipin. Parang nanunuyo ang contact lense ko, at medyo irritated na ang mga mata. Kaya naman nagdesisyon akong umiyak. Punta ako sa sadder thoughts ko. At sa pag-space out ko sa mundo ay napunta ako sa issue ni Kristel. Isang mahinang babae na nagpakamatay dahil hindi kinaya ang problema. Naiyak ako hindi dahil sa trahaedya, kundi dahil sa akin, isa siyang kapatid na napabayaan.

Hindi ko man siya kilala. Wala mang pagkakatulad ang aming apelyido, hindi rin ako pupunta sa pagiging kapatid kay Kristo, kapatid ko siya sa taguri. Dahil ang minsang tinatakan ng pangalang Isko ay mananatiling Isko habang buhay.

Maaaring totoo na mahina siya. Maaaring give-up-era siya at sinukuan niya ang mga problema. Marami siyang maaaring gawin other than pagpapakamatay, like everything na hindi pagpapakamatay. May mga kwento ng tagumpay nang mahihirap na naitawaid ang sarili sa edukasyon. Ang iba sa mga kwentong ito ay personal, mga kwento ng kaibigan. Maipagmamalaki.

At doon ako naiyak. Magaling ako noon. Lumalaban ako noon. Hanggang sa ayoko na lang. Hindi ko alam kung dahil tapos na ako, o sadyang sinukuan ko na rin. Hindi ko alam kung umayaw ako dahil hindi na ako apektado, o ang mas masakit ay dahil nakumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko na rin mababago ang mga nangyayari. Kung anupaman, sumuko ako, at may bahagi ng aking sarili ang aking pinatay. Ngayon, isa itong multong bumabalik at sinisisi ako. Nasaan ang mga malalakas upang ipagtanggol ang mga mahihina? Nasaan ang matatapang upang tumindig para sa matatalino lang? Nang pinatay ko ang aking paniniwala, nagpakamatay ang isa kong kapatid.

My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador

My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador

Oo, sinisisi ko ang sarili ko. Maaaring pinakamahirap ituro ang sarili, pero iyun e. If i have written better scripts, if i have performed better acts, if i have convinced my fellow students then to stand up for our right for free and quality education, then this might not happen. Isa ito sa mga pinaglalaban ko noon. Hindi man halata, pero tutol ako noon, even questioning the students then, paano nila nahayaang tumaas ng 300% ang tuition sa UP.

On that note, sinisisi ko rin ang mga students na naaawa at nanghihinayang kay Kristel.

Pero mayroon akong hindi sinisisi. Ang sistema. Noong pumasok ako sa campus e naririnig ko nang isinisigaw na bulok ang sistema. Nawala na ako sa campus, yun pa rin ang sinisigaw. At ngayong nagtatrabaho na ako, iyun pa rin, bulok ang sistema, kailangang baguhin. It has been bulok ever since then. If it has not changed until now, then it must be permanent. You don’t blame something you can’t change. You accept it. And if it can be changed, why not yet? You don’t do that to me.

Kung titingnan ito bilang pagpapakamatay ng isang batang hindi nakabayad ng tuition, ay masasabing isa lang itong isolated case. Pero kung hindi tayo sa suicide titingin kundi sa mga pangarap nilang kinikitil, isa itong serial killing. Ilang kabataan, mahuhusay na kabataan to be specific ang hindi na nagbalak makatungtong sa UP dahil alam nilang wala naman silang ipambabayad dito. Ngayon, mas naging mapanganib pa ang pakikipagsapalaran, dahil totoo ang paniningil ng tuition. At dahil sa nangyari, maari na ring lagyan ng MMDA sign. “Bawal hindi magbayad, Nakamamatay!”

Nagpakamatay si Kristel Tejada. Ginawa niya iyun sa sarili niya. Itinulak man siya ng pagkakataon, ng UP, ng paniningil ng tuition, or kung ano pa mang dahilan, siya pa rin ang nagdesisyon para sa sarili niya. Kaya I won’t ask for “Justice for Kristel!” Isang pakikiramay na lang sa kanyang mga naiwan.

Ngunit kailangan pa ring manaig ang hustisya. Hustisya para sa kanyang pangarap na pwersahang inalis sa kanya. Hustisya para sa mga katulad niyang matatalinong mag-aaral na tinatakot nang mataas na matrikula. Hustisya para sa kanilang mga mahihirap na galing lang ang puhunan sa pagnanais na maging Iskolar ng Bayan.

KATARUNGAN PARA SA ISKOLAR NG BAYAN!

Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP

Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP, though parang ginagamit ang event para pangangampanya

GSIS: Late Response Redefined

check out the dates

check out the dates

September 5, i started processing my Dad’s PhilHealth membership and retirement papers, hence i needed some signatures from the  GSIS. I had no idea how to do things, and i thought the easiest was to use the internet. After getting a number from the GSIS website, i called them, but nobody was answering. So i tried @talktoGSIS their twitter account. Akala ko, they would respond like MMDA, na hindi nata-trapik ang pagresponde sa mga katanungan ng masa. But no. walang reply. Until finally, na-late lang pala.

Pero iyun, para sa mga susunod na magtatanong, the GSIS contact number is 847-4747. TY.

The Happier Thought

“Ano kaya tayo kung wala itong dalawang ‘to?” Hasmin asked me referring to our two sleeping boys, Kuya Euan and Miguel two nights ago.

Without batting an eyelash, I answered, “Mas masaya.” And i am telling you, these lashes are long and dark and sexy, and these two boys got them lashes from their papa. But that is beside the point. The point is, I wasn’t lying. That was my first thing in mind, the brain to mouth action that at i have to defend, else, i’ll just say, “I am Abet, of course, that’s a joke.”

However, it was not. I do believe that Hasmin and I would be happier if that “what if” were today’s reality. And I should defend it not to anybody but to myself. Why could i have instinctively given that conclusion?

One would be my being a Sagitarrian. I am a free spirit, and as of the moment, these two kids are keeping me trapped. Not their fault, but as my my decision. Not because I want to be a good father, but because i want them to be good people someday. And it bores me to think of other people and not of myself. Yes i am selfish.

Sagittarian = Selfish.

Second, being a parent was never really in my dreams. I never had lots of dreams either. It is actually safe to say that unlike the some people in Les Miserables, the song “I Dreamed A Dream,” does not fit me. I am more of an “On My Own” guy, or person to be gender sensitive. I never had a dream. Things fall down into places for me. I don’t know if they are in the right places though, but they fall in places, wherever those locations are. However, not having a dream does not mean not having ideas of things that i don’t want to be. Like I don’t want to be a pilot. I mean that would be great, but it just did not fly into my mind. Maybe because not having a dream means not having a plan. Plans change, as of my experiences and it is frustrating. I just adapt and i am very good in doing so. But not planning. However, these two boys are requiring me to have that plan.

Dreams = Plan ≠ Like.

Third, for it should come in threes, sour graping is not my thing. Sour graping is a joke, my kind of joke, along with sarcasm and blasphemy. Just like when asked if it was okay for a groom to agree to have a gorgeous hunk strip off his clothes on his bride’s bridal shower. That that guy would be compared to him, his looks, his abs, his package, entire package. And i said, “Okay lang. Yang mga lalaking ganyan ang itsura, walang kinabukasan. Kaya nga sila kolboy.” That was a joke, a hasty generalization of the inggitero that i am. But reality is, sour graping is for losers whose lines are “nanalo nga sila pero nandaya naman,” “maganda nga, masama naman ang ugali,” and “sila na nga, pero maghihiwalay rin ‘yan.”

Contrary, my case now made me no loser. I feel so much blessed with these little monsters. They made me believe that a smile can really ease all the worries in the world and a hug can erase any self doubts in this crazy planet even for a moment. I am not saying that i am no, no loser. I win some, i lose some. I have had both, but whatever, i have my prize now. Two major prizes waiting for me every time i come home.

Yes, I could be travelling the world, or South East Asia to be more believable. I could be buying on spendthrift stores and  first hand shops. I could be hugging and snuggling and having great trucks with Hasmin in her never been pregnant shape in an IwanTV manner, which is Anytime, Anywhere. That would be happier, a so much happier thought. But i am happy right now. And that is enough. See, I am selfish. But i am not greedy.

Sagittarian = Selfish ≠ Greedy.

Hasmin. Miguel, Euan and Daddy

Hasmin. Miguel, Euan and Daddy

We have “Good News” but #Amalayer

Medyo napipikon na ako kay PNoy lately, dahil sa nansesermon na naman siya ng Media for being unfair sa mga news. He is actually looking for good news, na hindi naikakalat ng mga sikat na mambabalita. PNot, trabaho ng gobyerno ang magkalat ng good news, mayroon nga kayong sariling station di’ba, paunlarin kaya ninyo ang PTV 4. aagaw-agawin ninyo sa ABS-CBN ang channel tapos hindi naman ninyo aasikasuhin.

At ano nga ba ang good news na gusto ninyong ikalat? Nasaan na ang tuwid na daan? Anu nang nangyari sa mga naakusahan? What if pinabilis muna ninyo ang Justice System, bago ninyo sinabing bibigyan ninyo ng hustisya ang bansa. Good News? Anu nang nangyari sa pinakamalalaking news? Nasaan na ang mga kaso ni GMA? Mababasura na? Nasaan na ang mga kaso kay Corona? Makakalimutan na? Nasaan na ang mga kaso sa Maguindanao Massacre? Nasaan na?

At ang mga pangako, nasaan na? Kaya ba ayaw pang mailabas ng Freedom of Information Bill e dahil maglalabas lang ito ng mga information na magiging masamang balita?

Try kaya ninyo mag-usap ni Paula nang mapagalitan ka rin niya.

Yes, kay Paula Salvosa, our little miss amalayer. Ang nagpataob kay Ate Clau-clau sa eksenahan sa public space.

And to Paula, kampi ako sa iyo.

Una sa lahat, congratulations for making it to the top of the trending topics worldwide. That’s good news. Sikat na sikat ka na ngayon, na kahit sa hindi magandang paraan, as they say, bad publicity is still publicity. So there, ansabe ng MYX, nanghinayang na lang sila at hindi ka nila kinuha. Or not na lang din.

Pero sa totoo lang, kapit ka lang. Todo yang pinagdadaanan mo at hindi ko alam ang nararamdaman mo, pero sa mga kaibigan ko, though ginagawa namin joke ang amalayer, e ipinagtatanggol kita. Tama ang ginawa mo. Matatapang ang mga Pinoy, at pinakita mo ang values na iyun. Palaban, hindi magpapaapi. Kadugo ni Bonifacio. Imagine a world na lahat nang inaapi ay lumalaban. Di’ba walang gulo, dahil walang mangangahas na manlamang ng tao. Inukilkil kasi sa ating mga Pilipino ang pagiging mabait at mapagpatawad. Pero maliban na lang sa jeep na patok na alam naman nating never mapupuno, may hanggangan ang lahat. Walang Hanggan nga, natapos, e.

Ikalawa, maganda ang ginawa mong example para sa mga ayaw magka-cancer. Kapag galit ka, ipakita mo, huwag itago. Laging sinasabi, sa mga napapanood sa TV, na ilabas mo ang nararamdaman mo. Ngayong inilabas mo ang nararamdaman mo, dapat ka bang husgahan?

Ikatlo, Naniniwala akong hindi ka perfect, dahil hindi ko gets kung bakit mo in-emphasize na edukada ka. Though hindi ko alam kung ano ang point mo, sinubukan ko pa ring intindihin. Are you implying na edukado ka at hindi ka dapat inaapi? Maganda iyun, na kaya ka nag-aral ay para magkaroon ng karapatang lumaban. Pero kung ini-imply mo naman na edukado ka at si Ate Amaledigard e hindi, medyo pagiging judgmental iyun. Pero okay pa rin in some ways. Si Sharon, kasi, sa Bukas Luluhod ang mga Tala, ay naapi rin ng mga edukado, so maybe one day, kung hindi man edukado si Amaledigard, E mag-aspire siyang makaganti sa iyo. Which is good at susubukan niya ang lahat para umunlad at pabagsakin ka.

Pero ngayon, masasabing ikaw ang Aping-api Walang Kakampi Awardee at ikaw ang bagsak sa mata nang marami. Ang kagandahan naman sa konsepto nang marami, ay mayroon ding kaunti. May mga kaunting naniniwala pa rin sa iyo. Isa ako doon.

Doon sa mga nagko-correct ng grammar mo at pronunciation, na luckily wala kang transcription dahil baka pati spelling mo ay masita, including indention, e dedma na, isa sa pinakamahusay sa Business English ang Pilipinas sa buong mundo at kasama ka sa statistics na iyun, your grammar counts. Sa mga perfectionist naman na inuuna ang grammar over galit, mag-contemplate kayo kung bakit kayo nasa kinalalagyan ninyo ngayon, there’s more to life, huwag mabuhay bilang autocorrect ng MS Word.

Para naman sa mga nagco-condemn sa iyo at sa act mo. Dalawa lang klase sila, isang sanay magtiis at isang makapal ang mukhang magmalinis. I’ve read a post of someone na nagagalit sa kalukaretan mo sa LRT, pero narinig ko na naman siya kung paano magmura sa mga inuutusan niya. Marami rin diyan na kung humatol na parang hindi todo mangmaliit ng kapwa.

But again, what do we learn here? Walang CCTV sa LRT station. Kung meron man, bakit hindi ilabas ang footage para malaman kung she was really grabbed at para maturo na kung #husdalayer.

Next, this may not be a cybercrime dahil wala pang batas na maayos ukol don, pero hindi ba ito bagay na kalevel ng sex scandal, kung saan may batas nang kaakibat. Sino ang nag-post nito? Mayroon siyang resposibilidad sa na-post niya na wala namang pahintulot kay Amalayer. Dapat ay mademanda ang taong nagpost nito, sa kung anong kaso, siguro naman, may abogadong makakaisip nito.

Kampi ako kay Paula sa issue na ito. Bakit? Dahil natatabuanan ng bad news ang mga good news sa Pilipinas. Hindi dahil mga bad news lang ang pinapakita ng mainstream channels at dahil ito ang nagre-rate at gustong mapanood nang nakararami, kundi dahil ito ang totoo. Marapat pa ngang magpasalamat ang pangulo, sa mga istasyon sa mga nakakabulag nitong mga soap opera, at kahit papaano ay napapatakas ng mga ito ang mga Pilipino sa kahirapang tunay na nanaig sa bansa. Ang Pilipinas ay hindi pa nakakaahon sa panahon ng pangamba, mula pa noong Martial Law hanggang sa ngayon. Composure at this time is insanity.

PS. just to make it less serious, dahil na carry the waves ako, here is i think the best parody of Amalayer. and That’s Cyber-Entertainment.

Para Hindi Sila Malimutan

Matagal din nilang hinintay ang isa’t-isa

Mapalad ang mga bata ngayon at madali nang nahahanap ang pangalan ng kanilang mga pinagmulan dahil na rin sa makabagong teknolohiya na sinabayan ng mapagmalaking kultura kung saan mula pagsilang hanggang paglibing ay naitatala at naibabahagi na sa lahat. May kayabangan man. May magaganda ring dulot. Madaling mababalikan at makikilala ng mga bata ngayon ang mga nakaraang kung sa panahon natin ay kinatandaan, ngunit hindi natandaan.

Para sa inyo, Euan at Miguel, iyan sina Lola Henya, Eugenia Fulgencio Cruz, ang isa sa dalawang lola ninyong nakilala ko. Ang isa sa dalawang lola ninyong naabutan ko. Si Lolo Alberto S. Cruz naman ay hindi ko na naabutan. Kahit ang tatay ko ay hindi nakilala ang kanyang tatay, at maraming bagay ang maipapaliwanag nun tungkol sa akin. Pero para sa mga bata, lalo sa iyo Miguel, ikaw ay pinangalan sa iyong Lolo Alberto, kung kanino hinugot din ang aking pangalan. Kung ahhanapin ninyo sila pagdatingng panahon, ang mga lolo at lola ninyo sa tuhod sa bahagi ng aking tatay ay magkasamang nakahimlay sa Aglipay Cemetery sa Marikina.

Minabuti ko na ring dalhin si Euan dito sa sementeryong ito upang maranasan niya ang kanyang unang Undas. Nag-aaral na siya at marahil ay pagkwentuhan nila ang mga nangyari nitong bakasyon. May maibabahagi na siya sa kanyang mga kaklase. Paunti, pinakilala ko siya sa kanyang mga ninuno, kahit hindi naman niya iyun naiintindihan. Apat na taon lang si Euan. Madalas ay nakakalimutan ko iyun, at paminsan na lang naaalala tulad nung isang gabi, nung maihi siya sa kama. Bata pa nga pala ang panganay ko.

Unang Undas ni Euan

Mag-isang bumisita

Umasa ako na may mga aabutan kaming kamag-anak sa puntod, tulad noong nakaraang taon nung pumunta kami ni Hasmin. May mga tao sa puntod, nginitian ko, pagpupugay sa mga kamag-anak, pero humingi sila nang paumanhin at pinalabas ang mga bata sa loob. Mga kapit bahay lang pala iyun. Wala kaming kapamilyang buhay sa lugar. May dumaan naman dahil may nag-iwan ng bulaklak at kandila. Pero walang nagpagabi. Nakakahiya dahil wala rin akong dalang kandila at bulaklak. Nakalimutan ko rin na matanda na ako at may responsibilidad na ako sa mga pumanaw. Sa susunod na taon, magdadala na rin ako.

Aglipay Cemetery sa Marikina.

Pero hanggang sa dalawang ninunong ito na lang ang aking kilala. Nakalimutan kong itago ang nakita kong dokumento tungkol sa mga magulang ng mga lolo at lola kong ito. Ang natatandaan ko lang na apelyido ay Mejia. May dugong Mejia tayo. At kung tama ang pagkakaalala ko, Santiago din. Mga lolo at lola ko sa tuhod sa bahagi ni Lola Henya. Gagawa ako nang paraan na mahanap ulit ang mga pangalang ito.

Ang Lola Henya at ang Mama, ang panganay sa kanyang apat na magkakapatid.

Sa bahagi naman inyong Lola Kulot, ang nanay ko, mapalad akong inabutang buhay ang mag-asawa, si Lola Piding o Lola Fidela Cruz Bautista ang aking tanging nakilala. SI Lolo Manuel Bautista ninyo, ang natatandaan ko lang ay inihahakbang ako sa kanyang himlayan noong araw ng kanyang libing. Magkasama na ngayon ang mag-asawa sa South Cemetery.

Hanggang doon lang ang alam ko. Sayang at hindi akonakapagtanong dahil maraming kwentong kaakibat ang mga pangalang iyon. Mga kwentong kahit papaano ay may kinalaman sa katayuan ko ngayon. Pero hindi pa naman huli ang lahat. mahahanap at mahahanap ko rin ang mga pangalan at mga kwentong iyan.
Sana ang Undas ay maging pagkakataon para makilala ng bagong henerasyon ang ilang dekada, kung hindi man dantaon ng kasaysayan, hindi mula si mga aklat kundi sa mga pangalang bahagi ng kanilang katauhan.