Isang Pakikiramay at Mga Paninisi

I decided to blame the easier target. The dead.  Ang hina niya.

Then i decided to blame the next easier target. A generalization. Iba na talaga ang mga students ng UP ngayon. Ang hihina na nila.

It had lingered on me for several days after the suicide attempt and success of Kristel Tejada and kept it to myself. Alam ko namang maling sumisi ng patay, lalo pa ang kumitil ng sarili niyang buhay. Masyadong sensitive. Ayokong maging tampulan ng reaksyon ng mga taong walang kasalanan at nag-uunahang bumato sa may sala.

Nito lang inangkas ako ng nanay ko, sa ilalim nang naglalagablab na araw ko naisip kung ano ba talaga ang iniiwasan kong isipin. Parang nanunuyo ang contact lense ko, at medyo irritated na ang mga mata. Kaya naman nagdesisyon akong umiyak. Punta ako sa sadder thoughts ko. At sa pag-space out ko sa mundo ay napunta ako sa issue ni Kristel. Isang mahinang babae na nagpakamatay dahil hindi kinaya ang problema. Naiyak ako hindi dahil sa trahaedya, kundi dahil sa akin, isa siyang kapatid na napabayaan.

Hindi ko man siya kilala. Wala mang pagkakatulad ang aming apelyido, hindi rin ako pupunta sa pagiging kapatid kay Kristo, kapatid ko siya sa taguri. Dahil ang minsang tinatakan ng pangalang Isko ay mananatiling Isko habang buhay.

Maaaring totoo na mahina siya. Maaaring give-up-era siya at sinukuan niya ang mga problema. Marami siyang maaaring gawin other than pagpapakamatay, like everything na hindi pagpapakamatay. May mga kwento ng tagumpay nang mahihirap na naitawaid ang sarili sa edukasyon. Ang iba sa mga kwentong ito ay personal, mga kwento ng kaibigan. Maipagmamalaki.

At doon ako naiyak. Magaling ako noon. Lumalaban ako noon. Hanggang sa ayoko na lang. Hindi ko alam kung dahil tapos na ako, o sadyang sinukuan ko na rin. Hindi ko alam kung umayaw ako dahil hindi na ako apektado, o ang mas masakit ay dahil nakumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko na rin mababago ang mga nangyayari. Kung anupaman, sumuko ako, at may bahagi ng aking sarili ang aking pinatay. Ngayon, isa itong multong bumabalik at sinisisi ako. Nasaan ang mga malalakas upang ipagtanggol ang mga mahihina? Nasaan ang matatapang upang tumindig para sa matatalino lang? Nang pinatay ko ang aking paniniwala, nagpakamatay ang isa kong kapatid.

My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador

My UP Repertory Company Days, active sa paglusob sa Senado para sa karapatan sa Edukasyon. Photo by Jake Salvador

Oo, sinisisi ko ang sarili ko. Maaaring pinakamahirap ituro ang sarili, pero iyun e. If i have written better scripts, if i have performed better acts, if i have convinced my fellow students then to stand up for our right for free and quality education, then this might not happen. Isa ito sa mga pinaglalaban ko noon. Hindi man halata, pero tutol ako noon, even questioning the students then, paano nila nahayaang tumaas ng 300% ang tuition sa UP.

On that note, sinisisi ko rin ang mga students na naaawa at nanghihinayang kay Kristel.

Pero mayroon akong hindi sinisisi. Ang sistema. Noong pumasok ako sa campus e naririnig ko nang isinisigaw na bulok ang sistema. Nawala na ako sa campus, yun pa rin ang sinisigaw. At ngayong nagtatrabaho na ako, iyun pa rin, bulok ang sistema, kailangang baguhin. It has been bulok ever since then. If it has not changed until now, then it must be permanent. You don’t blame something you can’t change. You accept it. And if it can be changed, why not yet? You don’t do that to me.

Kung titingnan ito bilang pagpapakamatay ng isang batang hindi nakabayad ng tuition, ay masasabing isa lang itong isolated case. Pero kung hindi tayo sa suicide titingin kundi sa mga pangarap nilang kinikitil, isa itong serial killing. Ilang kabataan, mahuhusay na kabataan to be specific ang hindi na nagbalak makatungtong sa UP dahil alam nilang wala naman silang ipambabayad dito. Ngayon, mas naging mapanganib pa ang pakikipagsapalaran, dahil totoo ang paniningil ng tuition. At dahil sa nangyari, maari na ring lagyan ng MMDA sign. “Bawal hindi magbayad, Nakamamatay!”

Nagpakamatay si Kristel Tejada. Ginawa niya iyun sa sarili niya. Itinulak man siya ng pagkakataon, ng UP, ng paniningil ng tuition, or kung ano pa mang dahilan, siya pa rin ang nagdesisyon para sa sarili niya. Kaya I won’t ask for “Justice for Kristel!” Isang pakikiramay na lang sa kanyang mga naiwan.

Ngunit kailangan pa ring manaig ang hustisya. Hustisya para sa kanyang pangarap na pwersahang inalis sa kanya. Hustisya para sa mga katulad niyang matatalinong mag-aaral na tinatakot nang mataas na matrikula. Hustisya para sa kanilang mga mahihirap na galing lang ang puhunan sa pagnanais na maging Iskolar ng Bayan.

KATARUNGAN PARA SA ISKOLAR NG BAYAN!

Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP

Mula sa facebook page ng #scrapSTFAP, though parang ginagamit ang event para pangangampanya

Nostalgic Night

Some ten years ago

Parang mali na nakita ko ang picture na ito sa facebook page ko. Noong una ay na-excite ako. Ganito nga pala ang itsura ko dati. Pero iyun. Ganito nga pala ang itsura ko dati. And everything changes. All the happy emotions were suddenly gone. Gone like the person i was looking at. Hindi na kasi ako iyan. At nakakalungkot.

At gusto ko ito.

Finally, may mystery pa pala ako sa sarili ko.

At hindi na ulit ako malungkot.

The First Visits after the Last Visit

(Mga Unang Dalaw Matapos ang Huling Dalaw)

U2 is five months now. And that is according to this, his first pictures care of the sonogram.

U2′s Ultrasound Pic #1

U2′s Ultrasound Pic #2

Ito yung mga pangga-panggapang pictures na kunwari naiintindihan mo yung sinasabi ng OB-Gyne. Yung tipong turo lang nang turo si doc pero parang dos program noong unang panahon ang tumatakbo sa utak ko. Though at times e nakukuha ko naman tula dnung sinasabing ito heart beat ng baby, which is malakas naman talaga at palaban. Medyo second visit ito naganap dahil hindi pinayagang itngnan si Mama Hush hangga’t hindi alam ang kalagayan ng IUD dahil kailangan itong tanggalin as early as the bird that catches the worm.

Maliit pa ang tummy ni Mama Hush dito. Parang “kaka-baby fat” lang (fat matapos maglabas ng baby)

So iyun. Punta tayo sa first day. Lunes kasi iyun, at ang plano namin ay daan muna sa OB at paalam sa aming doctor na gagamitin muli namin ang kanyang serbisyo. From the St Matthews Hospital kung saan ipinanganak si Euan, we opted to go sa original plan namin, sa St Vincent Hospital. Nakalimutan kasi namin na hindi sa Marikina ang St Matthews. Iyun tuloy, hindi ganap na Marikenyo si Euan. As for U2, sisiguraduhin na naming dito siya sa Marikina ipapanganak. And to do that, these were what we wore.

jacket kahit mainet for edginess. (inspired by Aaron Did Fashion)

Ang klinika ni Doctora

Fire Alarm

Iyun, kahihintay, puro picture na muna. Thus, the pictures prior to this.

Medyo matagal din ang paghihintay namin ng turn namin. Kahit mga 10:00 kami dumating ay may mga nauna na sa amin. Swerte pa kami dahil Lunes ito. Huwag nang subukan ang weekend dahil medyo two hours ang paghihintay. At nauwi rin kami sa isa pang paghihintay. Binigyan nga lang kami ng schedule para sa Ultrasound. Para malaman ang kalagayan ng baby at ng IUD.

Pasok na kami sa work.

“Ding, ang bato”

The next week, we were done with the sonogram kaya balik na kami kay Doc. As usual, marami pa rin kaya hintay-hintay muna. Meron namang vendo machine para malibang kami. At iyun, kape-kape muna. Hanggang sa makita na ni Doc ang results. Iyun, nadislocate daw ang IUD. Kailangan tanggalin na. At masyado daw makapangyarihan ang mga alaga ko at napenetrate kahit may bara. Pero the culprit, other than me, e yung konsepto na hindi kami nakapag-pa check up after ilagay ang ang IUD. To have a high rate of efficiency, there should be a monthly check up of the IUD. na hindi namin ginawa for more than three years. So medyo pinagpala pa rin kami ni God at hindi ibinigay si U2 earlier. At least mas handa kami ngayon.

Pero iyun nga, para matuloy si U2, kailangang tanggalin ang IUD, and this is how it looks like.

Though nahahaching lang talaga si Hasmin niyan habang tinitingnan kung maganda ang pagkakapinutra ng kisame

Hopefully, maging chronological na ang mga tala ko dito tungkol sa pagbubuntis ni Mama Hush hanggang sa paglabas ni U2 at hindi jumpy na pabalik-balik sa nakaraang pangyayari. At tulad ng pagpapakasal namin ni Hasmin, ta-try ko ring panindigan ang blogging na ito.

Reap What You Sow! Sow Fetch!

GMA sucks

habang binabasa ito, try patugtugin ang Halo ni Beyonce

PHOTO: Rep. Gloria Arroyo wearing a halo vest.

Kasabay ng issue nang hindi pagpayag ng DOJ na makalabas ng bansa si GMA,  kumakalat ang larawang ito. I don’t know kung paawa effect, or kung photo op lang ito, para ipakita ang kalunus-lunus na kalagayan ni GMA and with that I mean pangit na itsura.

Sabi ko sa tweet ko, “GMA should reap what she sow. ten years siyang presidente, at wala siyang nagawang specialist sa pilipinas para sa sakit niya. magdusa siya.” Ang sa akin lang naman, hindi dapat issue ng pamahalaan ang pag galing ni GMA. Dati siyang presidente, at sampung taon ang term niya, second to the longest term na inupuan ng isang pangulo who happened to be one of the most famous and infamous head of the country. (Siguro dahil ten years nga lang si GMA, hanggang infamy na lang siya). Dapat issue na ito ng delicadeza ni Gloria bilang isang pinuno ng bansa.

Anihin lang niya ang tinanim niya. Sa sampung taon, kung tunay na pinahalagahan niya ang edukasyon at kalusugan ng mga Filipino, siguro naman ay naiangat niya ang kalidad ng mga doctor natin, o nakapagpatayo o nakapag-improve man lang at the very least ng ospital sa bansa. Ngayon siya ang nangangailangan, wala siyang mapuntahan. I believe that it’s just fair na sa Pilipinas siya maghanap ng gagamot sa kanya.

ready for her close up

and for some colored photos, though mas best pa rin yung mga black and white, ka level nung mga gina-garote nung panahon ng kastila.

GMA body brace

oh theres a juice...juice-tice

doctor octopus in the house, lalagyan na lang ng arms

GMA halo

parang member lang ng power rangers

Crowning Glory/Gloria