Euan’s Buwan ng Wika Performance

Agosto, Buwan ng Wika, at sa last week nito, Linggo ng Wika. At ano ang ginagawa kapag ganitong okasyon? Nagpe-perform. Kaya kahit naman puno na bakasyon ang buwan ng August dahil Gust Month/Ghost Month/panahon ng bagyo and habagat and the likes, tuloy pa rin ang performance ni Euan at ng kanyang mga kaklase sa pre kinder red sa San Lorenzo Ruiz de Manila School na private school at mahal ang tuition kaya hindi kayang i-full payment. Simula na ng gapang para makapagpatapos lang ng kolehiyo.

So ito na. Ang last performance ni Euan with his classmates sa pre kinder red.

Umpisa na po ng kampaya. Salamat sa kasal ni Regina, hindi namin kailangang bumili ng bagong costume, castanets na lang

those puppy eyes. hindi maintindihan ni euan kungbakit hindi siya pwedeng umupo with his parents. hindi ko rin gets yu, kaya ako na lang ang umupo sa tabi niya. sige na. spoiler na ako.

Syempre, hindi pwedeng mawala ang mga ganitong costume. very reminiscent of the elementary days in sto nino elementary school. though hindi ko ito ginawa. pramis.

and there they go. the kinder students. na pagkatapos ng year na ito, grade one na, care of K-12

and here we are. the producers. at next week, may mapo-preoduce na naman na bagets.

 

 

 

 

My Old Sketches (Personal Inspirations)

de stijl study which i painted on the wall

“Cruise My Heart 2.” Dati, nung marami akong time, para ma-imagine ko ang characters ng mga play na sinusulat ko, e nido-drawing ko muna sila. At ito yung dalawang cast dapat.

“College” Abet back then. A homage to the post before this. Self Portait ko. Hehehehe! Tanda ng aking kalungkutan.

“Sabit” unfinished work. kinatamaran na. kukulayan ko sana gamit ang photoshop, yun pala ang alam kong gamitin. Kaso, nawalan ng photoshop ang laptop.

Nostalgic Night

Some ten years ago

Parang mali na nakita ko ang picture na ito sa facebook page ko. Noong una ay na-excite ako. Ganito nga pala ang itsura ko dati. Pero iyun. Ganito nga pala ang itsura ko dati. And everything changes. All the happy emotions were suddenly gone. Gone like the person i was looking at. Hindi na kasi ako iyan. At nakakalungkot.

At gusto ko ito.

Finally, may mystery pa pala ako sa sarili ko.

At hindi na ulit ako malungkot.

A Directorial Debut

Anlakas makataas sa sarili nung Directorial Debut. Parang sertipikado. Pero iyun naman. Hindi naman talaga ito ang unang panahon kong mag-direk para maging debut. Para saan pa’t naging part ako ng isa theater org kung hindi ako naging director. Pero ang pagke-claim naman ng mga bagay-bagay ay personal choice. At ang opinyon ng ibang tao ukol doon ay ibang bagay pa.

Tulad nung first time ko magdirek, e medyo masaya ako at nag enjoy naman ang ga nakatrabaho ko. That was Ang Pinakamakisig sa mga Nalunod sa Buong Daigdig of that sort ang title, parang adaptation ni Teresa Lorena Joson  ng Nobela ni Grabriel Garcia Marquez na sumulat din ng isa sa pinaka haunting na book for me, 100 Days of Solitude. Iyun Hanggang doon lang iyun, masaya ako at masaya ang cast ko. Pero kung masaya ang mga nanood, parang hindi hindi ko alam, or more of parang hindi.

Pero iyun naman ang una. Nung mga sumunod naman parang mga naging masaya na. Ilang plays din iyun.

Pero ngayon, bilang debut, hindi na isang dula ang na-direct ko. Proud ako na kahit isang Webshow lang ito, isang Vlog ng isang dear friend, e talaga namang hindi lang kaming tatlong gumawa ang nag-enjoy kundi pati na rin ang target audience. Marvin has his own blog na patok na patok naman sa mga kliyente at target market. At para sa kanyang 1st month sa ere or WWW, e nagsimula na siyang mag Video Blog. Maganda rin at napili niya ang www.cge.tv bilang host ng kanyang mga videos. Mahirap naman kasing sumikat with Youtube dahil maraming competition, pero with CGE.TV, andaling maging star.

At iyun na nga, ang aking directorial debut na may kasamang camera, eto na.

or click the pic. enjoy.

Marvin Salazar is Madma

You can alaso see the video on Madma’s website http://madmacarta.wordpress.com/

Actually, sinubukan ko lang ito, dahil sabi sa akin ng admin ng CGE TV ay pwede na raw mag embed ng videos from cgetv. Parang hindi pa pwede. Parang may nagsinungaling sa certain part ng communication. ANyways, siguro next week, susubukan ko ulit. At ibig sabihin, mayroon na naman akong project na ipapapalabas.

My Old Sketches (Girl Friends)

Jetty

Jetty

I know these girls know how I say Girl Friends. And it is with that snap!

The scanners weren’t good way back. And i don’t think i still have the originals. But hopefully, this would be enough to preserve these beauties. Beauties? Haha. Maging part kaya ito ng kasaysayan ng Sining sa Earth?

Seru

Roma

Kinky

Some of these were characters of a fiction i was developing back then. I forgot how the story would go. I’ll try to remember. After all. The North Remembers! #GOTDay!