Good Morning Urbandud!

mga gawain namin ni Monster Bebe tuwing wala si Wifey sa umaga

most of the time, i ama house husband. or a single dad. or a bachelor with a baby. dahil mas madalas akong nasa bahay over my wifey. paiba-iba ang sked ni wifey. three days papasok siya ng around 5am at uuwi ng mga 7pm. tapos pahinga ng isang araw. then papasok the next day ng 9pm, tapos uuwi the next day ng mga 9am na rin. tapos a fter five days ng ganung sked niya. pahinga ulit ng isang araw. tapos papasok the next day ng mga 1pm at uuwi ng pass midnight. walang holiday, walang saturday sunday. pero may sick leave, pero kailangan munang maghanap ng papalit sa shift niya.

sa mga panahong iyun, kami ni Monster Bebe ang magkasama sa bahay. at kapag gumising kami na wala na si wifey, iyan. kung anu-anong kalokohan.

of course, like a regular husband, marunong din akong magreklamo. inaaway ko si wifey dahil sa sked niya, dahil mas marami pa siyang time sa werk niya na hindi naman nasustain ang lifestyle niya. oo, nabibili niya ang mga gusto niya, pero hello credit card naman ang mode.pero okay na rin iyun. siya nang bahala dun.

nakakasanay naman ang mga bagay-bagay. unti-unti nasasanay na rin ako sa schedule niya. na kaunti lang ang time niya sa amin.minsan iniisip ko, mas okay na ito kesa may asawang OFW.

nakakatakot lang kasi, nung mga binata’t dalaga pa kami, nasanay lang ako na lagi siyang nandiyan, hanggang sa maramdaman kong mahal ko na siya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s