Sorry Naman

sana nasaktan kita noon
yung sobrang sakit
o kahit hindi masyado
dahil kung hindi
para akong tanga ngayon
na hihingi ng tawad

wala na naman talagang bago
mula umpisa,
hanggang sa mga bagay na hindi ko alam nadarama ko na
hanggang sa hindi pwede pala
hanggang sa pwede pala pero hindi lang para sa akin pala
hanggang sa wala naman pala talaga
hanggang sa wala na, kahit tayong dalawa

pero kahit ilang beses habulin ng paa ang mga kamay ng orasan
hindi pa rin magbabago
ang mga anu kaya kung ano
dahil kailanman, hindi ko naisara ang mga bagay para sa atin
subukan ko mang takpan ng kung anu-ano
ang may butas ay may butas
at sa paglakas ng ulan, magkakaroon ng tagas
at ang mga patak na ito ay sa iyo ulit magbabalik
sa iyo ulit maghahanap

hindi dahil sa iyong mga tapik, o kahit sa iyong mga akbay
o kahit anu pa mang sumunod doon
sapat na iyong nandyan ka lang muli.
nagsasalita ka man o hindi.
marinig mo lang ang mga paminsan kong paghikbi
dahil hanggang sa ngayon,
ikaw lang ang pinayagan kong magmarunong sa akin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s