Abet vs Chopsticks Boy

before going home, i decided to buy this Berry Strawberry ice cream from the grocery. naisip ko na baka magandang gamot sa Ubo, since Hasmin and I have started exchanging words we dont know because of this fweakin cough. so there it was. na-set up ko na ang things. may ubo ako, at may dalang ice cream papauwi.

Hindi madaling makasakay ng FX sa Sta Lucia, pero mas pinipili ko pa ring mag FX, kesa sa patok na jeep, because an fx ride is surprisingly much faster than those patok jeeps, kahit anung banking pa ang gawin nila, though i enjoy the pa-banking-banking ride na parang nasa roller coaster, though which at times sumisigaw akong “Manong pakibagalan, may matatakutin dito!” not pertaining to me dahil matapang ako.

at ito na nga ang test ng tapang ko for the day.

alam naman ninyo kung gaano ako ka-sensitive ang ilong ko at times. so iyun na nga sumakay ako ng FX, sa likod ako nakasakay dahil nag-unahan na ang mga tao sa harap at sa gitna. parang ako nga yung huling nakasakay. yung katabi ko sa likod, may kalakihang lalaki. mga hanggang tenga siguro niya ako. maitim, at hindi ko tinitingnan ang mukha dahil mas prominent ang pimples niya kesa sa pitong butas ng face. niweis, iyun na nga. wala naman akong panahong mang okray, pero ito na. ito na ang siste, binuksan niya ang supot. naglabas ng chopsticks at kumain ng stir fried na pancit. fota, sa FX, sa isang kulob na lugar. kumakain ng isang maamoy na food. ay, parang natatapakan ang karapatan ko sa malinis na hangin. ay ginulo mo ang senses ko, guguluhin ko rin ang senses mo.

iyun, ni-re-enact ko lang naman yung Axe effect ko dati nung may kumain ng burger sa loob ng fx at naglagay ako ng Axe sa katawan ko. pero this time, hindi Axe ang nasa bag ko, Bench Active Power. aba mas powerful yata ito. Guguluhin niya ang ilong ko, guguluhin ko ang taste bud mo. at talagang magugulo dahil sa power nito, papait talaga ang kinakain mo, alam naman nating taste is a lot of percent smell.

tumingin sa akin si Kuya. nagpanggap akong walang pakialam, sumabay lang ako ng murmur sa pinakikinggan ko sa headphone ko. iyun ,kunwari, kanta-kanta lang ako.

si kuya ay palaban pala. hindi natinag sa pagkain ng pansit. binuksan ang bag at naglabas ng Mountain Dew in can. parang sinasabor pa ang pag inom at pagkain. iyun. naset up ko pala kanina na may ubo kami ni hasmin, so its the ubo naman ang pina effect ko. alam mo yung ubong kadiri na  may dahak. yung gumagaralgal ang plema na kapit na kapit sa lalamunan at pilit na tinatanggal. you know that sound? iyun na. nagbratatat ako ng ganung ubo. yuh i know kadiri, pero mas kadiri ang amoy ng stir fry sa fx na kulob. so fighting fire with fire lang ito.

iyun, medyo binilisan niya ang pagkain. tapos, inilagay sa supot ang chopsticks niya, at ang can ng Mountain Dew. at inipit ang basura niya sa gilid ng upuan ng fx. walang disiplina si Kuya, hindi man lang nilagay sa bag niya ang sarili niyang basura, malamang hindi ito tiga Marikina.

then he went comfortable. aba, parang nasa sofa. sinandal ang braso sa tabi ko, parang ako ang armrest. ay. naset up ko bang may dala akong ice cream? inilagay ko ang ice cream sa tabi niya a tiyun, final na. either nalamigan or nabasa si kuya. umurong. ate, abala sa lahat ng senses?

and when i said lahat ng senses, lahat ng senses. kinuha ang cellphone. tumawag. i dont care kung nagpaparinig siya or whatever, pero sa tingin ko, medyo iyun ang nangyayari dahil yung kaharap namin, tumitiingin sa kanya, then tumitingin sa akin. but i still didnt mind. until his voice slowly merged with the song playing in from my Phone which was Kara DioGuardi’s Terrified. hindi ko pa rin naiintindihan ang sinasabi niya, pero nagiging white noise ang pinakikinggan ko dahil sa boses niya. malas lang niya. natapos ang kanta ni Kara. at ang hidni ko sinasadya, parang tadhanan na ang sumulat, ay, si Jennifer Hudson ang sumunod sa playlist. And I Am Telling You.

noong una ay medyo murmur lang ulit. pero ang hirap magpapigil bilang ito ang latest na Videoke Piece ko. iyun nung dumating sa part na Stay-Stay… iyun, naging negra na ang boses ko.

Please dont go away from me stay with me stay with
me stop standin ahahayo try it mister try it mister i
know i know i know u can

At ang best part syempre, ito na yung nanggigil na

Tear down the mountains
Yell, scream, and shout like you can say what you want
I’m not walking out
Stop all the rivers, push, strike, and kill
I’m not gonna leave you
There’s no way I will

tapos sabi ni Manong friver, “May bababa?”

parang hindi ito unang beses niyang magtanong kasi malakas na, at narinig ko na inspite of. sabi ko na lang. “wala, sorry po.”

tumawa si Chopsticks Boy. parang naka-score siya.

e iyun, malapit na yung part na mas best pasa mga nauna kaninang lyrics.

And you, and you, and you
You’re gonna love me

You’re gonna love me, yes you are
Ooh ooh love me, ooh ooh ooh love me
Love me, love me, love me, love me

You’re gonna love me… Para!

iyun, huminto yung FX. tapos bumaba na ako.

tapos tumawid ako. tapos may truck. iyun.

nakita ko lang sa net nung hinanap ko yung keyword na fx ride.

One thought on “Abet vs Chopsticks Boy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s