Ang Alamat ng AbetforSenator

(Isang paalam)

Noong unang panahon, wala pang blog na AbetforSenator.

Hanggang sa isang araw. Sumakay ako ng jeep, papunta sa trabaho. Mag-isa lang ako. Sa totoong buhay, ang biyahe sa jeep papunta sa trabaho, lalo pa’t mag-isa lang ay aksaya ng oras. At naisip ko ito habang nakasakay sa jeep, papunta sa trabaho, mag-isa. Naisip ko rin na kung mag-iisip ako habang nakasakay sa jeep, maaaring hindi masayang ang oras ko. Kaya nag-isip na lang ako. Pero naisip ko, na kung mag-iisip lang ako, masasayang pa rin lang ang oras ko. Kaya iyun, naisip ko na isulat na lang ang mga naiisip ko para hindi masayang ang oras ko sa jeep.

Kaya nag-isip na nga ako. Iniisip ko, dapat mag-isip ako ng maisusulat na hindi maiisip ng iba. Una kong naisip, kapag binaligtad ang salitang isip, ito ay pisi, at kapag nirambol pa, magiging ipis. Takot ako sa ipis. Lalo na sa lumilipad na ipis. Pero hindi naman talaga dapat natatakot sa lumilipad na ipis. Kaya naisip ko, ano kaya kung maging senator ako? Kasi may nakita ako poster ng mga kandidato.

Kaya magpa-praktis na lang akong gumawa ng batas.

Tapos napansin kong napakarami palang maiisip na batas sa simpleng pagsakay lang ng jeep. Siguro hindi iyun napapansin ng mga mambabatas ngayon dahil hindi naman yata sila sumasakay ng jeep.

Kaya ako na lang ang mag-iisip para sa kanila. Malay natin. Maybe, just maybe. Maging senator din ako paglaki ko.

At mula noon nagkaroon na ako ng una kong blog at tinawag itong AbetforSenator

(Friday. March 12, 2010. 9:56am)

http://abetforsenator.blogspot.com/2010/03/ang-alamat-ng-abetforsenator-blog.html

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s