Abet versus the Yosi Gurl

mula sa ABS CBN, ang daan ko pauwi ay via commonwealth, batasan road, papuntang Marikina. mula sa ABS CBN, nag FX ako hanggang sa Sandigan. usually, tatlo ang options ko.mag-taxi. in-atempt ko, kaya lang, bumungad agad ng dagdagan mo na lang, wala akong pasahero doon. manong, bago ako dumating, wala rin kayong pasahero. since wala rin akong barya sa 100, e 80 lang ang usual fare,hindi na ako sumakay dahil mukhang hindi marunong magsukli itong druvam na ito.mag-jeep. dalawa ang pwedeng sakyan. papuntang san mateo, at papuntang sta lucia. antagal mag-abang, to the point na naisip kong, hindi naman ako masyadong practising catholic kaya hindi dumarating ang mga saints na ito.

mag-tricycle. malaki ang terminal ng tricycle sa sandigan. lahat ng pupuntahan nandoon. nasa dulo ang patungong Banaba na dapat kong sakyan. Fiesta level ang mga banderitas ng kandidato patungo doon. at pagdating doon, lima na ang sakay g tricycle sa bungad. yung tricycle druvam, yung dalawang nasa likod niya, at dalawa sa loob. ako ang pang-anim. ine-expect akong umupo sa kapirasong sulok doon sa loob ng tryl. may mga sariling batas ang mga tricycle dito. kailangang punuin bago magsakay sa susunod.

isn’t it a wonder kung paano napagkakasya ang mga tao sa ganito kalit na tricycle, e hind naman singbendy ng daga ang buto natin, lalo pa ako, pero alam ko, with my belief system, magkakasya ako. papasok na ako sa tryk nang bumuga ng usok ang babaeng nakaupo sa tabi ng pinto. ay si ate, yosi much.

bago kasi ang shorts ko, na na-in-danger na dumikit sa yosi niya. hindi nag-sorry ang luka. hindi ako tumuloy sa pagpasok. aawayin ko ba si ate? papatol ba ako sa babae? hindi yata, gentle manly iyun. masamang awayin ng lalaki ang babae. so umisip ako ng ibang anggulo. ay laban na lang ito ng smoker at non smoker. ayan, pwede na. hindi ako pumasok. tumayo ako sa may pinto ng tryk.

nagsalita si Manong druvam. hindi aandar ito, hangga’t hindi puno. kasya ka diyan

abet: alam ko po. pero hindi po ako papasok hangga’t may naninigarilyo.

druvam: matatagalan ka pa mag-antay pag may nauna sa iyo diyan. naka trenta minutos na kami sa pag-aantay sa’yo.

abet: ay sabihan po ninyo yung naninigarilyo kung gusto ninyong mapabilis.

si ate, hit-hit buga pa rin. hindi nagsalita. may kahabaan pa naman ang stick niya.

tumayo lang ako.

sumingit na si ate 2. huwag ka ng maarte. sumakay ka na.

abet: bawal pong manigarilyo sa mga pampublikong lugar. kartihan po ba ang maniwala doon?

si ate hindi pa rin nagpatinag sa paninigarilyo. hindi na humithit, parang ayaw maubos nang kanyang yosi. e kusa namang nauubos yun dahil may baga.

hindi rin ako nagpatinag. wala pa ring dumarating na papalit sa pwesto ko para maiwan ako. akshali, kinakabahan ako dahil matagal talaga maghintay. pero dedma. dapat parang bibe, grace under pressure.

hanggang sa naubos yosi ni ate na na hindi na niya nahithit. tinapon rin niya after. nag-aksya kami ng oras.

may paparating na kuya. papasok na dapat. inunahan ko. umandar ang motor.

Ate 2: si Kuya, kung magmaganda, nakakaabala.

Abet: wala naman pong masamang magmaganda kung maganda naman talaga.

Ate: wala naman sa panlabas ang tunay na ganda.

saka ko lang natingnan si Ate. medyo plump ang face niya. doble baba, hindi pantay ang kaitiman ng mukha.at may mga pimples din above other pimples.

Abet: ay, ate, tutol dyan ang baga mo.

tapos hindi na kami nagsalita lahat.

Posted by … at 10:58 AM

Wednesday, May 5, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s