Dengue: Diskusyon sa Dunong ng ating mga Doktor

Intelligence is a multi-faceted concept, and to some, knowing “faceted” is among its aspects. Ako, bilang alam ko ang faceted, ayan, naibigay ko pa ang synonym, papasa akong matalino.

Sinasabi ko lang naman ito dahil gusto kong kwestyunin ang pananaw ng mga Filipino na magagaling ang mga FIlipino. Well, totoo naman. Sinasabi rin yan ng mga chinese, na magagaling ang mga chinese. at ng mga lao, na magaling ang mga Laos. so its a matter of convincing ourselves of our capacity.

Pero gaano ba talaga katalino ang mga Filipino. Pagdating siguro sa hostage taking, napatunayan na natin ang ating galing sa mundo. Hindi tayo magaling. Though madali pa rin yang lusutan. Maaaring sabihin na kung hindi nilagyan ng pulitika, o kung nagpadala ng tamang tao, or kung mas matindi pa ang kapit kay God, baka nakita ng Earth na magaling ang mga Filipino. Pero tanggapin muna natin na hindi matatalino ang mga Pulis ng Pilipinas. or huwag nating tanggapin na hindi tayo magaling, tanggapin nating hindi magaling ang ating mga pulis. sila lang in particular. Hindi namang makatarungan na magagaling ang mga designers natin, tapos matatawag silang bobo dahil sa ating mga pulis. as i’ve said, intelligence is a multi-faceted thing.

Dahil palung-palo naman ang talino natin when it comes to talent. Aminin naman nating namamayagpag si Charice. At bilib naman talaga akos a batang iyan, bilang naging alaga ko siya for a while. Best din ang mga designers ng Pilipinas, mapa-anong klaseng design man yan. Ilatag na natin seven to nine forms ng art, kayang-kaya yang i-best ng mga Filipino.

Creativity-wise, ibibigay ko rin ‘yan sa mga FIlipino. Maaari rin kasi itong resourcefulness-wise, at aminin na natin kun ggaano ka-resourceful ang mga pinoy, to the point na may kasabihan tayong “ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit!” Ang creative kaya nun, kakapit ka sa patalim. at mas creative yung mga nagigipit na hindi kumakapit sa patali,. maku-kwestyon ba ang resourcefulness ng mga Pilipinong naglilimborak sa ilalim ng poverty line. para mabuhay, kayang-kaya ng mga PIlipinong gawan ng paraan, kahit gaano man yan kahirap.

Ilagay na rin natin ang service-wise bilang in-demand ang mga Pilipino sa kahit anong serbisyong kailangan ng mundo.

Pero ngayon, may isang nilalang na humahamon sa galing ng Filipino. akshali, hindi nga humahamon, nagpapatunay na may hindi kayang gawin ang mga PInoy. Gusto ko sanang gawing mas specific, na yung mga nasa Medical profession lang, pero since hindi nga nila kaya, tayo pa kayong wala sa propesyong iyun. I’m talking about dengue. It has been in the country for so long. It has killed thousands, if not hundreds of thousands but still, we haven’t found a vaccine against it.

I dont know kung madali o mahirap ang gumawa ng vaccine. Sige isipin na nating mahirap, pero hindi naman siguro singhirap to the point na hindi na gagawa. Ang pangagnanak nga mahirap, pero paulit-ulit pa rin ang paggawa ng bata. All I am saing is, posible ang makagawa ng vaccine, pero parang wala pang nagagawa ang Pilipinas.

Alam ko na hindi lang sa Pilipnas endemic ang dengue. Nagkalat ito sa mga bansang nasa belt bag ng earth, meaning mga nasa tropiko ng cancer at tropiko ng capricorn. Pero focus muna tayo sa pilipins my pilipins. It has affected the nephews of the country’s president but there seemed to be no sense of urgency in finding a way to put an end to this.

Huwag nating sisihin ang kalinisan ng bansa. We are talking about lamok here at ang mga lamok nabuhay sa earth bago pa ang tao, ibig sabihin, kahit gaano kalinis ang lugar, magkakaroon at magkakaroon ng lamok at ang lamok na ito, maaaring may dengue. I’m not saying na tigilan na ang kalinisan, pero hindi ito ang paraan para mapigil ang dengue. We need to find a vaccine.

Naisip ko lang na kaya siguro hindi pa nagkakaroon ng vaccine dito ay dahil walang may kakayanang gumawa ng vaccine sa PIlipinas. Correct me if I am wrong and I will just say na “hindi halata,” or “hindi sila showy!” “kaya’t huwag na silang magtaka sa sinabi ni Susan sa Desperate Housewives?”

Well, hindi naman ako gumagawa ng problema na hindi magagawan ng solusyon. Of course, may naisip na ako. kung hindi kaya ng mga doctors, phramacist, med techsts, nurse, denstists, dermatologists, o kung ano mang facet ng medicine, gamitin natin ang ating mga resourceful at creative Filipino brothers and sisters.

Naniniwala rin kasi ako ng kung kaya nila, pagawa natin sa kanila. Remember the explosion ng AH1N! virus, sabi nila, matagal bago magawan ng vaccine against it, at para sa kanila, matagal ang six months, dahil wala pang isang taon, may vaccine na sila. ang tatalino nila, di’ba. Kumpara sa dengue na antagal nang tumitira sa atin, hanggang ngayon, wala pang bakuna.

Mabilis kumilos ang mga western country’s sa paggawa ng vaccine dahil alam nilang affected sila. Ang population nila ay maaapektuhan. Para naman sa mga bansang hindi masyadong affected, alam nilang ang amerika ay may pambayad sa magagawa nilang bakuna against AH1N1.

At ito ang dapat nating gawin sa Dengue, kailangang maapektuhan ang mga matatalino ng sakit na ito, either lagyan natin ang populasyon nila, or kayanin nating magbayad ng gamot na maiimbento nila. Mas posible yung una, dahil mahirap na bansa ang PIlipinas, wala tayong pambili, at alam naman natin na ang populasyon nila ay malapit na malapit sa mga service providers natin, and im not talking about globe and smart, but with the people their dictionary once defined as Filipina. Minamaliit ninyo ang mga Filipino, hintayin ninyo, sasakupin namin ang mundo. wala kayong idea, hawak namin kayo sa aming mga kamay, kasama ng kutsilyo, walis, pandilig at iba pang gamit sa paglilinis.

‘Yun na nga. Gamitin natin ang powers ng DH at OFWs natin para magkaroon ng Dengue sa Amerika, at tingnan natin kung hindi makabuo ng vaccine against dito. Pwede rin sa mga entertainers tayo magpadala, para sa Japan naman mapunta, siguro, may kakayanan din silang gumawa ng vaccine against it.

I know this is not a perfect plan. siguro malamig ang klima sa mga lugar na iyun kaya hindi nagkakadengue, pero i belive, unti-unti, makaka-evelove din ang mga lamok na ‘yan tulad ng naka-adapt naman ang maraming Pilipino doon. Pilipino din naman ang mga lamok na ito.

We just have to give this a try, at least try. dahil ayon sa aking mga naririnig, at naoobserbahan, puro paglilinis pa lang ang nagagawa ng pamahalaan para solusyunan ang dengue.

Or for a much better suggestion , though feeling ko, mas imposible, pondohan na ng pamahalaan ang mga microbiologist ng Pilipinas. and i’ll call this bill, the microbiology industry bill.

At siya nga pala, this goes for AIDS as well.

Posted by … at 9:44 AM

Tuesday, September 7, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s