Manila Hostage Taking: It’s Sho Show, It’s Sho Time It’s ShowTime

Friday, August 27, 2010

Maaari nating sabihin ang lahat ng opinyon natin sa naganap na Hostage Taking sa Quirino Grandstand, na makikita sa Wikipedia under “Manila hostage crisis” pero ang pinakavalid lang ay manggagaling kay Vice Ganda.

why not?

Hindi ba Showtime lang ang naganap.

pasok na pasok ang ganap sa konsepto ng palabas. Gusto mo bang sumikat, o gusto mo lang magpasikat? It’s Showtime.

Umpisahan sa energy-energy para makuha ang attention ng madlang pipol.

“kami ang Manila Police District na galing sa Manila, ang capital city of the Philippines, na kilala bilang Capital City of the Philippines. ipapakita naming hindi namin kailangan ng ibang opisyales! dahil this is our show, this is our time, it’s Showtime!” – pulis maynila.


Bakit ba kasi hindi ginawang national issue ang kaganapang ito at iniwan lamang sa kamay ng mga tiga-Maynila. hindi naman sa minamaliit ko ang mga tiga Maynila, bilang sila ang Capital City of the Philippines, pero ang kaganapan ay maglalagay sa tagumpay o kahihiyan ng buong bansa dahil may mga foreigners involved. parang nakita ng Maynila na this is a Make it or Break it situation sa kanilang kapulisan, but sadly it broke not just them but the whole sangkapulisan and the Philippines itself.

hindi ako sure kng dumating agn SWAT, pero parang wala naman akong nakitang ka-cotume nina Colin Farrel at Michelle Rodriguez sa area. ang natatandaan ko lang ay mga pulis sa gilid ng bus, na sinisiksik ang mga sarili sa gilid ng bus para hindi makita. teh, may side mirror. at hindi ko alam kung tiga SWAT yun, kasi hindi sila best. best ba yung pumasok sa bus na umuusok dahil hinagisan ng tear gas tapos biglang tatabas at kukuha ng tubig ulan at ipapahid sa mga mata? well, natawa ako.

at bakit nga ba may tear gas sa loob? kasi ang mga alagad ng batas na mga ito ay naniniwala sa mga sabi-sabi. para sa pulis, hindi nagsisiyasat ng ebidensya bago kumilos. sabi kasi ng driver na nakatakas, patay na ang lahat ng hostages. naniwala naman ang mga pulis, wala nang pakialam kung may buhay pa. e balita ko, nagsabi itong si Mendoza na ang gumalaw, papatayin niya. so malamang hindi gumagalaw ang mga hostages. at syempre, mga singkit iyun. maliliit ang mga mata, so akala ni manong druvam, nakapikit na. iyun, may i conclude na sina manong pulis na tegi na.

pero alam naman nating hindi ganito lahat ng mga Pulis sa Pilipinas, or even sa Manila. may mga mabubuti at magagaling na mga pulis pa rin naman around, kunyari tatay ko, isa siyang pulis. hindi man siya magaling na tatay, pero sasabihin kong magaling siya pulis, or mabait and ma-prinsipyo na lang as a pulis. kasi habang nagaganap ang hostage taking, kinuwento na nanay ko na nakahuli raw ng drug lord itong si itay. tinakot siya at binantaan ang buhay, pero hinuli pa rin niya. my god, nagka-opportunity pala si Daddy na maging drug lord, hindi pa niya ni-grab, e its so much easier to be a senator kung may tatay na drug lord.

well enough about me, nasaan ba ang mga pulis na tulad ng aking daddy na nakakahuli ng drug lord. or better, may chance makapigil ng bloody hostage crisis? ang balit ako lang nasa baguio sila. bakit hindi sila bumaba ng Manila, the Capital City of the Philippines? i dont know, maybe hindi nga sila pinatawag dahil may mga nagmamagaling. kasi feeling ko naman, kaya nilang tapatan yung mga tiga serbia. baka nga mas nauna pa silang dumating kesa sa mga journalist from Hongkong na dalawang oras lang, nasa Pilipinas na. parang they believe na “i dont care how you get here, just get here if you can.”

na sana yun din ang ginawa nila sa hostage taker. dedma na kung paano nila mapapalabas ng bus si mendoza, just get him out of there if they can. para kasing they cant. anu ba naman yun may demand yung hostage taker, tapos sagutin ng “we’ll see.” parang okay, just don’t call us, we’ll call you.” ambayun?

huwag naman sabihing parang alam ko dapat ang gagawin, pero na hostage na ako at naging negotiator na rin at the same time. as in sabay. imagine having a demanding baby na ayaw kang palabasin sa bahay to go to work, iiyak na. paano mo patatahanin, hindi ba, ibibigay mo muna ang gusto, uutuin, hanggang sa makuha ninyong pareho ang gusto ninyo, pero at the end, ikaw ang masusunod dahil ikaw ang magulang. gagalitin mo pa ba lalo ang bata? papaluin pa ba? ipapakita ang kapatid na sinasaktan?

i dont blame the media. gusto kong nakiki epal sila as much as they can kasi that’s the only way na makaka epal din ako. trabaho nila yan, para silang mga holdapers na hindi alam kung paano kikita ng pera kapag may gun ban. pero may mga taong nagma-manage dapat sa kanila, kung hanggang saan sila. hindi ba nga, ang mga holdapers pinapanatili sa mga madidilim at delikadong lugar, dun din dapat ilagay ang mga media ng pulis. hindi tutok-tutok.

haay, sige na nga. tama na. nangyari na ang nangyari. quote ang quote yan sa mga matatandang gustong mag move on. at para naman sa iba. makakalimutan rin yan. mapapalista rin yan sa Hllo Garci scandal, sa Ampatuan Massacre, Ondoy, 2012, and the likes. pero sa ngayon, Madlang Pipol! Score N’yo, Show N’yo!

Posted by … at 7:51 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s