RH Bill Behind Enemy Line

Grade four o five yata ako nung magkaroon kami ng sariling bahay. Pinalayas kasi kami sa inuupahan namin, kaya walang nagawa ang mga magulang kundi bumili ng lupa at magpatayo ng sariling bahay. Tagung-tago ang lugar namin. Maging hanggang ngayon nga ay hirap pa ring makasakay ng taxi ang mga bisita kong taga Cubao at Munoz. Pero mas liblib ang lugar namin noon to the point na naging setting ito ng isang kwento sa Marikina Files/Massacre Files.

Malapit sa ilog ang bagong bahay namin. Mga 150 meters siguro mula sa gitna ng ilog. Sa ganito kalaking pagitan ay ang palaruan. Isang di kalawakang maisan na matapos anihin ay nagiging putikan, kung saan kami nagbabatuhan ng putik at mud wrestling at times. Matapos ang maisan, mga puno naman ng mangga, caimito, sampalok at kung anu-ano pang puno but mostly mangga. Mga dalawampu siguro kaming mga bata noon na magkakasinggulang na na umaakyat at naghahabulan sa taas ng punong mangga. Matapos ang manggahan, ay maraming bakanteng lupa. Dito kami naglalaro ng teks, taguan, agawang base, chinese garter na may kasamang tumbling, patintero and games na pwedeng i-google under Philippine Games.

Papa-graduate na ako ng elementary ng may nadagdag pang mga bahay. Mas masaya. Para sa aming mga lalaki, naging lungga naming ito sa paglalaro naming ng barilan ang mga ginagawang bahay. Ang baril naming ay kahoy na may trigger na may goma na binabalahan hilaw na bunga ng aratiles. Parang inihahanda na kami sa buhay ng isang kriminal. Ang mga babae naman, bahay-bahayan ang laro. May mga manyika sila. Barbie. Inihahanda sila sa pagiging single mother someday.

Highschool, naging busy na ako sa pag-aaral. Or pwede ring sabihing nagkaroon ako ng bagong set of friends. Hindi ko na masyadong napansin ang mga kababata ko. Hindi ko na rin napansin ang aming palaruan. Ang malawak na maisan ay nawala na. Ang mga puno ng mangga ay nangaunti na. Napalitan na ng mga bahay. At ang dating mga bahay-bahay ay naging mas malaking bahay-bahayan na at doon na nakatira ang mga dati kong kababata. May mga anak na sila. At least equipped ang mga girls when their someday came.

Mula highschool hanggang college, humigit sa doble ang inilaki ng populasyon sa amin. Nawala na ang mga bakanteng loteng naming pinagtataguan. Naputol ang mga puno at may mga bahay na tumubo. Probinsya lang ang itsura ng lugar naming noon, pero biglang nag-iba sa mabilis na panahon.

Dumating ang bagyong Ondoy. Mas marami ang populasyon, mas marami ang napahamak. Biruin mo, kung kaunti ang populasyon noon, e di kaunti lang din ang mapapahamak. Pero kung nandoon pa ang mga puno ng mangga, kung kaunti lang ang mga nagtatapon sa ilog ng basura, malamang, hindi ganoon kalaki ang epekto ng Ondoy. Sa ngayon, nabawasan ng thirty percent ang population sa amin. Nasira kasi ang mga bahay-bahayan. Totally, dinemolish na sila at binigyan ng matitirhan sa Laguna.

So, does this mean bagyo ang solusyon sa pagliit ng population? Siguro may iba pa, like war, genocide, earthquake, end of the world and the likes. And maybe RH Bill. Or maybe not.

Sana ay hindi ipagkamaling sinulat ko ito para sabihin ang pananaw ko kung tama ba o hindi ang RH Bill. Pero ihahayag ko na rin ang opinion ko. Ayoko sa RH Bill. Hindi ito ang tunay na solusyon sa pagpapabagal ng populasyon growth at pag-alis ng povery sa Pilipinas. But I’m not taking the church’s side either.

Tama naman ang means at ends ng bill. Hindi ako tutol sa objective at sa pamamaraan para maabot ito. Ngunit sa palagay ko, kayang-kaya na ito ng mga NGOs. An endorsement from the government is good enough support, but funding from the government. Na-ah! Magiging source another ito ng corruption.

Napansin ko lang na ang goal ng bill ay mostly to educate the people. Anubanaman iyun isama lang ito bilang bahagi ng Values Education? Kailangan pa bang isabatas iyun? Kailangan pa bang pondohan iyun? Hindi ba’t kailangan naman talagang palitan ang mga aklat every so often para ma-update naman ang mga bata sa rotation ng Earth?

Huwag din sanang sasabihin na hindi lahat ay may access sa books at education, dahil kung iyan ang problema, dapat yan ang solusyunan. In the first place, dapat nag-aaral ‘yang mga ‘yang nagpaparami ng lahi. And in that case, the necessary bill should focus not on educating people about reproductive health but on educating the people, period. Or comma.

Nasasaktan ako lalu pa ngayo’t hinihintay ko ang next sweldo to make both ends meet. At inilalako ko ang dangal ko for extra rice. Tapos ang tax na iaawas sa akin for living in this para namang uber gandang country ay mapupunta sa pamumudmod ng condom sa mga maralitang tiga-city? Well, uber ganda naman ng Pilipinas, pero ang facilities, questionable.

But enough of that. Hindi nga ang pagtutol ko sa bill ang mahalaga dito kundi ang pagtutol ng simbahan. Para sa akin, kapansin-pansin ang pagtutol ng simbahan to the point na sinisira na nito ang kanyang sarili.

Ang best ng ABS CBN for airing “A Dangerous Life” at kung may natutunan ako ditto, dalawa pa lamang. Una, si Cory ay hindi mabuti but the lesser evil. Tama naman si Marcos sa mga opinion niya sa isang housewife, na hindi ipamimigay ang mga lupain ng kanyang angkan. Ikalawa, na malaki ang bahagi ng simbahan sa pagmomobilisa ng isang rebolusyon.

Nasa apat na taon lang siguro ako nung naganap ang isa sa pinakabonggang rebolusyon sa planetang ito. Nagalit ang mga tao dahil sa resulta ng election noong 1986. May mga ganitong usok ng dayaan ring nangangamoy ngayong 2010 election. Hindi ko lang nga alam kung alin ang mas mainiti, kung yung noon o ngayon, not to mention na may EL Nino ngayon. Shet, na-mention.

Ang best ng eksena ni Imelda habang naglulumuhod siya kay Cardinal Sin, “saying you don’t want to…” more than three times, para hindi maglabas ang pari ng statement against President Marcos. Naglabas ng statement si Cardinal Sin. Sinuportahan rin niya si Cory. Tinawag nila ang middle class at nagkaroon ng mapayapang rebolusyon sa EDSA. Akshali, hindi pa tapos ang three part series. Inassume ko lang, pero ayon sa history, nagkaroon naman talaga ng mapayapang rebolusyon with mga madre in the foreground.

Hindi man obvious but I read. Not a lot, but a book, a newspaper, a magazine or a crawl sa DZMM teleradyo to update myself. Nabasa kong, kung may kabalbalang mangyari ngayon election, may mga influential people na magtatawag ng kilos protesta. Kakailanganin niyang muli ang pagsasama-sama ng mga middle class, na karamihan ay believing catholic. I’m not saying practicing, na nasa church every Sunday, pero kahit papaano, may amor sa prayle. ‘Yung mga nakakapag-first communion pa sa public school pagtapak ng grades four or five.

This middle class is very much opinionated. Seemingly nonchalant, maybe reluctant, but opinionated. And I believe that their opinion is being challenged by the church. Pinag-aaway ng RH Bill ang middle class at ang simbahan. And by now, I think you have some ideas on where I’m going to. Off to bed because it’s 2:10 am in my clock. Call me paranoid, but I’d prefer if you’d simply call me, period. Or comma.

Though at the moment, may third lesson pa pala ako from the movie. Everything is planned, not by the almighty, but by those who want to be one. At ang mga those who want to be one na ito ay magagaling. Nandiyan lang sila, mapa-partido, o sector, o kung anumang grupo. At may digmaan sila among themselves na hindi natin nakikita. Ang mga nararamdaman natin sa mga ginagawa nila ay ang mga bagay na nais nilang maramdaman natin dahil iyun ang mas kapaki-pakinabang sa mithiin nila. Iyun ang nakakatakot, dahil sa dulo, mga sunud-sunuran pa rin naman ang mga mamamayan. Nakikisakay lang sa mga bagay na akala ay tama, o sarili nilang desisyon, pero ang totoo, everything was narrowed down for them to see that this is the only option.

Doon sa mas batang level ng kabataan ko, marami akong ganitong napalampas na bagay. Dala na siguro ng barkadismo, ng pagsunod sa uso, at nang pag-iisip tulad ng sinasabi ng mga nasa balita, o nang mga may conviction magsalita, which I learned by the way. Dahil dito, hindi ko napansin na nahubog na ang lugar na kinalakihan ko sa isang lugar na hindi ko naman gusto. Ang bahay-bahayan nami’y naging bahay na talaga ng aking mga kapitbahay. Saan na lang magbabahay-bahayan ang anak ko?

Ayoko na ulit magulat. Paranoia nga ang pag-iisip ng mga bagay na maaaring nagaganap sa likod ng mga piling bagay na ipinapaalam sa atin ng media. Pero anu namang masama? Kahit nga ang masama, subjective, pagkaparanoid pa kaya?

Posted by … at 11:28 PM

Friday, April 2, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s