Slum-ber Party… makiparty-party sa demolition sa QC

This is so elitista of me, and I’m sure I’m not going to get the boto of this masa, because I will not stand by their side this time. and yes, Dude, WTF?!

Akshali, usual naman ang gising ko kanina. Iyun, dadambahan ako ni Euan, tapos papabuksan ang TV, para manood siya ng cartoon network. pero ilalagay ko sa Nickelodeon, dahil mas nakakatalino, I suppose ang mga palabas dun over Tom and Jerry at that timeslot. Natapos ang pinapanood ng bebe ko. Ginising ulit ako. Nagpapalipat siya ng chanel. Dahil malayo ang remote, nipindut-pindot ko na lang yung TV. ANC got my attention. may riot.  Ganito rin yung feeling ko nung magising ako sa 9-11, at sa EDSA tres nang magising ako sa news sa TV, keaga-aga, may gyera.

parang mga ninja lang

People from QC were being demolished, and the demolished people and demolishing the people demolishing them. Ang gulo ‘no? Oo. Magulo ang eksena. Takbuhan, batuhan. I was waiting for a moment nga na may batong lilipad patungo sa camera o sa reporter at dudugo ulo ng tinamaan, like yung nangyari sa reporter dati ng GMA.

barikada ng QCPD

First thing in my mind, “shet, from Manila to Quezon City, aba, sinusubok ang sangkapulisan.” Ano na naman kayang kapalpakan ang gagawin ng mga pulis. I have this feeling kasi na staged ang lahat ng nangyayari. So, anu naman kaya ang plano nila ngayon?

Then,sinabi nila na trapik sa EDSA. Dafak! Bakit naman kailangang maapektuhan pa ako ng gulong ito. Well, hindi naman ito ang first time na maabal ako ng mga dukha. Kasi last night, when i was with my friends in this coffee shop, dumating these cute little poor kids asking for their baon from us. my god, tumulad nga kayo sa mga business minded ninyong friends like the sampaguita vendors. get a job. cheka lang. i’m not that rude in real life.

Actually, i’m happy for these demolishable people kasi unlike those news that i heard before, inaalis sila pero may paglilipatan na. alam ko, before-before, ang mga squatter, sinusunog. pero ngayon, mayroon silang lilipatang maaari na talaga nilang tawaging their own. so anu pa bang nirereklamo ng mga informal settlers na ito. Anu bang reklamo nila sa Montalban kung saan sila bibigyan ng sarili nilang bahay?

Maybe they’ll say malayo sa kabuhayan nila, hindi maayos ang kalagayan ng lilipatan nila? Hindi madaling mabuhay sa lilipatan nila?

But the slums is not a livable place to start with, so bakit ayaw nilang magstart again sa Montalban. Kung tama kasi ako, ang alamat ng squatter ay…

noong unang panahon wala pang squatters. Eevenly distributed ang mga tao sa Pilipinas. Tapos nalaman ng mga tiga probinsya na maunlad ang Maynila. So pumupunta sila sa Maynila. Pero nagulat sila sa naabutan nila, wala pala silang tutuluyan. Pero they developed hope, at ang hope ay naging yabang, at ang yabang ay naging greed, inangkin nila ang Maynila. akin ang lahat ng ito. titira ako sa kung saan ko gusto, and i choose the barren land. at mula noon, mayroon ng squatters area.

With this alamat na nabasa ko at napanood sa TV, parang nagsimula silang adventurous, tapos nung maging squatters na sila, naging choosy na sila? “Man, I don’t wanna live there, walang water there… Or that’s so far away from our tarbaho, how are we suppose to make some income?!

E bago naman sila maging squatter, e wala naman silang trabaho talagang ine-expect, wala silang tirahang inaasahan. Hindi nila alam kung anong meron sa pakikipagsapalaran sa Maynila. Pero after nilang maging bahagi ng class na maaaring i-demolish, okay na sila at kuntento.

Pinalalayas na maralita sa Quezon City (Owen Berico)

Tinanong ako ni Issey Sugiyama kung bakit bad aw ayaw magparelocate ng mga taong iyun. Sabi ko, dahil ayaw nilang mahiwalay sa mga kapitbahay nila. Iyun lang. And to have it in a macro perspective, naging comfortable na sila sa kalagayan nila, with there new found kumare at kumpare, at sama-sama sila sa kahirapan. at parang iyun ang ayaw nilang iwan.

Naniniwala ako na kung gusto may paraan, kung ayaw at tinatamad, maraming dahilan. Sa palagay ko, tinatamad na sila. Ayaw na nilang bumalik sa pagiging adventurous nila nung nagsisimula sila, dahil nakaranas na sila nang kaunting ginhawa. at sa kaaunting ginahawang iyun, nakita nilang mayroon silang kasama naman at hindi sila nag-iisa. so okay na sila doon. as long as there are some na mas kalunus-lunos sa kanila, okay na sila.

But if there’s anything that I discovered/learned/oserved sa naganap na demolisyon nitong mga class D1/2 slash Middle Lower Class, e yung kanilang strength. Ang kanilang solidarity. Kaya nilang mag-people power. Kung magsasama-sama ang lahat ng squatter sa buong Maynila, at magde-demand nang maayos na relocation site or else, paparalisahin nila ang EDSA, sa tingin ko pagbibigyan sila.

Maraming nagsasabing ayaw nilang maging mahirap. Or lahat nagsasabing ayaw nilang maging mahirap, pero ilan ba ang kumikilos para mawala ang kahirapan. May sasagot, na kumikilos kami. Naghahanap kami ng trabaho. Na syempre, gusto ba namin ito, pero hindi kami binibigyan ng pagkakataon ng pamahalaan. Hindi pantay ang binibigay na oportunidad. Maaaring mapunta pa sa diskusyon ng edukasyon na hindi makalidad ang itinuturo sa mga public schools, at mataas na ang tuition sa magagandang paaralan including the premiere state university slash UP. Pero muli ang tanong, ano nga ba ang ginawa ninyo.

Ngayong napatunayan ninyo na kaya ninyong paralisahin ang Metro Manila

(Photo By ANDREA ZARAH DAYAO / bulatlat.com)

by barricading in EDSA, what more kung lahat kayong mga tiga Middle Earth, ang mag-isip, huwag magpagamit sa grupong makakaliwa man o makakanan man, o ambidextrous man. Kung lahat ng mahihirap ay tatambay sa EDSA, at hindi aalis hangga’t hindi naibibigay ang “makatwirang” hiling nila. Sa tingin ko, mas successful pa ito sa kahit anong hunger strike o tigil pasada ng mga jeepney. In the first lace, marami naman sa kanila, tambay na talaga, anubanaman yung lahat sila, as in lahat, mag-inuman sa EDSA.

Niweis, please don’t get me wrong another. Hindi ako naghahanap ng rally. Hindi ako nagyayaya ng Welga. Niyayaya ko lang sila, na malamang, hindi naman magbabasa nito na magkwentuhan. Tumambay sa EDSA. Mag-inuman. Dahil napapanahon na ito! Mga Tol, OKTOBERFEST NA!

(ang mga larawang walang pangalan ay mula dito http://news.ph.msn.com/photogallery.aspx?cp-documentid=4272341 maliban sa Octoberfest)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s