Evolution of A Study Area

kwarto ng binatang walang syota

Kwarto ng binata. Binatang walang syota. ingat lang, dahil baka mahiwa. o kung may kunin, biglang may sumabog. pero ang kagandahan nito, pwedeng maglaro. hanapn ng bagay. una, hanapin ang malaking orasan na pinahiram ko sa isang produksyon ng UP Rep, at tulad ng maraming bagay na pinahihiram sa kumpanya, hindi na bumabalik. at opo, gumagana ang computer sa sulok. dalawa na ang cpu, sumuko na ang isa. at iyong nasa sulok, may lalagyan ng itlog na dinikit sa wall, iyon ang stress reliever, sabi kasi, pwede iyong pang sound proof ng kwarto kaya pag too much stress, pwedeng sumigaw doon.

may concept na, rectilinear, gusto mo iyon?
mukhang interior design na ang course ng gumagamit
at medyo pumo-photographer pa.

then i had a frequent visitor, nakakahiya naman kung mukhang gubat sa syudad ang kwarto ko. kaya iyun, nag-ayos na ako. kailangang malinis na, at madaling linisin pa. maraming binawas at ang mga malalaking bagay, pinaliit na, tulad ng computer kanina, naging laptop na. At kailangan na ring iparamdam na may alam ako sa interior design bilang course ko iyun. kaya medyo rectilinear ang look, para very panlalaki. kahit masulok ang design, hindi pwedeng masakit maupuan ang kahit saang anggulo dahil ang frequent visitor ay frequent din sa different corner ng kwarto. binata’t dalaga naman kami noon, kaya maraming energy. kaya’t marami ring activity. and with that, the wider and the cleaner, the better.

seven lucky cats
details. bookshelf. harry potter
makalat na version

si frequent visitor ay mahilig sa books. kaya’t kailangan gumawa ng maraming book shelves. at kasama sa mga books na nadagdag ay ang What to expect when expecting at ang mga friends ng book na ito. dahil ang frequent visitor, nawalan ng frequent dalaw. dahil may darating na bay, kailangang gawing mas creative na ang kwarto. iyun, blue, dahil blue daw ang unang nakikitang kulay ng taong bagong panganak. tapos black cats, kasi naman, para silhouette lang. basically, wala namang nadagdag sa mga gamit, maliban sa mga books, ang mga shelves ay mga lumang kahoy at plywood na nilagare at pininturahan ko lang at pinagpupukpokpukpok. at iyan ang study area namin hanggang sa lumabas ang baby at hanggang sa dumating ang Ondoy.

small study table and a stable chair

para sa mga notes at reminder, at syempre ang ilaw

a little transformer na nagbabantay sa aminat syempre, ang dyosa na madalas nakaupo sa trono katabi ng library

naisip kong yun gOndoy ay opportunity para sa mga changes, so medyo naging radical na at edgy ang study area namin. naging green na ang background, kaduktong ng pula at dilaw na wall. jamaica-jamaica-han lang, though medyo malas sa akin yung color na iyun. tapos, opportunity rin itong tuparin ang pangarap ni frequent visitor na naging co-owner na, na magkaroon ng wall of books. so, nung ni-renovate ang kwarto, nagpalagay ako ng kapirasong wall. ako na ang gumawa ng shelves sa wall na ito, at inilagay ko lahat ng libro namin. whala! wall of books na. though hindi masyadong nagustuhan ni misis. pero ako, masaya na. at dahil medyo busy si misis sa bago niyang trabaho, kailangan niya ng calendar at tack board. kaya iyun, nandun na. nakalagay pa rin dito ang capiz window na bigay ng friend.

ang dating table ay nasira, nalusaw dahil gawa yata sa recycled wood. kinuha ko sa imbakan ang luma kong table, yung patungan ng computer dun sa unagn picture, at ito na ang gamit namin ngayon. kailangang mas sturdy na ang chair, dahil sumasampa ang baby nami pag gustong manood ng cars sa laptop. tatlo na kaming gumagamit nito ngayon.

malamang, malapit na naman itong mapalitan. nakakita na kami ni misis ng maganda table na pamalit. kulay puti. at nakikita ko na ring mawawala na ang jappy jamaica colors, dahil nai-inspire ako sa de stijl. kaya ito naman. wait na lang sa mga pagbabago sa Evelution of a Study Area

2 thoughts on “Evolution of A Study Area

  1. the only thing that is constant is change…Congratulations sa changes…sumasabay talaga ng mga bagay sa buhay natin…hehe

    *apir

  2. ow, wala na pala yung mga black cats? i like the shabby chic look ng desk and chair mo ngayon🙂 post mo rin yung mga paintings and installation art mo🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s