Run For Pasig tententen-tententen-tententen

hindi ko alam kung ano ang masaya sa pagtulog ng alas dos kwarenta y singko, para gumising ng alas tres, sumakay sa taxi na mas mabilis pa sa karma para makapunta sa ABS CBN, para katagpuin sina Melo at Jones para magtaxi ulit paikot sa circle at sumakay ng bus na maghahatid sa Makati Ave, kung saan maghihintay mula alas kwatro ng madaling araw hanggang alas singko y medya para tumakbo ng limang kilometro at maglakad ng isa pang limang kilometro habang nakikipaggitgitan sa mga tumatakbo raw, pero mukhang nag-aalay lakad lang na mga tao patungo sa finish line kung saan patagalan maghintay sa mga bag na hindi alam kung saan nadeposito, yun pala ay naipit din sa trapik na dulot ng event na matatapos sa Mall of Asia na hindi sa una pa lang ay hindi ko na alam kung paano lilisanin, ngayon pa’t tinatayang isandaang libo ang kalaban sa sakayan pauwi.

Well, it is for a good cause, dahil dito, maaaring luminis ang ilog pasig, mahukay ito at mapalalim para kapag bumagyo ulit, mas mababa ang posibilidad na umapaw muli ang mga ilog at magdulot ng baha.

melo, jones and i, habang naghihintay sa simula ng pagtakbo
ang aga magsuot ng shades?
close up ng kanyan gpose
ako sa harap ng 5k mark
Running with the god! Sir Gabby Lopez, nadaanan po ninyo kami.
 Ayala, ang simula ng mga 10 K runners iyun, masaya naman yung umpisa, sobrang dami ng dumalo, siguro mula gunshot, lampas isang minuto pa bago makatakbo yung mga taong nasa hilera namin. mas matagal pa syempre yung hinintay nun gmga nasa likod namin. maluwag naman ang takbuhan hanggang sa parang nagbottle neck na sa mga masisikip na kalsada. pero okay lang, masaya katakbuhan ang mga tiga Air Force na nagcha-chant pa. and knowing me, hindi ako magpapapigil sa pagchant. sabay kami ni MElo sa summisigaw sa matinis na boses ng Eklavu!  Chika Lang! Keribelles! kasabay ng chant nila.ang hirap na sumingit, kaya naglakad na lang kami. nakakatamad na ring mag picture, dahil medyo bad trip na kami sa init, at syempre sa amoy nung mga students, alam mo naman ang amoy ng mga students diba, yung parang pulbos na may pawis na may papel and the likes.si Melo sa harap ng 5k mark

matapos ang event, pahirapan pa sa pag-uwi. Tuloy ang exodus ng mga tao, papunta sa MRT. makakasabay silang lahat. buti na lang at matindi ang dasal ni Melo. hindi kami nag MRT, bumaba kami sa EDSA, at yun, may taxi na dumaan. sorry na lang po manong taxi dahil naparalisa namin ang mundo ninyo nung umaga.PAgdating sa bahay, borlogs. babawiin ang labinlimang minutong tulog kanina. iyun. tulog ng ala una, gising na alas sais. gudlak sa body clock.si sir ernie yung kalbong nakapula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s