De Stijl Project: How to Paint the Abet way (part 1)

Parang ang profound ng De Stijl. Akshali, Art Movement lang ito nung unang panahon, like years between the world wars. Dalawa pa lang naman iyung mga iyun, so n’ung moment sa pagitan, isinilang ang De Stijl (the style) ng mga Dutch. Iyun alam naman nating magulo at malungkot ang pagitan ng mga wars, so ang mga Olandes nagsaya for a while, at tinawag nila itong Dutch Entertainment. Kidding aside (that is if you get what i mean), De Stijl is the abstraction of things in its simplest form, kaya nga ang nagagamit lang na kulay dito ay ang primary colours, Red, Blue and Yellow, na sinamahan na rin ng Black, White at Gray. Basic din ang mga lines na ginagamit, horizontal at diagonal lang. Una ko itong nakita sa isang damit dati, pero mas nakilala ko noong naging plate namin sa isang Interior Design class ang Red and Blue Chair ni Rietveld.

stained egg yolk. white yellow and blue

Iyun akshali, mga pintura lang para dito ang binili ko sa Handyman sa Robinsons Metro East nung makabili rin ako ng table, pero huwag muna dun. Dahil nga primary colors lang ang kailangan, binili ko na yung tatlo, tapos black ang white. paint brush na rin, roller at yung lalagyan ng paint para sa rollers. pati na rin maskin tape. malaking tulong sa akin ang maskin tape.

First Step syempre ay magkapera pambili ng materyales, pero kapag into it ka na, first step sa pagpipintura, prepare ang pipinturahan. Kaya tanggalin muna ang kamang sagabal. Pero mas mahirap pala iyun sa inaakala ko. sa ilalim ng kama, nakatambak ang madamin gpairs of shoes, ang mga kahon ng mga damit na hindi ginagamit at vacuum ng kotse. Hindi ko rin alam kung bakit may vacuum ng kotse sa ilalim ng bed. Only then, saka lamang napunasan ang wall para tanggalin ang dumi.

goodbye rasta wall

Second, takpan ng puting paint ang existing color ng wall para maging pantay at maging malinis na canvass ang dingding. It helps na may masking tape para mapanatiling tuwid ang mga lines. Mga tatlong coating ng puting paint, okay na. Dedma na ako sa tutulong paint sa floor. May linoleum naman doon na naghihintay nang mapalitan. shucks, hindi ko pa nasasabi sa linoleum namin na papalitan na siya.

masking taping

Kapag payapa na ang wall, wala ng epal na colors na pasilip-silip. pwede nang lagyan ng guide ang wall. Masking tape lang ang ginamit ko bilang guide lines. Bawal lumampas dito, kaya’t magagamit ko ang aking grade school coloring skills. Naubos ang isang roll ng masking tape ko. Kailangan bumili pa ng isa. Pero bago that, stop muna.

from the paper to the wall. wait ka lang.

Mga alas dos ako nagsimula, at plano kong matapos ng four para matanggal ang amoy bago magdilim, at pwede kaming matulog. kaya naman matapos magpintura at malinis ang mga paintbrush at rollers, linis na ng katawan at ng kwarto. kaya lang, hindi ko na-anticipate na mabaho pala nambongga ang paint at may baby boy akong tulad ng nahawa sa primary colors ng primary complex. Kaya naman google ako ng ways to remove paint odor and VOCs (Volatile Organic Compounds). iyun. Naglagay ako ng cups of vinegar around, then, chopped onions around. then, uling at baking soda. awa ng Diyos, after five hours, hindi ko na alam kung ano yung naaamoy ko, kung yung paint pa ba o yung sibuyas. pero para safe, sa tabi muna ng lola natulog ang baby,

Sa susunod na panahon ko na tatapusin ang mga colors sa wall. yun munang puti sa ngayon. Maghahanap pa ako ng pinturang pwede sa baby.

4 thoughts on “De Stijl Project: How to Paint the Abet way (part 1)

  1. ahem! I will follow this series because I am so interested!😀 Naghuhumiyaw rin para sa dekorasyon ang mga dingding namin pero sa tingin ko, sticker lang muna ang ididikit ko. hahaha.

    Also, yaman din lamang at andito na ako, may I comment on your header image.. na sa unang tingin akala ko webpage ng CAL ako napunta.😛

  2. ahihi. ayan na, masusundan na ang series na ito. within the week. natapos ko na yung wall. edit ko na lang yung mga pictures.

    binago ko na rin ang header.

    at ngayon ko nga lang nabasa yung comment nang buo. ahihihi.

    1. artist po ng ano? Piet Mondrian po ang pasimuno ng Des Stijl. Pero yung artist nitong wall, e ako lang po. artist talaga ang tawag. painter na lang as in nagpintura.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s