Lola ko si Nanay Mameng

Aling Mameng

Literal.

Last week, nalaman ng Mommy ko na yumao na ang pinsan niyang mayaman na matandang dalaga. Kahapon ang libing. Nakipaglibing si Mommy.

Doon nakita niya ang iba pa niyang mayamang pinsan at ang mga mayayaman nilang anak. Mga galing na rin states ang marami. Iyun, magaganda daw manamit ang mga tita niyang iyun. Pati ang nanay ng yumao. Tapos may yumakap daw na matandang dugyot, ayon sa salita ng pinsan kong nandun din. Maayos naman daw ang damit sabi ng nanay ko, pero kumpara sa niyakap niya, ang yumakap ay naka-polo/blouse lang at palda. Familiar sa nanay ko ang yumakap, nakikita niya sa TV. iyun nga si Aling Mameng.

Si Aling Mameng ay Kapatid ng Asawa ng Kuya ng Nanay ng Nanay ko. Basically, Lola ko siya, two generations ahead siya sa batch ko, ganyan.

Kanina, kinuwento ng nanay ko yung mga ganap sa libing, kung paano nila na-hoard yung mga food since dun sila nasakay sa lalagyan ng pagkain. Kung paano sinapian ng masamang ispiritu ang ate ko. Kung paano himatayin ang mayayaman. Kung paano naiiba si Aling Mameng sa mga kapatid niyang mayayaman at state side na. Hindi lang niya na-expect na kahit dugyot si Aling Mameng, ang buhay na mayroon siya ngayon ay pinili niya.

Masaya akong malaman na kamag-anak namin si Nanay Mameng. Matalino siya. At nagkaroon siya ng mga pagpipilian. Totoong tayo ang pumipili ng landas na tatahakin natin, pero tayo rin naman talaga ang pumipili ng pagpipilian.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s