Experiencing Onib Olmedo

Una kong narinig ang pangalan ni Onib noong college, sa UP Rep. Isang poster ng play ang ipinagmamalaki dahil ang bantog na si Onib daw ang gumawa noon. nakatanong pa nga iyon sa SigSheet (Signature Sheet) ng mga aplikante. Anong production ang may poster design ni Onib? Ang sagot: Panginoon sa Driod. Luckily, may nakita pa akong isang poster nito sa tambayan ng Gab Youth, noong college pa ako. at bilang sa palagay ko ay property iyun ng UP Repertory Company. Kinuha ko na.

Panginoon sa Drior, UP Rep Production

Akala ko, iyun na ang huling karanasan ko kay Onib. Sa totoo lang, hindi ko siya kilala. Ang kilala ko lang naman na pintor ay sina Luna at AMorsolo. Hindi naman tumatak yung ibang mga gawa. At hindi rin sila gumawa ng poster ng UP Rep. Pero kung huhusgahan ko ang poster design niya, weird. ang lungkot lang. kaya ko ring gawin, at anu naman kaya ang special doon. ganun. mabilisang judgment. Parang malayo sa gawa ng mga sikat na painters na kilala ko.

In My Life (mga gawa ni Onib Balmedo)

Last November 8, 2010, niyaya ako ng friend kong si Ona sa isang art exhibit. Isa ito sa mga moments na nagpapaka-cultured kaming tatlo nina Ona at Melo. Sa Ayala Museum. Okay, ang memory ko ng Ayala Museum ay mga diorama ng kasaysayan ng Pilipinas. interesting. Si Onib daw. Dahil may kaunting kakayanan akong matandaan ang mga mumunting bagay, nag peek ako deeper, so go na. parang kilala ko kasi si Onib.

Syempre, unang gagawin pag may pupuntahang cultured events. Google. Baka mamaya, makasalubong ko siya, at nage-explore ako sa event niya, tapos, ang repertoire lang ng comments ko ay “yes,” “uhuh,” “great,” “i like that.”  At least, with google, i can say, “oh, i know that, di’ba yan yung (fact from google/wikipedia).” Iyun, nalaman ko sa Google na patay na pala siya. Si Onib. hindi ko naman pala siya makakasalubong, and when they say he’ll be there in spirit, in spirit talaga.

spirit ng wine (libre to teh sa cocktails)
melo, ona and the souvenir program

Okay then, go na sa event. Sa mga speech mula sa mahahalagang tao sa buhay ni Onib, nalaman kong isa pala siya sa mga mahahalagang nilalang sa kasaysayan ng Sining sa Pilipinas. Siya ang nagsimula ng Expressionism sa bansa. With the help of Google, alam ko na rin yun. Pero nung nag dig deeper sina Ona at Melo ukol sa kung ano ang expressionism, ay search na naman ako sa mga folders ng brain. Sagot naman ako, ayon sa natutunan ko sa Humanities Class ko. “err, iyun yata yung impression nung artist dun sa subject niya.”

“Di ba Impressionism iyun?” tanong ni Ona.

Nyak. hindi ko na alam ang sagot. sinabi ko na lang na ang alam ko lang sa Impressionism ay mabilis lang iyung gawin kaya ganun yung brush strokes niya. and to save myself from the kakulangan sa knowledge nag site na lang ako ng ibang tao. “Parang ka-contemparary ng gawa niya yung the scream ni Munch.” Iyun, umoo naman si Melo.

Kasama sa mga seremonyaas ang turn-over ng isang likha ni Onib sa pamilya aquino, ang portrait ni Ninoy. iniabot ito kay Pinky. pagkatapos nun, go na sa event. pwede nang magpaikut-ikot sa Ayala Museum. (hope tama ang name ng aquino sister na nasabi ko, gusto ko kasi si Ballsy)

melo, with pinky aquino sa background

Kasama sa mga naka-exhibit ang mga portraits ni Onib ng mga nakasalamuha niya noong buhay pa siya. Sabi ng asawa niya, karamihan daw doon ay mga karaniwang tao; mga waiter na nakakasalamuha niya, mga batang kapitbahay nila, mga taong malalapit sa kanya. iyun. pero mahirap i-decipher who’s who dahil distorted ang mga larawan.

sketch
portraits
melo looking
musician

Di’ba, ang distorted ng mga images. Pero yun yata ang essence ng expressionism. Ayon kasi sa speaker. inalis ni Onib ang mga distraction sa mukha ng tao sa kanyang mga portraits para mailabas ang emotion nito, ang sa palagay niyang nararamdaman, ang lungkot, ang anguish, ang frustrations, ang chumenameccapizzazzekekek ng kanyang subjects. Basically, requirement sa pagiging expressionist ang pagbalewala sa Proportion at perspective, pero mahalagang maging judgmental.

Ayon pa sa wife ni Onib, ilang larawan lang ang ginawa ng artist na maganda ang subject. Isa dito ang selfportrait niya, ni misis. malamang, sinadya ni Onib na gawing maganda ang portrait ng kanyang asawa. Kung pangit at distorted ang gawa niya, more than sa magagalit ang wifey, iisipin pa ng mga tao, na tulad ng mga waiter at ng mga dukhang subjects niya, hindi masaya ang asawa niya at maraming frustrations, at lahat ng iyun ay mga bagay na babalik kay Onib. Kaya iyun, ginawa na lang niyang happy, so everyone can see na happy ang wife niya. On that note, pwede na akong expressionist, judgmental na ako.

Lumabas din sa judgement ni Onib ang kalagayan ng bansa. i noticed, nagsimula siya noong panahon ng sigwa sa bansa, mga Matial Law-ish. Ang mga gawa niya ay karaniwang black and white, at kung hindi naman madilim, malulungkot ang mga subjects niya. Unti-unti, sa mga panahong ito, may mga award winning works na siya na naparangalan sa ibang bansa.

Nang matapos ang martial law, medyo naging payapa na ang mga subjects niya. May kaunting focus na sa pamilya, tulad ng mga gawa niyang balerina, kung saan tampok ang dalawa niyang anak na nahilig daw sa sayaw na iyun. Medyo gumagaan na rin ang kulay. Patungo nga sa huling sandali ng kanyang buhay, medyo mas naging magaan pa ang mga tema ng kanyang mga gawa. nagkaroon na ng musika.

isa pang musikero
Ona and Me. this is my favorite

sa palagay ko, naging masaya naman siya kung magiging judgmental ako ayon sa kanyang mga gawa. Pero mas judgmental sa akin si Melo. Sabi niya, nagka-kulay lang daw ang mga latter works ni Onib dahil sa mas yumaman na siya. Syempre, alam naman nating ang value ng mga artist ay tumataas habang papawala na sila sa earth. Moreso pag wala na sila. Kaya nga, nung marami na siya naibentang paintings, matapos siyang ma-recognize around the globe, nagka-cashing na si Onib, at may pambili na siya ng mga materyal at colors. Well, i must give it to Melo. May point naman siya.

So ako naman, baka ganun din. Sa pagtanda ko pa makukuha ang aking mga kayamanan. Pero bago iyun, parang mahalagang aralin muna ang iba pang mga paintings at painters for inspirations. Kung may google din kasi ang utak ko, medyo kakaunti pa lamang ang mga pintor na kilala ko, at karamihan pa sa mga iyun ay poreynger. Siguro kasalanan ko na rin dahil i did not seek much, pero mas madali sana kung hindi lang sina Luna at Amorsolo ang ipinakilala sa akin buong elementary at highschool ko. Introducing great Filipino artists to the young ones would surely inspire them to be artist themselves, in their early age. Hindi yung sa kolehiyo lamang maririnig ang iba pang mga magagaling na pangalan, at karamihan, dayuhan pa. Kakaunti na nga lang ang nakaka-afford mag-aral, at marami pa sa kaunting ito ang hindi makakatungtong sa kolehiyo, sayang naman ang magagaling na Filipino.

3 thoughts on “Experiencing Onib Olmedo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s