Too Much Running

May mga humahabol pa sa listahan ng mga Mararthon na naganap ngayong taon. Kanina nga lang, naganap Ang KaRUNungan 2010, sposored by Knowledge Channel Foundation. Sabi sa doon, yung registration fee daw ay makakatulong sa education ng mga kapus-palad na nilalang.

Kanina tumakbo ako at nalampasan ko ang aking personal record. 56:39.1 para sa 10K run.

Those are of two different events. Una, dahil napagod ako sa linggong ito kaya’t nag-decide na lang to stay home. Pangalawa, a sector closer to my heart and age, is needing my further attention. Alam naman nating kinaltasan nang todo-todo walang preno ang budget ng mga SCUs now lang. So mas better kung para doon na lang ako tumakbo. Kaya tumakbo na rin ako sa Marikina Sports Park. Malamang sa pagkairita ko na rin, iyun, na-best ko naman. Congratulations! Me! That’s two minutes faster than my run two weeks ago.

With all these running, pwede na rin palang gawing form ng protest ang marathon/fun run (marathon=42K. Kapag less, fun run lang). That’s quite new. Magandang advocacy iyan, “Marathon for higher state subsidy!” Alam naman nating more than sa kagandahan, mas pumapatok ang mga may “for the benefits of” sa mga event na ito. Mukha na ngang pinagkakakitaan na lang ng iba.

hindi ba't nakakainsulto sa gobyerno ng mg abayang nasasakupan ang Pasig River na may iba pang taong maglilinis nito para sa kanila?

Forgive me for being too judgmental. But still, this year has provided too much marathon for too much causes. And these programs have become bothersome, it should be illegal. Nakakahiya sa isang pamahalaan ang pangunguna ng mamamayan sa mga bagay na gobyerno dapat ang gumagawa. We can call it “volunteerism,” but this has shown that the Philippines has too many volunteers for what? The government should be spearheading these advocacies, these changes, these runs for a better country or earth for those environmentalist, or for the Filipinos to become beautiful and sexy people.

Nakakalungkot lang na nangyayari ito. i’m not saying that i am an expert on the things na nangyayari. Siguro, since Watchmen ang binabasa ko ngayon at medyo nagiging reference ito ng life ko as of the moment, i’m just pulling of a Rorschach, or becoming as jaded as The Comedian. Or maybe, just maybe, i’m just a boy standing in fornt of a girl/boy, looking/feeling for some sexual tension.

Yes, tension, nakakalungkot na gumagawa sila ng tension among the students to cover this another kapalpakan up. (From Hostage Crisis to Pilipinas Kay Ganda Plagiarism). Parang ang say nila, hindi naman binawasan ang budget ng education, inilipat lang ang budget ng SCUs sa budget ng mga public elementary at highschools. You have your lands and other things naman to be self sufficient. It is like sayingr, “Anak, tigil muna ikaw sa kolehiyo, si Highschool sister at si Elementary brother mo muna ang pag-aralin natin. But if you really want that education, magtrabaho ka na lang for it.”

Ayan, kung baga sa magulang, pinu-push niya ang anak niyang maging working student. Sa aking pagkakaalam at karanasan, ang mga ganitong klaseng magulang ay may malaking insecurity. Pinapakita man nila o hindi, masakit sa kanilang ginagawa ng anak ang mga bagay na sila dapat ang nagbibigay. N’ung highschool ako, i thought it was cool being a working student. Sabi ng tatay ko, hindi daw. Ayun, pride kasi iyun ng magulang, na nagawa niyang pagtapusin ng pag-aaral ang kanyang anak. Eh n’ung college, tinamad na si Daddy sa pagpapaaral sa akin, e sabi niya huwag daw akong mag-working student. iyun, nag work na lang ako. At least, i left him his pride, wala siyang anak na nag working student.

Ngunit ang pamunuan ngayon ay parang walang ganitong pride. Dedma na lang. Well, dedma is an understatement, to think. Dahil more than hindi pansisnin ang maliit na budget ng edukasyon, binawasan pa niya. 20K na ang 18units sa UP sa nakaraang budget. Paano pa kapag nabawasan iyun ng bongga?

Marahil ay uuwi na naman ito sa sagot ng pamahalaan na hindi nila kayang tugunan ang problema ng buong Pilipinas ng sabay-sabay. Isa-isa lang. Kakailanganin din ang tulong ng mamamayan. Tama naman. Pero sobra naman yung gobyerno ang hindi tumutulong sa mga pinamumunuan nito. sa mga pangakong nabitawan noong pag-upo pa lang bilang pangulo, bakit parang wala silang maipagmalaking natupad na. Magandang cover up ito sa mga kapalpakan ng iba’t-iba niyang ahensya, mas maganda kumpara sa pagkain ng hotdog sa Amerika.

Huwag na sanang masolusyunan ito ng isang rally/welga/kilos protesta. Or if the people of the Philippines like my suggestion “Run for Higher State Subsidy!” Para hip naman at sosyal, at makabago at mukhang in at fun. pero nonetheless, huwag na sanang umabot doon. Sana maisip na ng kung sinoman ang dapat makaisip na pagdating sa edukasyon, priority lahat, hindi ang elementary, hindi ang highschool, hindi ang college. pantay-pantay iyan. At huwag sabihin sana ng gobyerno na hindi pwede iyun, or hindi kaya iyun. Or kung hindi man talga kaya, get off your seat and have somebody capable to run this town.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s