Kwentong PGH

Alam kong Lunes, but i have to work, finish some presentations, and i’m not making any reklamo, i should have done these last Friday. Eniweis, what made me sad was this beautifully written piece from a friend, which you guys would not understand dahil hindi naman ninyo alam ang pinagdadaanan niya. Tinitingnan ko ang mga tao, mga kaibigan ko na masasaya, na mga nakakaya ang pinagdadaanan, bilang aking mga heroes. And i feel part of their pain when they give up, or when problems strike them and they are nahihirapan, or when they decide to end things which is a part of the reason why i love them so much. or when they are sick.
Pero dahil sa pag check ko nang e-mail, matapos kong ma-send ang mga presentations ko bukas. ito. happy na ulit ako. iyun, alam naman ninyo ako, tickle minded. madaling matickle ang utak.
Thanks you Ona, kung saan mo man nakuha ito, paki-credit na lang siya. pero dedma na. wala naman akong masamang intention, so malamang, patatawarin ako ng supreme court. pero dun muna tayo sa malapit na government building sa Supreme Court, isang building na kulang na sa budget, babawasan pa nekshir another. bilang bahagi ng UP Manila na isang State University, mababawasan na rin ng budget ang dapat sana ay bonggang ospital na Philippine General Hospital.
Sige, dedma muna sa lungkot, here it is.
KUWENTONG P.G.H.

On Medical Terminology (Actual sentences found in patient’s medical charts at the Philippine General Hospital):


1. Patient has chest pain if she lies on her left side for over a year.


2. On the second day the knee was better, and on the third day it disappeared.


3. She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was
very hot in bed last night.


4. The patient is tearful and crying constantly.  She also appears to
be depressed.


5. The patient has been depressed since she began seeing me in 1993.


6. Discharge status: Alive but without permission.


7. The patient refused autopsy.


8. The patient has no previous history of suicides.


9. She is numb from her toes down.


10. While in ER, she was examined, X-rated and sent home.


11. The skin was moist and dry.


12. Occasional, constant, infrequent headaches.


13. Patient was alert and unresponsive.


14. Rectal examination revealed a normal size thyroid.


15. She stated that she had been constipated for most of her life,
until she got a divorce.


16. The lab test indicated abnormal lover function.


17. The patient was to have a bowel resection.  However, he took a job
as a stockbroker instead.


18. Skin: somewhat pale but present.


19. Patient has two teenage children, but no other abnormalities.


———— ——— ——— ——— —
Sa PGH, may tinatawag na Central Block.  Nandoon ang Radiology
Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at
Radiotheraphy.  Dito maoobserbahan ang evolution ng mga Pinoy medical
terms.  May mga pasyente o bantay na madalas magtanong ng direksyon.
Mga versions ng CT Scan:


1. “Doc saan po ba ang Siete Scan?”
2. “Doc saan po ba magpapa-CT Skull”
3. “Doc saan po ba CT Scalp”
4. “Doc saan po ang CT Scam?”


———— ——— ——— —–
Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.  “Doc
saan po ba ang Cobal?”  Yes, laging walang ‘T’.  Marami ang gumagamit
sa term na Cobal.  Saan napunta ang ‘T”?  Marami din kasing
nagtatanong, “Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?”
Conclusion: Ang ‘T’ ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.


———— ——— ——— ——
7:00 am: Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng Instruction sa bantay
ng pasyente, “Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule
kayo ng X-ray ng pasyente ninyo.”


3:00 pm. Kadarating lang ng bantay.  Nagalit na ang Doktor.
“Mister, bakit naman napakatagal ninyong bumalik?   Pina-schedule ko
lang naman ang X-ray, ah.”
Sumagot ang bantay, “Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate,
haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi
Sabado ngayon.” (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at
sarado nga naman yon kapag Sabado)!


———— ——— ——— —–


Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal
talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang
tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.


Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1   : “Doc phenobarbiedoll po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital. ” (Gamot sa convulsion ang Phenobarbital)


———— ——— ——— ——— –
Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2: “Doc metromanilazoo po.”
Doktor: “Ah baka po metronidazole. ” (Gamot sa amoeba ang Metronidazole)


———— ——— ——— ——–
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU(Post-Anesthesi a Care Unit)


Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na po
kayo sa PACU
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?”


———— ——— ——— ——-
Doktor: “Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang
sakit ng inyong anak?”
Mrs 4: “Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: “Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart
Disease ang Tetralogy of Fallot)


———— ——— ——— ——
Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: “Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!”
Doktor: “Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!”


———— ——— ——— ——— —-
Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs. 6  : May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang
senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para
mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng bata?”
Mrs: “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang
ketong sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng
kumplikasyon ng diabetes.)


———— ——— ——— ——— –
Doktor: (Tanong sa buntis na Mrs. na nagle-labor)
“Mrs.pumutok na po ba ang panubigan mo?”
Mrs:  “Eh, Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog!”


(Hanep!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s