Sa Pakikilungkot

Nakikilungkot ako sa iyong kalungkutan

kahit hindi kita  maintindihan

kung saan ang iyong pinagmumulan at kung ano ang gusto mong puntahan

ang bawat mong ngayon sa akin ay palaisipan

bawat salita mo’y may katotohanan at kasinungalingan

ngunit tapat at sagana sa hinagpis

 

Nakikilungkot ako sa iyong kalungkutan

patawad

marahil paraan ko ito upang takasan ang sa akin

ginagamit kitang hindi mo alam

salamat

hindi mo naman kailanman malalaman

 

Nakikilungkot ako sa iyong kalungkutan

sa dami ng iyong pinagdaraanan,

hindi ko mapaniwalaang, patuloy pa rin itong nadaragdagan

nauna ka nang bumigay bago pa ang lahat ng ito

kaya;t hindi ko na alam kung ano sa susunod ang gagawin

Sabagay, sa iyong pinakamahina, doon ka nagsimulang mabuhay

Kumbaga wala nang ibabababa ang binaba mo

kaya’t sa pataas ka na patungo

o sa palakas

sana’y makaya mo ang lahat ng ito

hindi kita masabihang, “kaya mo ‘yan, isa-isahin mo lang”

tulad nang ginagawa ko

dahil sabay-sabay sila dumarating, nagpapatong-patong sa iyo.

 

Nakikilungkot ako sa kalungkutan mo

tuwing binabasa kita, nararamdaman ko ang sarili ko

na sa tingin ko ay mahalaga

dahil sa sanay na ako sa pag-iwas sa sa akin

nakalimutan ko na iyon.

ngunit sa bawat gabing ako lang at ikaw

hindi mo man alam na ikaw ay aking tinatanaw

nararadaman ko na ang kalungkutan ay totoo

at mahalaga iyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s