The Cruise is Back

Wala itong video. Wala itong photos, Wala sa net ang script nito. Kaunti na lang, isa na itong common ala-ala na pwedeng i-deny ang existence. Mabuti na lang at ang isa sa mga cast na nasa Australia ay nakapagtago ng isang hard copy ng scriptl Thanks Joe. Kaya’t ito na, nai-push na at naipagpilitan. The UP Repertory Company is staging “Cruise My Heart, Hope to Die, Dava, Dava?!”

Kung baga sa soap, CMHHTDDD. ito ang unang successful writing experience ko. Hindi ko na isasama ang mga formal theme noong highschool, at mga kung anu-anong papers sa Comm 2 noong college. Ito ang unang play na naisulat ko, na kahit na-merge at na-revise nang fatale ay na-stage naman. At hindi lang simpleng staging. part ito ng 30th, mind you, hindi madalas magtapos sa Yeth ang mga anniversary, at pasok ito sa line up ng isa sa  decadesary production ng UP Rep, which is aptly entitled Trenta.

the controversial Trenta poster.

The company then decided to produce plays written by the bright members. sayang naman ang mga bright members then kung hindi iu-utilize, e through utilization naman nahahasa ang mga tao, at yung mga hindi naman nahahasa, panggahasa na lang and that is utilitarianism. So iyun. magki-Christmas Vacation na noon ng 2002. Nag decide ang mga resident members na sumulat nga ng tatlong plays. hindi naman ako nag-volunteer na magsulat. So, Shao, Sharon Rose Masula, the then Vice Chairperson for Research volunteered to write a play, at ang concept comedy. Ako naman, the then Posters and Programmes manager, thought na chance ko na ito. so sumulat din ako.

January the next year, meeting na at binasa na ang sinulat ni Shao. Sabi nila, “ay ang socially relevant, pero hindi masyadong nakakatawa”  Then ako din, kunwari hindi ako magaling, sabi ko in my very mahinang boses slash stage whisper. “May sinulat din ako.” tapos binigay ko yung print out. size 8 yata ang font ko nun at sobrang mininimize ang margins para tipid sa printing fee. Eight years ago, hindi pa uso ang laptop at USB sa tambayan namin. naka diskette pa nga yata iyun. so binasa nila. tumawa sila. then said, “ay nakakatawa, pero walang social relevance.” You see, whoever you are, mahalga sa UP Rep ang Social Relevance, dahil yunlang ang pinanghahawakan ng kumpanya. kailangang ang bawat plays na ipo-produce ay relevant sa social, i mean sa sociaety. Anyway, medyo naka friendship level lang ang approval sa sinulat namin ni Shao. Nick Joseph Olanka, the 30th anniversary chairperson, had the best idea and decided to merge the plays. Ipinasa niya kay Hany, Hanalet Ming Capistrano ang pagtutugma ng dalawang dula to merge and revise and it was a success.

Nabuo ang kwento ng isang theater group na pupunta sa Ilo-ilo para ipaabot sa mga masang tiga-there ang some social relevance. dahil gipit sa cashing, they had to ride a barko, Terry’s Ferry that is. But due to terrorism, sumabog ang pwitan ng barko. and the thrilling part is, na-lock an gcabin nila, at trapped silang pito. Walang pagkain, walang tubig at wala na silang ligtas, anu pa nga ba ang gagawin nila? Ayan, synopsis.

Matapos ang isang linggo, nabuo na ang mga tauhang sina Michael Joe, Chiqui, Victoria, Joey, Dan, Lisa at Anne. pero hindi tatayo ang mga ito kung mga pangalan lang. Kinuha ng company ang isa sa mga pinakapinagmamalaking alumni nito, si Josel Garlitos para magdirek. Nagpatawag ng auditions at sina Albert Cruz, Patricia Grace Siringan, Sharon Rose Masula, Jo-Harri Marasigan, Marc Pagcu and another Don Bosco Guy (both guests), Jeia Abarra and Princess Dianne Dagohoy and Macy Anonuevo and Emjae Kenedy got the roles respectively.

Prod teaser for Trenta with Jeia, some quitter guy, Emjae, Joe, Albert and Shao

Princess Dianne, Joe, Macy, the quitter, Albert, Shao

But the brilliant director had better things in mind. Kailangan, live ang announcer/voice over. at kailangang may entourage siya. Bumuo ng neo sexbomb ang director, comprising of Hany Capistrano as Rochelle and Roma Regala, Alou Galit and Markganda Lopez as the others. and with Lalai Magnaye as the Stage Manager, buo na ang Cruise My Heart Family.

Andaming issue about the play, as in andami, mahihiya ang asin sa dagat. kesyo pampatawa na naman ang mga bakla, put on lang ang social relevance at ang pinaka umf, private jokes daw lahat, at very UP Rep lang and what a narcissism. At  ang last show dahil sa sudden changes at ang major, sina Emjae at Macy ang parehong gaganap ng role na Anne, bilang conjoined twin. Pero dedma na lang. The team was so happy with the output, lalo na nang last two shows kung saan puno ang Dalisay Aldaba Recital Hall, to the point na sinabi ng isa sa mga advisers namin, si Boss Jojo (honorary member), na kung nagkasunog, walang lalabasan ang mga tao dahil punung-puno. Well, masama kami, pero hindi naman nagkasunog. Nagpray naman kami for safety. which is a powerful weapon by the way.

Lalo pang nagpataba ng puso namin ang appreciation ng mga audience. marami pala sa mga nanood nitong mga huling shows ay mga nakiki second viewing na.siguro mayaman talaga sila, or sobrang depressing ang mga panahon those days, pero kung anu mang dahilan, binalik-balikan ang shows. AT fans talaga ang mga ito. dahil sa pag cue palang ng first notes ng play, nagpalakpakan na sa excitement ang mga audience.

The Magic of the past. kanya-kanyang memory na iyan. if some didn’t see it this way, they must be blind. pero may chance pa namang patunayan kung gaano kasaya ang play na ito. This March 3 and the days to follow, ipapalabas muli ang Cruise My Heart Hope to Die, Dava, Dava?! sa UP Engineering Theater. Together with Albert Cruz’s Helen na Camalaniugan and Rene Villanueva’s Isang Dakilang Mamamayan ng Republika sa kanilang Major Production na Manila 3D.

Josel is back directing the new kids playing the memorable roles. At very challenging ito, dahil nasa kamay niya ang kinabukasan ng mga kabataan.

the new Cast of Crusie My HEart, Hope to Die, Dava, Dava?!
The New Victoria
The New Chiqui
The New Michael Joe
The New Dan
Anne is now an Al
The Gayer Joey
The New Stage Manager
The Boat is Sinking, Group Yourselves into three

Muntik na naming maisip na nagkaroon lang kami ng sabay-sabay na panaginip dahil walang ebidensyang nagkaroon before ng production na Cruise My Heart, Hope to Die, Dava, Dava?! Pero ngayon, ibang mga bata na ang makaka-experience ng sayang naihandog din naman namin sa amin gmga manonood those days. at kung hindi man nila ma-document maging ang produksyong ito, alam naman nating, mawala man ang lahat ng ebidensya, ang katotohanan at ang saya, katulad ng pagmamahal natin sa isa’t-isa ay mananatili dito. (pointing at the heart) at sa mga blog sties na ganito.

4 thoughts on “The Cruise is Back

  1. woot! congrats Abet!

    naalala ko when I watched this show. first UP Rep play that I watched back in college. hindi pa kita kilala as Abet. hahaha! ang tawag namin sa yo Michael Joe!

    I was about to say something about the ending, pero baka spoiler. or not. baka di na relevant yun twist na yun? :p

    good luck to you and UP Rep. I hope the audience appreciates this one as much or even more than how we appreciated it back in the day.🙂

  2. yey! thanks Ralph. Oo nga, naalala ko yung mga panahong tawag ninyo sa akin ay Michael Joe. hindi ninyo yata alam pero lagi iyun kinukwento ni Hasmin.

    At tulad din ng lagi naming sinasabi pagkatapos ng play. “Thank you for watching!”

  3. Alala ko ito nung college! Tawang-tawa ako dito!
    Nakita ko part sya ng Manila in 3D? nunuod ako! =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s