Ang Alamat ng Nauru… or ang Unalamat

Ang isla ng Nauru

Noong unang panahon, wala pang Nauru. Tapos nagkaroon nang maliit na island nation sa may Pacific Region better known as Micronesia. Tapos may dumating na mga birds at nag-iwan ng mga droppings nila doon for hundreds if not thousands of years. Tapos may dumating na mga tao, at sabi, “wow, ang liit na island, parang Nauru, dahil diyan tatawagin kitang Nauru.” At mula noon, ang maliit na isla ay tinawag na ngang Nauru. Tapos ngayon, ang bansang ito ay malapit nang maglaho. Hence. “unalamat.”

 

Naalala ko, way back when i was studying, kinukwento ko na may isang bansa sa loob ng Pilipinas. At ang lahat ng tao ng bansang ito ay nagkasya sa isang building sa Taguig yata, yugn Pacific Star. kaya’t pag pinasabog iyun, parang genocide na ang nangyari. Lately, from a talk, nalaman ko na may chance na may katotohanan ang kwento kung iyun na hindi ko alam kung kanino ko narinig.

Ang bansang iyun ay Nauru, and to correct my Alamat, it was actually called Pleasant Island nung unang Historical person na nakakita dito. Napakaliit ng isla, sobrang liit, ito ay kinilalang pinakamaliit na island nation sa earth. Dahil na rin sa mga migrating birds na dito jume-jebs for thousands of years, nagkaroon ng deposit ng Phosphate. Noong una, Germany ang nanguna sa pagmimina ng Phospate sa Nauru, mga early last century. Tapos, nakialam ang Bristish, bilang first historical people to be here and then Australia, hanggang sa maging independent ang Nauru sa kung sinu-sino pa. After nun, sila na lang ang nangalap ng Phosphate sa bansa nila.

Sobrang best ng Phosphate industry nila, hindi na nila kailangang magbayad ng tax. government na ang nagbabayad ng lahat ng pangangailangan ng mamamayan ng Nauru. kaya naman, keep on coming lang daw ang mining. Mayaman ang bansang Nauru, at naramdaman ito ng mga tao doon.

ganito ang pagmimina sa compare it to the picture later

Dahil ang mga mineral ay hindi nare-replenish na resources, napansin ng mga tiga-Nauru na after a hundred years of pagmimina, mauubusan sila ng industriya. At iyun nga ang nangyari. Sinubukan naman nila ang ilang bagay, like magtanim, pero dahil sa pagmimina, nalason na siguro ang lupa, hindi na ito maka-hold ng life. Kaya ang ginawa nila, ang mga natitira nilang cashing mula sa mining ay in-invest nila sa mga businesses around the world. Nagpatayo sila ng mga banks at buildings including the one sa Taguig, hence, ang Pacific Star. At iyun nga, the inevitable happened, mga unting panahon lang ang nakaraan since yesterday, hindi na kayang i-sustain ng mining ang kanilang bansa. Nalugi na sila. maging ang mga investments nila ay bumagsak na rin. Kumapit na rin sila sa patalim, to the that point. Literally, hinukay ng Nauru ang kanilang sariling libingan.

ganito na ang lupa sa malaking bahagi ng Nauru
mga naiwang batong kinuhaan ng nickel. tuyo na at medyo hawig sa picture previous to this.

Nakakaawa naman sila, pero kebs ba naman natin sa Nauru? Nagpakasasa naman sila sa yaman ng bansa nila, so mag-pay sila sa pag-aabuso nila. That is fair. or pwede ring hindi. But the unfair thing is, a similar case is happening in our country. The worse part is, unlike the people of Nauru who benefitted from their natural resources, wala tayong malay na ang mga yaman ng bansa natin ay nauubos at ang biyaya ay hindi natin nararamdaman.

Alam naman nating ubod yaman ng Pilipinas, at sa mga hindi nakakaalam, nandyan ang google, paki-google. At ang likas na yaman na yan ay minimina na nang kung anu-anong bansa. Let’s focus on Palawan. alam naman natin kung nasaan ang Palawan. Ito yung arms ng Pilipinas sa mapa. Bukod sa biodiversity, limpak-limpak na nickel ang nandoon. at ito ang pinuputakte ng mga dayuhang mining companies.

Palawan yung islang na parang braso ng labandera
yung napakaliit na thingie ay isang truck, so imagine na lang kun ggaano kalaking part ng palawan ang nahukay, isang corner pa lang iyan.

At ang kaibahan pa nga sa Nauru, ayaw ng mga tiga-Palawan ng pagmimina sa kanila. hindi sila naaambunan ng kinikita ng mga minahan. Hindi tulad ng Nauru, tutol ang mga katutubo ng Palawan sa pagmimina dahil ang agrikultura talaga ang kinabubuhay nila doon, at nasisira rin ng mga minahang ito ang kanilang tunay na kabuhayan. Tumutol man sila nambongga, walang nakikinig sa kanila, at patuloy pang dumarami ang kalaban nila.

Hindi ba’t napakanipis na island ang palawan, pero huwag ka, as in don’t you. Mahigit tatlong daang mga mining applications ang nagsisiksikan doon. Imagine your nose na may three hundred na pimples, parang ganun. Hindi ba’t eventually, kung hindi mawawala ang mga pimples, mawawala an giyong ilong. So choose, ang pimples or your nose? Ang mga minerong dayuhan o ang Palawan?

And if you choose your nose and Palawan of course, pirma na sa petisyon para itigil ang pagmimina sa Palawan dito http://www.no2mininginpalawan.com/

Huwag nating hayaang maging alamat na lang ang napakagandang Palawan, isang alamat, isang kwento na lang.

 

 

(Yung mga pictures, hiniram ko lang sa internet. Thanks ha.)

4 thoughts on “Ang Alamat ng Nauru… or ang Unalamat

  1. i love the pacific star na twist! at ang pailalim na atake ng advocacy. Itigil ang unsustainable na pagminina di lamang sa Palawan, kundi sa buong bansa.

    JUNK THE PHILIPPINE MINING ACT OF 1995!
    OPPOSE IMPERIALIST MINING!

    1. Sabi sa amin ni Gina (close kami) uunahin lang ang Palawan because it’s an easy sell, pero susunud-sunurin naman talaga yang mga unsustainable mining na iyan. hehe, ang safe ko sa ibang miners ha, may “unsustainable” akong adjective. hidni ako naglalahat.

    1. Why of course. ahi. akshali, hindi masyado. ito lang yung mganaalaal ko doon sa talk na ginawa ni Gina Lopez. alam mo naman ako, may kapasidad na gawing parang ako talaga ang lumikha ng mga bagay-bagay, ahi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s