Aling Pag-ibig Pa ni Pete Lacaba

ALING PAG-IBIG PA

Aling pag-ibig pa
Ang hihigit kaya
Sa pag-ibig ko sa iyo,
Bayan ko?
Sa hirap at ginhawa,
Sa ligaya’t dalita,
Ako’y kasa-kasama mo.

Kung ang gintong palay
Ay kumakaway,
Katabi mo ako sa bukid,
Bayan ko.
Kung tigang ang lupa
At di ka makaluha,
Ako ang magdidilig.

Kung ang bulaklak
Ay humahalimuyak,
Igagawa kita ng kuwintas,
Bayan ko.
Kung namiminsala
Ang bagyo’t baha,
Ako’y may kubong ligtas.

May pag-ibig pa bang
Higit na dakila
Sa pag-ibig ko sa iyo,
Bayan ko?
Wala na nga, wala.
Wala na nga, wala.
Wala na nga, wala.

Sabi ng nanay ko, ito daw ang paborito niyang kanta noong panahon ng EDSA revolution. saan kaya may mada-download?

In fairness, gawa pala ito ni mang Pete Lacaba. isa sa mga paborito kong manunulat.

PS.

Dahil araw ni Bonifacio ngayon, or kani-kanina lang, hinanap ko ulit ang kanta at nakakuha ako sa YouTube ng kopya. Ito, para sa bayan at sa gintong palay na kumakaway.

 

Parang Adaptasyon ang liriko nito sa tula ni Gat Andres Bonifacio na ito

“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay

Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag

Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala

8 thoughts on “Aling Pag-ibig Pa ni Pete Lacaba

  1. Pareho tayong naghahanap ng kantang ito. Nung nasa kolehiyo ako, naging kanta yan ng mga aktibista. Naging theme song ng isang commerical. Kinanta daw ni Pat Castillo, pero wala rin akong mahanap na record o chords ng kanta. Kung may update ka, abisuhan mo naman ako ha. Salamat.🙂

  2. May version ang GMA nito na ginamit sa serye ng ang titulo ay ” Landas ” napanood ko kagabi kaya hinahanap ko din ang kantang ito. totoong tagos sa aking buto ang kahulugan ng kantang ito.

  3. Napakagandang kanta. It gave a spark in my heart. Salamat Pete Lacaba !!!!! Equal admiration to Jose Buenaflor Jimenez Mabuhay!

  4. Pati ako, naghahanap din ng mp3 nito. Naging musika pa ito noon ng isang patalastas ng isang bangko noon sa tv.

  5. No Capo or Capo 6

    Intro: Am E Am

    Am E F C
    F C E Am

    Am E F C
    F C E Am

    Am E F C
    F C E Am

    F G C Am Dm E Am

    I tried combining all of these in one night. I’m sorry if it’s not that great, enjoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s