Congratulations! the UP Repertory Company!

Isang Pagbati sa the UP Repertory Company para sa isang matagumpay na produksyon! Ang Manila in 3D.

Natutuwa ako at unti-unti, nakakabangon na ang kumpanya sa mga nakaraan nitong problema. Nasa tamang tahakin na kayo, sa mahusay na pamumuno ng inyong Chairperson, mukhang magtutuluy-tuloy na ang muling pamumukadkad ng ating mahal ng org/company/family.

Una, sa maraming members. mahusay ang paraan ninyo ng pagpaparami ng members. Masaya na ulit ang likod ng Vinzons tuwing hapon dahil marami na ang nakatambay. Magulo na muli ang mga genmeet. Sa mga members na ito magsisimula ang mas magagandang gawain ng kumpanya.

Pangalawa, ang produksyon. Mahirap gumawa ng produksyon, at hindi ibig sabihin na nakatapos kayo ng isa ay matagumpay na ang nagawang produksyon. Aaminin ko, binabaan ko ang expectations ko para ma-satisfy sa naganap na mga shows. At mabuti naman ang ginawa ko. Hindi ako nainis sa kinahinatnan.

Pero okay lang iyun, mabuti nang magkamali sa umpisa at matuto sa mga iyon. mukhang sumugod agad kayo sa digmaan na kulang-kulang ang armas, sa susunod hindi na ninyo iyun gagawin. Sa giyera na kayo natuto, at okay lang iyun. hindi na iyun mauulit. Panahon na upang ang maraming members ay maging maalam na sa teatro. Marami na kayong natutunan sa produksyon, at tiyak kong marami pa kayong matutunan, una sa pag-aaral ng teatro at ikalawa, sa pagpa-practice nito.

Parang isang malaking tula-dula lang ang ginawa ninyo sa produksyon. Isang Tula-Dulang inimbitahan ng isang friendly org. Sa susunod, okay lang na  itrato ninyong Tula Dula pa rin, pero sana, Tula Dula para sa mga bonggang invite. sa Tula Dula tayo nagmula, doo din tayo magpayabong. I-best ninyo ang susunod na prod. at bilang gift ko. ito ang first part ng Cruise My Heart.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s