Sa sariling pakikidamdam

Isa ito sa mga pagkakataong hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

Marahil sa dami nang salitang natutunan ko. o taong nakilala ko, buhay man o hindi, totoo man o hindi. sa mga naranasan nila, sa mga inasahan ko sa kanila. marami na akong naramdaman.

ngunit may mga pagkakataong ako na lang ang dapat makaramdam. hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

marahil ang pagsulat nito ngayon ay tulad ng mga una kong sulat. may takot. ayaw magpakilala. ayaw magpatanggap. ngayon, sinusulat ko pa lamang ay nababasa ko na ang pagtatago.

napahiya na ako. alam ko na iyun.

natakot na ako. alam ko na iyun.

naging masaya. nalungkot. nagulat. nasakatan. nagmahal. alam ko na iyun.

pero iba ito. hindi ito tulad ng pangambang may kasamang pagbabago ng kemikal sa loob ng katawan.

Hindi ito galit na mabigat sa dibdib.

o pakikipaghiwalay na masakit sa puso.

ang mga emosyong iyun ay may kaakibat na sakit.

ito ngayon, ako. wala. blanko.

kung kasinungalingan man itong panahong ito. sigurado ko hindi. dahil sa maraming bagay nagsinungaling ako. sa aking sarili nagsinungaling ako. pero sa aking nararamdaman. dito ako laging tapat. kung galit ako. galit ako at kung matapos ang isang oras o minuto, hindi na ako galit ang bawat pagkakataong iyun ay totoo. dahil sa mga kasama ko, nagsisinungaling man ang bibig ko, pero naipapakita ko pa rin ang tunay na nararamdaman ko. alam ko iyan, dahil diyan, nagkalamat ang pinakaiingatan ko palang pakikipagkaibigan.

Kung mahal kita ngayon, iyun ay dahil mahal kita. at kung nawala iyun nang ilang saglit. marahil nawala talaga iyun. ay kung nagbalik man iyun. nagbalik talaga. totoo ang nararamdaman ko sa bawat pagkakataon.

ngunit ano ito ngayon. ano ang aking maramdaman? o ang mas tamang tanong. ano ang aking dapat maramdaman?

tulong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s