Bawas-Bawasan ang Buwis Bill

Naging mabuti naman akong mamamayan ngayong taon. Hindi ako nagnakaw. Hindi ako pumatay ng tao. Wala akong nilabag na batas na nagdulot ng trahedya sa buhay ng iba, mahal ko man o hindi. Nothing… that they know of. And to top all of those, nagbayad ako ng buwis. Nag-compute ako dun sa pink na papel, pumunta ako sa kinauukulang ahensya, pumila, at iyun, naipasa ko ang aking form na lumabas sa computation ay bayad na ako at may utang pa sa akin ang pamahalaan.

Hindi na naman ako mababayaran ng pamahalaan sa utang na iyun. Sabi ni Mang Manny, ibabawas na lang daw sa tax ko nekshir. okay na naman ako doon. Sobra pa pala ang witholding tax na kinakaltas sa sweldo ko buwan-buwan. Sayang naman, mae-enjoy ko pa naman ang almost 4kyaw na iyun.

Taxpayers rush to the Bureau of Internal Revenue to file their income tax returns on the last day of filing yesterday. EDD GUMBAN

Actually, okay na ako. it was a fun experience, filing my income tax chumembolin, hindi ko pa alam kung anong tawag technically doon, basta nag file na ako. May naisip lang akong isang bagay noong isang araw na magkita-kita ulit kami ng barkada ko. Nagkwento siya noong experience niya noong college, na naholdap daw siya. Wala namang nakuha sa kanya dahil umiyak siya at na-frustrate ang holdaper. Kaya yung relos na lang nung manong sa harap niya ang tinarget.

Hindi ko naman naisip na na-holdap ako ng BIR. Naisip ko lang e paano na ang sitwasyon nung manong na naholdap. O ang mga taong higit pa sa holdap ang naranasan, tulad nina Pilar, nagbabayad din naman sila ng mga tax. i dont know how much pero sa palagay ko, nagbabayad naman sila.

Para sigurong walang patutunguhan ang mga premises na inilatag ko, pero meron, wait lang. alam naman ninyong hindi compose ang utak ko kapag nagsusulat. Buhos lang nang buhos. At kung first draft ang mababasa ninyo, malamang, mababasa pa ninyo ang part na ito.

So anyway, noong mga panahon na lang kasi ko na-realize, nalaman, or nag-dig in talaga sa akin ang mga bagay-bagay ukol sa tax. Ang tax na binabayaran natin ay para sa mga basic services na makukuha natin sa Pilipinas. Diyan kinukuha ang binabayad sa mga pulis, sundalo, mga public teachers at doctors, at of course, sa mga politicians. Dedma na muna sa mga politicians dahil isang mahabang diskusyon iyun and i dont want to go there. Doon na lang ako sa pulis at sa basic service nilang security.

With us paying the taxes and the taxes going to the police-people, we can say na tayo ang nagbabayad sa mga pulis.  Binabayaran natin ang serbisyo ng mga pulis. Kung isang pribadong negosasyon ang magagawa, maaari tayong kumuha ng karpentero at bayaran siya para sa serbisyo niyang paggawa ng bahay. Kung hindi magawa ng karpintero ang bahay, dapat ba siyang bayaran? Ganun din ang tanong ko sa pulis, kung hindi nabantayan ng Pulis si Pilar kaya siya napunta sa ganoong kompromiso, dapat ba siyang magbayad sa pulis?

Wala namang magagawa ang mga tax payers dahil hindi naman sila ang direct na nag-hire sa sangkapulisan. Wait, hindi against the pulis itong blog ko ha, please dont get me wrong. tungkol ito sa pinupuntahan ng tax in general. Going back, so paano na, ganun-ganun na lang. yung binayad para sa serbisyong pumalpak, wala nang bawian?

And this is what i am proposing. since nakita ko sa BIR form na may mga tax exemptions, parang feeling ko lang, magkaroon ng discount, tax exemptions ang mga taong nakaranas ng crime, caused ng kapabayaan ng mga pulis. And other public services from the government. Kung hinarass ng teacher ang isang student, kailangang mabawasan ang tax na binabayaran ng parents niya. Or hindi naman ganoon kabastos, kung walang libro ang isang bata sa school, dapat, bawas ang tax na binabayaran ng nanay niya. since libre ang edukasyon supposedly, ang pondo sa libro ay nanggagaling sa tax  (im thinking of a single mother here).

Other than that, kung bumaha sa isang lugar, dahil sa barado ang estero, people of that area should have deductions from their taxes. Granted na kasalanan nila ang pagtatapon ng basura, pero hindi ba’t tungkulin ng barangay, or local government nila na panatilihing walang bara ang esterong iyun? Anumang paraan, trabaho nilang disiplinahin ang mga nakatira sa paligid ng bumabahang lugar na iyun. At ang basurang itinapon doon, hindi ba’t dapat ay kinokolekta ng magbabasurang binabayaran din from tax? At ang mga barangay tanod, sila dapat ang nagtatanod ng mga estero para hidni matambakan ng basura?

Akshali, sa mga personal pa nga lang ito. wala pa ang mga establishments at mga businesses.

Other than sa services. Napupunta rin sa infrastructures ang tax. at since mamamayan ang nagbayad nito. mamamayan din ang pwedeng humingi ng request kugn anong infrastructures ang ipagagawa. kunwari, kalsada. Since tiga Marikina ako, pwede akong humingi ng ilaw para madidilim na kalsada sa Parang, Marikina. (that;s a place not a parang as another part of speech like like). At habang hindi ito nailalagay, dapat mabawasan ulit ang binayaran kong tax. Ganun din sa mga kalsada, as long as wala ang sementadong kalsadang hinihingi ko, hindi dapat singmahal ang binabayaran ko.

Marami pang pwedeng magign exemption sa tax na pwedeng ilagay. pwedeng maglagay ng check box doon sa form. which i will try to add here some other time. makagawa nga. basta, next time.

Basta iyun lang. sana lang maging fair lang ang mga binabayarang niallang sa mga nagbabayad sa kanila. We working class, pay our dues, our taxes and we should get things and services from that money. And if the kinauukulan can not give back as much as what we are paying, kung kulang sa kalidad ang serbisyo, e bawasan din nila ang sinisingil sa atin. and if they are good naman, which i think they are, then its fine, but if they fail on doing their jobs, resulting to loss from someone, then that someone’s lost must be compensated.

Iyun lang. fairness pa rin naman ang wish ko as always. Marami naman sa tingin ko ngayon ang naging mabuting mamamayan. dalawa na kami ni Melo na kasabay kong nag file ng income tax. sana naman, maging mabuti rin ang kalagyan ng tax na binayad pala namin, at ang services na katapat nun.

2 thoughts on “Bawas-Bawasan ang Buwis Bill

  1. Naging mabuti rin akong citizen, as i always am every year. And this year sobra-sobra pa ang tax na binayaran ko, to the point na halos wala akong swelduhin para lang mabayaran ang tax.
    Ang problema na nilalatag mo ay may kaugnayan sa efficiency ng paggamit sa taxes na nalilikom ng gobyerno. Responsibilidad nila na magbigay ng mga basic services ngunit ang problema ay hindi efficient at effective ang mga ito. Kumbaga sa economics, mababa ito sa PPF.
    Hindi ko alam kung sasang-ayon ako sa mga tax emeptions, dahil kung mababawasan pa ang tax na binabayaran natin, baka mas lalong wala tayong makuha sa gobyerno. Pero mukhang papunta na naman sa argumento ng corruption ito, and we know that with corruption losing argument na, corruption is a given.
    Ang question ko is, for example, I pay high taxes pero hindi ko ito nakikitang nare-reflect sa Cubao. Paano yun? Kailangan ba na sa mga lugar na walang progress mas maraming exemptions? O dapat putulan na lang ng mga daliri ang mga pulitiko sa mga lugra na iyon?

  2. gusto ko yung putulan ng daliri. alam mo, pag yumaman talaga tayo, magtayo nga tayo ng school for the gifted and the assassins. kwento ko sa iyo kung paano next time, or busisiin natin sa bolinao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s