A Song For You

Ito yung mga moments na you don’t know what you are feeling, or you dont want to admit what it is, in some cases. Pero somehow, you are singing songs, na hindi mo naman narinig kahit ilang araw na ang nakaraan. Ibig sabihin hindi siya bahagi ng iyong last song syndrome collection. Marahil, ang kantang ito ay may kinalaman sa feelings na hindi mo maintindihan. O ang tinatago mong nararamdaman ay kusang bumubulwak sa pamamagitan ng isang kanta.

First time ko ito ma-realize noong late teen years ko. Magkakasama kaming magkakaibigan na naglalakad. Hindi lang kami dalawa, pero para sa akin, isa lang ang naalala kong kasama ko. Sa mga panahong iyun, hindi mahalaga kung sino man ang iba pa. Siya lang. Iyun, naglalakad kami. magka-side by side, pero hindi magkahawak ang kamay. Tapos bigla na lang isyang kumanta. Aba, Celine Dion ang tinira, or Nina na kung version ngayon. si Ka-side by side ko, kumanta ng “wish i could be the one, the one who could give you love.”

Tumuloy lang kami sa paglalakad. HIndi tumigil ang paa ko kahit nakataas na ang kilay ko at nanlalaki na ang mga mata. “The kind of love you really need…” tuloy lang siya. Ako naman ang tumigil. “Bakit mo kinakanta ‘yan?” tanong ko.

Ngumiti siya at hindi na tinuloy ang pagkanta. Napahiya siguro dahil sa baba ba naman ng boses niya, tumitira ng pang diva. Ngumiti lang din ako. Ayoko nang i-expound ang observation kong iyun. Ayokong masaktan sa kalsada. Hindi niya lang siguro alam, pero iyun ang gusto niyang sabihin sa akin,

Tuloy lang kami sa paglalakad. Sa UP nga yata ito, iyung mahabang lakad mula sa Krus na Ligas gate patungo sa acad oval patungo sa Vinzons Hill.

HIndi ko namalayan ako na rin napakanta. “You called me from the room in your hotel…” tapos dun pa lang. Tumigil na ako. Tinanong ko na agad ang sarili ko, shet, bakit ito ang kinanta ko. Ayaw ko man aminin. Kasi, siguro. na-establish ko na naman na nasa kalsada talaga kami. o kahit kung nasaan pa man noong panahong iyun. Alam kong papa-Separate Lives talaga ang patutunguhan namin. At ayokong masaktan. Malas ko lang. attractive ako sa mga bagay na ayaw ko. Hence. it was painful. Was. Teen years ago.

Pero ngayong gabi. i caught myself singing again. not from a any archive of a possible LSS. and this is it. Hit it Dulce.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s