Tuesdays with Morie

Category: Books
Genre: Romance
Author: Mitch Albom
A pretentious love supplement with life lessons as a front and a homosexual love story in between the lines.

Ni-reco ng gkapatid ko yung book dahil sa kanya talaga iyon, last year pa, though college pa lang ako ay parang may book club na ang mgas friends ko kapag pinag-uusapan nila kung paano sila naiyak sa kwento ng isang teacher at isang estudyanteng na-reunite sa panahong nauubos na ang hininga ng isa.

Hindi ako naiyak pero kung sasabihin kong hindi ako na-touch ay unfair. of course i was touched. love story rin ito. pero hindi ko kailangan. the book tells so much a lot about love and living with it. naniniwala ako ng sinabi niyang “love or perish.” naisip ko ngangn kaya naghihirap ang PIlipinas dahil walang love ang mga namamahala dito. lalo na ang pangulo, pero later na sa social reli. tama rin si Morrie nang tinanong niya kung ano problema sa pagiging number 2. ganun din sa way ng pagdetach sa emotion kung paano mo siya kailangang namnamin to the fullest bago mo siya malampasan. pero alam ko na kasi ang mga ito prior sa pagbabasa ng book. ntututunan ko na ang mga aral na ito ng buhay before-before pa. pero more than this, hindi siguro ako naiyak dahil naka-head phone ako at ang tugtog ay apol botom jins and buts with per…per.

Bakit pretentious? dahil hindi sinabi ng author kung ano ang kulang sa buhay niya. Naiintindihan ko si Morrie. malapit na siyang mamatay at gusto niyang magmatter bago ang mangyari iyon. Pwede ring kailangan niyang ma-distract para hindi makain ng mga nega thoughts ang maganda niyang tingin sa life. pero si Mitch Albom, yung pagkakapresent kasi sa life niya ay perfect na. parang,

“hoy Mitch, ano bang problema mo? sinabi mo nagi kang sports writer to the point na naging importante kang bahagi ng sports community sa state mo. nagkaroon ka ng gusto mong bahay at papalit-palit ka ng kotse. mayroon kang isang asawa at wala kang sinabing ibang affair, meaning healthy ang relasyon mos a asawa mo. at kayang mong mag-eroplano once a week, meaning mayaman ka. tapos ang cover mo…a dying man taught a young man to live? you meaning to say… hindi mo pa nali-live ang life mo with all of that’s entertainment? para kang tanga.”

Then it came to me. if his life is that perfect and he was still taught how to live after all he had achieved, mayroon siyang problema. may bagay siyang hindi kayang bilin ng pera. ang tunay niyang kaligayahan. since ang nagturo sa kanya kung paano mabuhay ay ang kanyang teacher at hindi ang kanyang asawa, malamang, may ganap kay Morrie at Mitch higit pa sa nakasulat lamang sa libro.

Ilalagay ko sana sa genre na gays and lesbian yung article pero mas gusto ko siyang kilalanin bilang romance dahil hindi naman exclusive sa mga straights and crooked ang konsepto ng love.

ReviewReview

2 thoughts on “Tuesdays with Morie

  1. nakakaloka yung review mo ‘te, pero may something nga with this book — parang gusto ka niyang paiyakin, hindi siya masyado subtle — or is it because alam natin ang ginagawa niya na-set up masyado kaya nakaka-iffy?

  2. parang yun nga siguro. alam nating ginagamit tayo ng potiion/formula. tapos alam naman natin na pag ganun, nilalabanan natin. or ko. bilang control freak ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s