Happy Independence Day 2011

kahit hindi ko alam what to be happy about

maybe the cover of today’s Philippine Daily Inquirer

o ang nasa loob na balita tungkol sa Amaya, na akala natin ay base sa kasaysayan ng Pilipinas with all the jargons. But no. No-no pala siya sa mga nabubuhay na anak ng mga ninunong kanilang tinangkang bigyang katauhan. ito yung article. http://entertainment.inquirer.net/3120/culture-scholars-say-%E2%80%98amaya%E2%80%99-is-inaccurate-misleading

anung sabi ni Amaya? Ang mahirap sa isang narrative na nagsasabing historical sila, hindi pwedeng magkakaroon ng butas.

Good Job PDI. hehe!

Going back to the Kalayaan Day Today, isama na lang ninyo ako sa mga naniniwalang hindi pa tayo malaya. Pero i’m not with those na sakop pa tayo ng Amerika, with all the colonial mentality na naiwan nila. Or we still are under the bondage of kahirapan. Well both are true pero how platitudinous.

Maybe because we still cant let go of the Spratlys Island. Or maybe because we still cant decide on divorce and rh bill. Among other issues.

The latter, my god, how can we have a sariling government kung nakikialam forever ang mga fans club ni… god. Please free the state from the charch. OMGod.

And about the Spratlys. Sorry Philippines my Inang Bayan, pero my opinion is not so popular. Let’s just go of the island. Wala naman tayong laban sa China kapag ni-gyera nila tayo. Kung nagkalat ang mga muchachang pinoy all over the world. Nagkalat din ang mga intsik all over the Philippines. Kaya kung kaya nating sakupin ang Earth with our greatest export, kaya rin tayong sakupin ng mga chinese in a blink of an eye, kahit gaano pa kalaki ang eye na iyan. Praktikalidad lang. After all, hindi ko nga alam kung paano magagawan ng paraan ng Korea at Japan at sama na rin natin ang Amerika sa sarili nilang interest sa islang ito. Hindi ko alam kung paano nila make-claim ang mga islang ito, geographcally-wise.

Atsaka ano naman ang gagawin natin sa Spratlys? Tengene, huwag ninyong sabihing baka may oil reserve underneath it all. sige meron, so ano naman? Una, sino makikinabang? Kung makuha man ng Pilipinas ang langis sa ilalim ng mga islang ito, mapapasa-Pilipinas ba ang pag-aari ng langis na ito? Malamang for a while, tapos ibebenta rin sa private companies, at ang kumpanyang ito, chances are, part-Chinese din at pagdating ng panahon, mago-open sa investor na mga Chinese din. Pero uy ha, hindi ako galit sa mga Chinese. I’m part intsik as well, sa father side, and part Sepoy sa Mother side.

Pangalawa, bababa ba ang presyo ng langis kung makakuha ng langis sa Spratlys? Dyaskiduy. Nagawa ng langis ang tubig sa Pilipinas, pero anung nangyari sa imbentor nito? hindi kinilala. at ang imbensyon niya, nabenta rin sa ibang dayuhan. Hindi nga lang sa Chinese. German yata. Muntik na nating ma-achieve an gpinakamababang presyo ng langis ever, pero hindi naman naisakatuparan.

Kaya huwag sanang maisip na sayang na source of anything ang Spratlys. Madaragdag lang iyan sa kayamanan ng Pilipinas na nasasayang, or better be said na pinagkakakitaan ng mga dayuhan.

So instead na nakiki-claim tayo sa isang islang isla for its kayamanan. Migod, focus na lang tayo sa kayamanang hindi na mananakaw sa atin, and i’m not talking about knowledge here. Iam talking about the resources na hindi make-claim ng ibang bansa dahil noon pa man ay pag-aari na ng Pilipinas, like Luzon, Visayas, Mindanao. Focus guys. Ano ba ang langis kumpara sa ibang minimina sa buong bansa?

Hayaan na lang natin ang mga Chinese, Korean at Japanese at kung may mga western nations pang nagke-claim. Sila na. Pero alisin natin ang mga bansang iyan sa loob ng PIlipinas. Pero hindi “Oh, Chinese, get out of my country!” Hindi naman ganun. Alisin natin ang mga minerong intsik sa Cagayan na sumisira ng Cagayan River sa pangunguha ng Black Sand, na anung bunga, pagbaha sa lugar na iyun. Pati na rin ang mga foreign miners sa Palawan na sinisira ang napakanipis na isla. Ibigay na natin sa kanila ang Spratlys pero paalisin natin sila sa pagsira ng ating bansa.

No, dont get me wrong again. I’m not saying no to mining. Pero gawin nating pag-aari ng Pilipino ang pagmimina sa Pilipinas. Kung masira man ang Palawan, at least Pilipino ang nakinabang. Huwag nating sabihing wala tayong sariling equipment. May pambili tayo. Isailalim sa gobyerno ang mga pagmiminang ito, at bantayan. Mayroon tayong sariling kakayanan.

Iyun ang kalayaan sa tingin ko. Ang pagtayo sa sariling paa, at hindi ang pag-asa sa iba.

Philippine Flag. kuha ko ito mula sa Marikina Sports Center. ahi! walang point.

BTW, please join me in the petition in stopping the foreign miners in Palawan. please sign here. http://no2mininginpalawan.com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s