Falcon, not a bird but a storm and the response to it.

Nakakataba naman ng puso ang mga text messages na natanggap ko noong nakaraang linggo. Andami rin palang nag-aalala sa amin. Siguro magiging ritual na ito parang birthday, pero this time, hindi happy birthday ang text kundi baha na ba sa inyo?

Alam mo naman ang Earth, lately very unpredictable na. Kaya naman nung sinabing hindi dadaan si Falcon sa Pilipinas, like maghe-hello lang daw, medyo okay lang naman ako. Pero dahil sa attractive itong si Falcon, my god, producer ito ng mga M2M, iyun, na-attract sa kanya si Habagat. iyun naman. nag-coppulate yung dalawa at nag-cause  ng major baha all over the metro.

Lately, synonymous na ang salitang baha at Ondoy, pero medyo nasa superlative function ang Ondoy specially in our city, like “baka ma-Ondoy ulit tayo.” Ganyan in a sentence. Nung paparami na nang paparami ang mga places ang binabaha ayon sa News, the eyes went all in Marikina. hence, the text message. But unlike dun sa mga ibang binahang parts ng Metro, ibang klaseng baha naman kasi ang nararanasan namin dito sa Marikina. Yung mga parts ng kalsada, like sa EDSA, sa Araneta, or maging sa mga areas sa Cainta, bumabaha doon dahil naiipon ang tubig sa lugar. Sa amin dito, parang River Nile lang, na umaapaw ang ilog, iyun ang konsepto namin ng flood. At same as the Nile, medyo regular basis ang pagtaas na ito ng ilog. alam mo naman, para sa mga crops noong unang panahon.

So dun sa mga nasabihan kong don’t panic, sana huwag isiping inanderestimate ko ang situation. Living here near the river since 1994, medyo alam na dito sa amin kung paano magreak sa pag-apaw ng ilog. sabi kasi dati, every ten years daw iyun nangyayari, though nagiging mas madalas na nga lang. Kaya kung iisipin, jam-jam lang itong bagyong Falcon + Habagat compared to the before.

With all that said, sa tingin ko, medyo naging sensationalized ang mga balita sa Marikina nitong nakaraang linggo. At dahil din dito, naging pogi ang mayor ng Marikina dahil sa pinakita nilang kahandaan. Wala namang masama doon, okay lang. Or not. Or I Don’t knnow. parang ayoko kasing maging masama habang parang naging successful naman yung preparedness ng city government. Parang walang casulaties so success,

hindi ko nga lang ma-pin point kung saan ako iffy. is it because dapat naman talaga sana e wala na itong mga evacuees sa mga lugar nila. di’ba napag-usapan na noong Ondoy na aalisin na yung mga bahay na naaapektuhan ng pagbaha at ililipat na sa mas mataas na lugar? bakit meron pa rin? nakakatakot nga lang kasi kung tinuloy ito, maaaring tamaan din ang subdivision namin ng tanggalan ng bahay. Pero yung mga shanties, alam ko nilagay na sa laguna iyung mga iyun, pero parang meron pa rin, kasi kung wala, sino yung mga pumunta sa school at naging refugee for some days?

Iyun lang sa Marikina, hindni lang over praise, kasi hindi naman bongga yung bagyo para sa bonggang preparedness, pero okay pa rin. siguro i’ll give Marikina 3 stars.

ReviewReviewReview

Though it naman sa Marikina lang. banggitin naman natin iyung mga binaha in a different concept, yung hindi tinaasan ng ilog pero naging basin ng water. iyung mga kalsada diyan. Naku, paano ba ito. ito dapat yung mga tinatanong na, hindi ba kayo natuto sa Ondoy? Ang sa tingin ko kasi, kaya binabaha ang mga ito dahil hindi gumagana ang drainage system. pero parang after Ondoy, hindi pa rin naayos ang mga kanal. Iyun lang, parang wala silang karapatan magkaroon ng baha sa areas nila. So to those places, your local government, i’ll give you no stars.

around 1:30 june 24, 2011. dulo ng compound namin, at kita na yung pagtaas ng ilog
yung mga nakapayong ang mga barrio lass na residet tiga-tsismis at tiga taas ng panic level sa area
nagbi-bleed na yung mga walls namin. parang pumapasok na yung tubig ulan sa loob ng bahay. second floor naman ito, so nega sa panik
mga alas onse, pumunta na sa looban namin yung tubig. hindi pa rin medyo nagpapanic na yung mga neighbors namin dahil papasok na sa bahay nila ang ilog. at matindin glinisan ang katapat nito for the next day
keep on coming ang pagtaas ng tubig hanggang midnight
bantay si itay sa harapan namin kung papasok sa bakuran namin ang baha. at nung dumikit na sa unang step ng house, nagpaakyat na rin ng gamit. teh, pinabuhat sa akin yung TV. hindi flat screen.
around 2am, tumigil na sa pagtaas ang ilog. iyun, natulog na kami. the next day, tulog pa rin. at ito, magulo pa rin ang kwarto. ahi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s