Bakbakan sa/ng Billboard!


"The road is in the center of Metro Manila," kaya bawal daw. nyak, Cubao kaya ang sentro.

Sayang naman at hindi ko sinundo si missus ko sa work niya sa Makati para na-avail ko man lang itong wall of abs sa EDSA Guadalupe. Ayan, tatanggalin na. Sabi sa balita which is from ABSCBN news, na ma-kowt ankowt ko, “Hindi ko pinapaalis. I am just requesting advertisers to have it removed.” Wika ni Mayor B iyan. Hehe, naalala ko yung sinabi ko sa teacher ko nung highschool nung kinwestyon ang exclusivity ng barkadahan namin. “Hindi naman kami exclusive, it’s just that kami-kami lang.” At hindi ko ulit alam kung anong F of speech ito, what a paradox.

Pero ano ba talaga ang issue ng Billboard. HIndi naman kasi ito ang unang pagkakataon na nagpatanggal ng Billboard. Maraming issues na rin ang nahain kung bakit dapat mawala ang mga ito. Una na ang pagiging haggard, i mean hazard to the public na nabi-bring up lang tuwing may bumabagsak every bumabagyo, then after the sun shines, parang incy-wincy spider lang, went up the water spout na.

Naging issue rin bawal talaga ang mga billboards sa EDSA dahil ang EDSA ay isang banal na lugar sa mga Filipino, bilang EDSA ang root word ng EDSA Revolution. at ayon sa batas, bawal ang billboard sa mga lugar na sagrado.

And sige, ilabas na rin natin na dahil nga sa mga bata. “May Billboard, TAKPAN ANG MGA MATA NG MGA BATA!” MG ha, as in My Gad. ANopa ba ang hindi nakikita ng mga kabataang nasa Maynila ngayon? Sa bagay, baka ngayon lang din nakakita ang mga ito ng mga lalaking naka brief. Hindi naman sa hindi ako conservative, pero issue siguro ito kasi lalaki ngayon ang nagpakita ng laman at naging object, kasi noon pa naman andami ng babaeng ganito ang atake sa billboard. Hindi naman naging issue. Let’s take it from http://sexybillboards.blogspot.com/ at iyun na nga ang mga girls in their panloob din.

Angel Locsin, with her peeping saksi
Venus Raj

Kaya kung fairness at fairness lang ang usapin, parang unfair. Mabuti at madaling kausap ang Bench or ang humahawak ng campaign na ito for them at tinanggal naman nila. Sa bagay. nagawa na rin naman nila ang gusto nilang mangyari at naipakita ang gustong ipakita. of course, hahanapin na sa google ang mga pics na iyun. at ang binebentang kalendaryo sa halagang 69 pesos na walang bahid ng kabadingan, alam nang magiging mabenta.

Higit pa sa usapin ng billboard. mahalaga ring tingnan natin ito bilang status ng mga pilipinong atleta. kung titingnan, Kailangan pa nilang magbenta ng laman in a form na you can look but you can touch (or you can), para lang makakuha ng suporta. At hindi pa sa pamahalaan ang direktang hinihingan ng tulong. Ang private citizens pa. Marahil ay jaded na sila sakakayanan ng gobyerno, or feeling nila, hidni sila charity case para lumapit sa PCSO, pero iyun pa rin iyun. Paano naman yung mga Javelin throwers natin, or yung mga nagsho-shotput. na hindi ganito ka-gorgeous ang katawan, paano na sila makikilala.

At dahil nasa usapin na rin tayo ng pagkakilala, ito, kilalanin natin ang mga nasa Billboard na tinanggal. Sila nga pala ay mga members Philippine Volcanoes, ang Rugby Team ng bansa. imagine, ang alam ng marami, ang rugby team ay mga tiga marikina, yung nagdidikit ng sapatos. Or yung mga humihithit ng pandikit ng sapatos at times, but no, ito sila. Other than Team Azkals ng Football, meron din tayong pang Rugby na sports. Hit it Boys!

Terrence Javier Carroll
Jake Letts
Ned Stephenson
the three musketeers Kenneth Capinpin Stern, Patrice Ortiz Olivier and Chris Hitch
Arnold Aninion

iyan yung arrangement nila sa EDSA bago sila tanggalin. Ngayon, makikita na lang sila siguro sa Bench Stores, sa kanilang mga kalendaryo na aptly priced at 69 pesos. walang halong badingan. Shet, TAKPAN ANG TENGA NG MGA BATA, baka marinig ang 69.

at para sa aking ratings

sa billboard

ReviewReviewReviewReview

sa pagtatanggal ng billboard

ReviewReview

sa pagsuporta sa philippine athletes

ReviewReviewReviewReviewReview