Ei Harry, Ba-Bye Now!

Parang MMK episode ang pinapanood ko.

Hindi dahil naririnig ko si Ate Charo na nagna-narrate, pero dahil ilang beses akong umiyak sa movie. ‘Yung iyak na may kasamang tahimik na lunok, at ayaw iparamdam sa katabi mo kasi dyahe.

Hindi rin dahil sa alam kong ito na ang goodbye episode ng Harry Potter. Hindi naman ako uber fan na parang nauna na sa 2010 ang end of the world at wala nang ilu-look forward sa life. In the making na naman ang the Hobbit, eh.

Hindi rin dahil sa relationships na nasira at nabuo, or love story o kung anumang formula ng mga dramang kabisado na ng mga writers at directors para magpahagulgol ng viewers at magpataas ng ratings, or in this case, cashing.

Umiyak ako dahil sa maliliit na successes na eventually ay naging isang malaking tagumpay sa dulo. It actually reminded me of my younger years, (no I’m not nearing fifty, even twelve years olds were younger more than once) akshali, nung college lang naman. N’ung hobby ko pang mag rally, magpabagsak ng mga administrasyon at mga imperialista which actually never materialized, hanggang mgaing jaded na ako. Jaded to the ideologists but not to the idea. Because ideas are bulletproof (oh saan ka pa, galing yan sa haler haler the fifth of november).

Unang iyak ko nung tinatakot ni Severus ang mga tiga Hogwarts regatrding sa pagtatago kay Harry. Naiyak na ako nung lumitaw si Dabiel Radcliffe, ang tapang ng height, parang hindi 5’5″. Tapos tumodo na nung nag swipe swipe ng wand si Mang Gonagal. From then on, naiiyak na ako sa saya sa mga epic war scenes. Nung pagpapatawag ng mga taong bato, yung paglagay ng protective shield slash pader ng omega around Hogwarts. Masaya akong nakikitang nananalo sila. Hindi naman kasi malakas ang mga natira sa castle. Nasa magkabilang dulo ng equilibrium ng age range, mga bata at matatanda. Yung mga kapos na sa kalakasan. Pero nagwagi sila. At iyun, sa pag stand up for your rights ni Longbottom, iyun, peak na iyun ng cry at doon na natapos yung emotional journey nung film for me.

Two things.

Una, Harry Potter was very much like Jose Rizal. With the Kabataan ang Pag-asa ng Bayan. or the GAmu-gamo going too close to the light then he dies. basta, expound on your own na lang.

Second, somehow, nagka sense yung nakita kong post sa facebook na pinagtawanan ko talga pero alam kong may enough sense. It was saying na kung si Harry, nagawang mawala sa klase ng isang taon, anubanaman yung one day na mag walk out sa klase, then sa end, “Tularan si Harry Potter!” May sense. But these are the ideologist that i used to believe in. Harry Potter is a fiction, kaya sila naging successful. Siguro kung mangyayari ang pagbabago, or revolution na gusto ng mga nagpapa-walk out na ito, kailangan din nila ng magic.

Para sa aking 6-point review, click ninyo ito

pero para sweet naman ang note sa end ng post,

One thought on “Ei Harry, Ba-Bye Now!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s