Realizations #5

Alam naman ng mga kaibigan ko kung gaano ako katakot humawak ng mga babies, kaya nga nung baby si Euan, hindi ko siya madals mabuhat, paminsan minsan lang at laging may correction akong natatanggap kundi sa mama niya e sa lola niya. Pero binubuhat ko pa rin, nonetheless.

Pero kaibahan na iyan ngayon, at actually, mga two years ago some more, tatlong taon na ang baby damulag/monster namin, at ang hilig magpabuhat. alangan namang kay missus pa, kaya dahil mas may muskels ako, ako na ang kakarga.

Pero ngayon, sa mga milestones ko bilang tatay (yes, i am stealing my baby’s thunder, ako ang may milestones) na pagsusuot ng diaper, pagpapaligo and all, mayroon ako addition. Kaya ko nang gupitan ng kuko si Euan.

Isa ito sa mga takot ko. Siguro nakuha ko ito nung bata ako. Naalala ko, ginupitan ako ng kuko ni Daddy. At alam ko, tuwing mangyayari iyun, medyo vivid pa ang mga pangyayari, alam ko, laging masakit. Ayoko namang saktan ang anak ko. Not that i am saying na sinasaktan ako ng tatay ko, which is not talaga. Siguro ginagawa lang niya iyun, para matuto akong mag-trim ng sarili kong kuko. Natutunan ko yung sa akin, pero manggupit ng kuko ng iba, parang hindi ko kaya.

E itong si Ate ko, Tita ni Euan na resident tigagupit niya ng kuko, napansin na mahaba ng ang kuko ng baby monster. Busy naman siya. Kaya naman sa akin na inutos. Hindi ko ginawa. Hehe. lahat naman ng ka-busy-han ay natatapos. Eh hindi. Nauna lumapit sa akin si Euan, sabi may tae siya sa nails. Iyun. pinaupo ko na siya sa bed. and then i started thinking the “How to trim baby’s nail” concept sa utak ko na binuo ko na way-way back pa.

Paano ba gupitan ng kuko ang bata?

May gaad.

First, i cleaned the nails, taking off the dirt, kasi medyo mabumi talaga, may mga darkness creeping na sa kuko.

Tapos, iyun, upo sa bed, hawak ko ang kamay, ipinasok ko mahabang kukong thumb  sa teeth nung nail cutter, then i clipped it. Then i asked Euan, mas’kit? Hindi po. Tiningnan ko, parang walang pang isang milimetro ang naputol. Nilapitan ko, mas pinush ko pa yung nail trimmer sa thumb, yung hanggang sa may bumabangga na. then i clipped again. “Mas’ket?” “Hinde” Good, iyun, tinuluy-tuloy ko hanggang sa matapos ang sobrang kuko sa thumb.

Pero thumb iyun. iyun ang pinakamalaking kuko holder sa limang mga daliri. Next is the hintuturo. basically, medyo ganun din pala. Ang technique, isasagad ko ng todo, tapos iaatras ng slight. tapos magtatanong ng “Mas’ket?” then trim. Eventually, natapos ko naman yung dalawang two hands niya.

Pagkatapos nun, paa naman. Dyos ko, anung klaseng magulang kami, mas mahaba pa ang kuko sa paa ni Euan kesa sa paa ko. Ahahaha! Iyun, Ginupit ko na rin. In fairness to god, toe nails are easier to trim.

Ayan, since alam ko. Parang ako na rin ang gagawa sa mga susunod pa. at siguro pag mga seven na siya, or kahit five. Tuturuan ko naman siyang gumupit ng kuko ng sarili niya. The way my Dad taught me! (Evil Laugh)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s