How to Discipline Babies…And Lolas as Well.

“Wow Mama, may bagong computer!” pagulat na sabi ng bunso kong kapatid.

Cheka lang.

Kunwari Batibot ang atake sa umpisa.

Pero yun nga, for more than two weeks na yata, Naging happiness dito sa bahay ang Desktop na binili ng Mama ko/Lola ni Euan mula sa savings niya sa KMBI, (meaning i don;t know, maybe, Kilusan ng Makabagong Bakla Incorporated) or Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, where the “I” is, i don’t know. Sabi, para daw  hindi na lumabas ang dalawa kong kapatid para mag-internet. Maganda naman. Pero dahil ang internet connection ay nandito sa kwarto namin, (bilang bahagi ng work ni Mommy Hasmin). At dahil in-upload-an ng nag-uumapaw na mga games ang computer, iyun, mas naging gaming area na ang mumunting vignette niya sa bahay. Ang top player, si Euan.

Noong una, okay pa naman. Medyo salitan sila ng lola niya, since mayroon pa naman akong PSP. Pero nasira ang charger ng PSP. Iyun, siya na ang nag-stay sa desktop. Okay pa rin naman. Pero last week, medyo nag-iba na ang routine.

Dati. “Papa wake up, watch ako TV!” so i wake up, turn the TV on, then go back to sleep. Euan watches Team Umizzomi, Dora and the rest of the Nickelodeon morning block. After a while, i taught him to turn the TV on. Then to press the right buttons to get to the channels he wants and then he started doing the morning routine by himself. Tuloy pa rin ang “Papa wake up!” Nakalimutan ko, pagsigaw pala niya ng “Papa wake up,” itataas niya ang damit niya at ipapatanggal ang diaper.

Pero this week. “Papa wake up,” then i’ll take his diaper off. “Papa go down na ako.”

Makikinig ako for another while kung may kakalabog. Meaning nalaglag siya sa hagdan. Pag wala, babalik ako sa tulog. Pag meron, magpapanic ako. Wala pa namang pagkakataong nagpanic ako.

Pagbaba ko, tatanungin ko si Lola kung kuamin na si Euan. Affirmative. Then I’ll see my boy in front of the desktop. playing alone. proud pa nga ako kasi alam na niya ang mga dapat pindutin to get to the games he wants to play. Wow, siguro okay naman, may natututunan naman siya dito. Sa computer games ko na develop ang eye hand coordination. Okay naman siguro.

At ito na nga. Kanina. Pag-alis ko ng house, nasa tapat siya ng desktop. Pag-uwi ko, nandoon pa rin.

Sabi ng lola, na umalis naman daw sina Mama niya at Euan. So i was relieved, hindi naman pala the whole day nasa tapat ng computer ang Little monster ko.

E dumating si Tita Angie, ang kapatid kong teacher. Um-anecdote, “… yung isang student… hindi na pumapasok… lagi na lang nasa laptop… kinunsinte ng nanay…” Then, tumalak, “…lagi na lang daw nasa computer si Euan… Hindi na daw natututo magbasa… Kapag niyayaya niya, inaaway siya. At ang best part, kinakampihan ng lola ang bunsosoy…tralalala…tralalala!” Pikon si Tita Angie.

Iyun, after that, nipagsabihan ko na si Euan na he has to learn to read, which i thought was something he was practicing  regularly. Sabi kasi ni Tita Angie last week, Euan can read “S’ “A” and “M” and the combinations of those letters. Sabi ni Tita ANgie, these are the first letters to teach young children to read. Sadly, hindi na iyun nasundan.

Si Lola naman, in defense of Euan. “…Mabuti nga at hindi na naglalalabas yang bata… Hindi na ako nahihirapan sumigaw sa pagtawag… Wala nang umaaway… At hindi na nagkakasakit ang bata…” Pero sinabi ko na kailangan orasan si Euan sa paggamit.

Sagot naman si Lola na sa akin lang daw natatakot si Euan, at ako lang ang sinusunod.

Well, sa tingin ko, dahil naging strict naman ako sa bata, at kapag nag promise ako tinutupad ko, that way, more than being an adult, i gain his respect by setting an example.

Sa totoo lang, ayoko namang pangunahan si Lola. and i never did. sinasabihan ko lang din. At natutuwa naman ako na sumusunod naman sa akin ang nanay ko.

Kaya starting today, pagdating ng 8pm. after eating at kapag nakapahinga na si Teacher Tita, patay na ang computer, then Euan study time starts. At ita-try ko na ang 10am lang pwede buksan ang computer. At magkaroon ng schedule ang ibang tao.

Which is a good thing for lola din. Maaga siya makakakatulog, dahil maaga siya makakapagstart maglaro sa computer.

Iyun. Nasa tamang usapan lang naman pala. COmmunication is key. which somehow, in our case, done as easy as it was said. O diba, parang batibot din, may values ang araw na ito!

ang pinagawa ni Tita Angie kagabi kay Euan. He traced his name, cut papers and psted it on an art paper. hindi ko alam kung ano ito. Only them, knows. Only them...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s