Tulad ng up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select, start, marami sa mga bagets ngayon ang walang idea kung ano ang DECS. Hindi ko na matandaan kung kailan napalitan ang term, pero it was in Elementary when i often heard this executive branch of the government. Department of Education, Culture and Sports. Nabawasan ang tunog nito sa akin nung highschool, dahil sa isang private school na ako nag-aral. Nung college naman, Commission on Higher Education na or CHED ang kumekebs sa akin. Doon sa mga panahong iyun, naging DepEd na ang DECS. Department of Education. So, Whatever happened to Culture and Sports?

2001, when they legalized things up and gave everything cultural to the National Commission for Culture and the Arts. While the takbo-takbo, exercise and all were tasked to the Philippine Sports Commission.

And now, ano na naman sa tingin ninyo ang sa tingin ko ay mali sa mga pangyayari?

Sa tingin ko ay maling ilayo sa edukasyon ng mga bata ang kanilang sariling kultura. (And sports also, but let me focus more on culture dahil mas cultural worker ako over the other). Tungkulin ng mga magulang na payabungin ang kanilang mga anak sa mabubuting ugali at asal, diskarte na nila iyun kung papaano. Sa kabilang banda, tungkulin naman ng paaralan, bilang ikalawang tahanan na palaguin ang mga bata bilang mga Pilipino, at ang paraan dito ay ang pagpapakilala sa kanila ng kanilang kultura.

Ano bang pinanghuhugutan ko?

Una na ay iyong hindi ko talaga alam kung ano na ang nangyari sa Culture and Sports sa DECS.

Ikalawa, ay ang napanood kong Rehiyon-Rehiyon event sa Marikina. Event ito kung saan ang mga public schools sa lungsod ay kumukuha ng isang region, and from there, gagawa sila ng isang performance from that place. Noble ang objective. Educating pa actually. Maganda naman ang atake ng mga tiga Marikina. Pero hindi ko kasi alam kung gaano ba talaga kaganda ang mga pinag-gayahan nila or kung gaano naa-appreciate ng mga tiga regions ang mga ganitong ganap. Or baka naman naiinsulto sila.

Bakit hindi na lang gawing National Event ang Rehiyon-Rehiyon. Isang event kung saan ang mga tiga Aklan talaga ang gaganap sa ati-atihan. Liitan pa natin, huwag ilimita sa Mass Demonstration. Kahit mga folk dances lang, tulad ng mga tiga Batangas, sasayaw ng Sublian. No one should dance it better than they can. And they should take pride on that fact and defend that claim.

Paano naman?

Gawing bahagi ng kurikulum ng mga paaralan, sa kanilang Sibika at Kultura (Since itong subject lang ang may kultura sa pangalan) ang mga sayaw na natatangi sa kanilang region. Or sa Highschool kung saan nade-develop ang kanilang pagkatao, mahalagang maisama sa kamulatan nila ang identity ng kanilang bayan. Okay lang sa akin na hindi sinlaki ng Pilipinas ang “bayang” tinutukoy, para hindi naman Carinosa ang matutunang sayaw (since ito na yata ang tinaguriang pambansang dance). Kung tiga Lanao, sa Mindanao, mahalagang maaral nila ang kanilang Singkil. May sariling sayaw din ang mga tiga Norte. Ang Ifugao, dapat matuto sila ng Dinuyya. Dahil hindi naman palalaguin ng mga tiga Visayas ang sayaw na ito, sila lang ding mga tiga Cordillera ang katutubong makakakapagpayaman nito.Mahalagang malaman ng bawat bata ang kanilang sariling kultura upang mahalin. Tulad ng nabanggit ko na dati, hindi nila iibigin ang isang bagay na hindi nila alam. Hindi nila mananamnam ang isang bagay na hindi nila naranasan. At alam naman natin na ang kaalaman ng mga bata ay napapalawak sa paaralan.

Dahil nga sa mga kaalaman na ito, third na nagpainspire sa akin sa ganitong kuru-kuro ay si Susan Calo Medina (Huwag maging dayuhan sa sariling bayan, Travel Time). Na-feature niya ang isang babae. i didn’t get her name, but i was very entertained. She was interviewed in her living area. Then she talked about this dance, “Pangalay” tapos sinabi niya na kung alam natin ang mga sayaw ng Thailand at ng Malaysia at Indonesia, (MaPhilIndo when kasama ang Philippines) at maging ang Japan, India and other Asian country, we too have the “fingernail dance.” Napaka-passionate niya sa sinasabi niya na while saying it, Parang, “Mayroon din tayong sariling sayaw… watch me” then, then and there, tumayo siya, in-extend ang arms, tinaas ang noo, at nag break into a dance. Ay ang ganda ni ate magsayaw. Kahit balot na balot siya, mas sexy at class kumpara sa mga naka two piece na dancers sa mga game shows.

Iyun, ang gist lang naman, I am proposing a bill that put a regional dance to the regional curriculum of the high schools in the Philippines, giving the students the opportunity not just to experience but to master the dance they have, thus, keeping their culture (dance pa lang ito wala pang arts and folk songs and the like) alive, growing, and perhaps something that will be a crystallized representation of their being a Filipino. (parang maganda lang gamitin ang salitang crystallized kaya pinilit ko).

Pang-apat na dahilan, may naiisip kasi akong eksena.

Alam naman natin na buhay pa rin ang mga prinsesa sa Mindanao. At ang mga dugong bughaw na ito ay may mga sayaw na para sa kanila lang. At dahil na rin ang mga prinsesang ito ay nag-aaral na rin sa mga schools around, (Maaaring hindi, pero eksena ito sa isip ko). Tapos, best naman itong prinsesang ito sa dance dahil nasa dugo niya, inaral pa ang sayaw na ito ng nanay niya noong kinasal sa tatay niya. Then comes a competition sa school of the said dance, maaaring Kini-kini, being kini as the royal walk. Then natalo siya ng isang mahirap na babae, only to reveal that this girl is her nawawalang sister. O diba, ang soap opera, ang kultura noon, pasok sa kultura ng telebisyon ngayon. Tapos magsasampalan sila at mag-aagawan sa isang lalaki, then magpaparaya yung isa. then magkakabati sila.

Na parang ganun na nga lang ang nangyayari kasi, sa Telebisyon na lang naiaasa ang pagpapaalam ng kultura sa buong Pilipinas. Kung hindi sa ganitong drama tulad ng mali-maling information sa Amaya, isang medyo okay if not mediocre dance sa Showtime. Na sa palagay ko ay masama, dahil ang telebisyon ay isang negosyo, at ang edukasyon ay isang bagay na hindi dapat inilalako.

Dahil ang bagay na ipinagbibili ay natatawaran, at ang kultura ay walang katumbas na halaga. At kung magkagyun nga, darating ang panahon na isang sikreto na lang ang mga tunay na sayaw ng Pilipinas, parang isang cheat para magka-thirty lives sa Contra, Sa huli’y magiging konsepto na lang, mapaglulumaan at makakalimutan na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s