Teks: Old School

Ito yung panahon na ang konsepto ng text (spelled as teks those days) ay hindi message kundi isang Marvel Trading Card. At ang pamato ang pinakapaborito mong teks na magpapanalo para makuha ang teks ng kalaro. Ang labanan ng trading cards na ito ay hindi katulad ng Magic Cards. This is Teks Pinoy Style, to be specific, Suburban Pinoy Middle Class.

Hindi mo makukuha ang teks ng kalaban sa pagpapapakita ng pinaka-powerful mong card. Ganito.

Number of Players: 2-4

Number of Pamato: 3-4 (Isang pamato per player. Kapag dalawa lang kayo, may panablang isa)

Una, pipitikin ng bawat player ang kanilang pamato. Pagbagsak, konsepto na ng tsa (face up) o tsub (face down). Ang maiba ang orientation ng pamato, siya ang titira (player 1/pwede ring dealer kung idea ng poker).

Ikalawa, kapag may titira na, kailangang magtaya ng (mga) kalaro (player 2-3-4). Depende sa dami ng teks na meron.

Ikatlo, pagsasama-samahin na ng titira ang tatlong mga pamato. Tapos pipitikin niya ito. Bawal ang lempang, kailangang umiikot pagkapitik.. Tatlo ang atake sa pagtira: Pataas, palobo at pahaba. Kahit alin sa tatlo pwede, basta ang mahalaga, over head o lampas sa ulo ng tumira.

Malalaman ang panalo pagbagsak ng tatlong cards. Kapag card ng tumira ang naiba, Either naka tsa yung sa kanya at tsub yung dalawa, o tsub yung kanya at tsa yung dalawa. Hamig niya ang mga taya ng kalaban niya.

Kung sa kalaban naman niya ang lumabas, kailangan niyang bayaran ang taya nung kalaban (kunwari si Player 2 ha). Dalawang klase rin ang bayaran. Una, bibilangin. By twos ang bilang sa mga cards i-sa, dala-wa, tat-lo, and so on…tsa (kung may butal). Kung maramihan ang taya, dangkalan na ang labanan.

After nito, yung kalaban naman (si player 2) ang titira. Pero kung nahamig, balik sa pagtira si player 1 at pagtaya si player 2.

Ubusan ang laban. Walang ayawan. Kahit tawagin ng nanay. Or kung nagpupumilit na si Nanay, pwedeng magtaya ng pati pato’t panabla (kung sa kanya ang panabla). Ibig sabihin, all in na! Ang panalo, masaya, ang matalo, bibili ulit ng teks. Sampu Piso yata ang effect dati.

Oo nga pala, nag jump agad ako. earlier than these Marvel Trading Cards, ang konsepto ng teks at iyung mga cards na may eksena at dialog mula sa Filipino Movies.

At bakit ko ba nai-post ito?

Kasi nga nagkhalungkat ako ng mga lumang gamit. At nakita ko ang mga teks ko. At early 90s teks ito. yung malalaki. Sayang nga lang at kaunti lang ang natira. Ang marami ko ay yung maliliit. Half lang nung size. At ito ang ilan.

itong mga nauna yung mga covers ng comic book at may factoids sa likod kung kelan nilabas.

Ito naman ay medyo ganun din, pero instead of having factoids, may comics ni She Hulk

Ito naman susunod ay yung pinaka-favorite kong batch. Dati kasi, ang labas nito iba-ibang set.  1990 Marvel Comics Trading Cards. Okay na sa akin regalo ang isang set nito. (Hun, paki-click na lang yung link para malaman mo kung magl\kano lang ang Christmas Gift mo sa akin).

1991 na itong set na ito, pero mas luma ang tingin ko sa batch nung ganitong design. Series II nung 1991 to be specific

1992 Marvel Masterpieces naman ang medyo pinaka artistic. kung sa malayo, medyo painting na realistic na ang atake.

Kung ito ang bet ninyo, Click niyo ito at sure, best ang experience

1993 naman yung atake na nine cards na pagdidikit-dikitin para makabuo ng isang buong photo. Sky Box ang may pakana nitong dalawa huli.

Pero ang best sa lahat, yung Gawa sa pinas. Ahahaha! Libre sa Ovaltine! hahaha, kidding aside, hindi naman ito made in the Philippines. ’94 Flair Ultra X-Men ang pasimuno nito.

Tapos ang pinakamasayang part. Hanapin ang mga cards na ito sa net. Shucks. More than sa nagbabata-bataan/noslatgic effect. it is a geek mode reactivated for me this time!

8 thoughts on “Teks: Old School

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s