Unlike the Mula sa Puso peg na makikipagpalit ng mukha si GMA sa kanyang anak na si Luli para matakasan ang mga kasong ibabato sa kanya, this is more than a fan fiction. Mas conspiracy theory naman. Bakit kaya from Pampanga ay Sa Taguig pa nagpadala si GMA para magpa-check up. Wala bang ospital sa Pampanga? Ikalawa, hindi ba’t ang favorite St Lukes niya ay yung nasa E Rodriguez?

Ang mga naririnig ko, may plano na umeskapo to the states ala Ninoy Aquino. Diba, Heart Problem daw dati yung Ninoy, though mukhang Heart problem naman talaga. tapos fly to the states, tapos iyun. Though si Ninoy, hindi nagtago. At mukhang wala ring plano si GMA na magpabaril sa tarmac.

Hindi ba, ang Taguig ay ilang kembot lang sa NAIA. At nandun malapit din ang kanyang mga alagang AFP slash Armed Forces of teh Philippines with all her generals. Uhm. Alam na!

Pero kidding aside, or conspiracy-theorist-wise aside (gusto ko lang i-avail ang paggamit ng wise as a suffix), Ano ba ang tiyak na mali sa sitwasyon?

GMA was the second to hold the office the longest in the Philippines. Nine years. Ilang doctors ba ang naka-graduate sa Pilipinas? Bakit wala siyang pagkakatiwalaan sa mga iyun na umopera sa kanya sa St Lukes? Ganun ba siya kawalang kumpiyansa sa mga Filipino? O sige, kung magbago man siya ng isip at sa St Lukes na lang magpaospital, Bakit wala siyang magandang ospital sa Pampanga, sa sarili niyang distrito na papayagan niyang gumamot sa kanya? Wala ba siyang nagawa para magkaroon ng World Class na hospital sa mga lalawigan. Kahit hindi na nga World Class, kahit isang ospital lang na kayang mag ayos ng sakit na mayayaman tulad ng kanyang Cervical spondylosis.

It just reflect kung gaano kapalpak ang kanyang administrasyon. Hindi na sa korapsyon dahil debatable pa iyun. Pero sa issue ng pagtataas na antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, wala. And that is a reality.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s