Ang Nakaraan…

Nakaalis na ng Batasang Pambansa si CGloria nang nagmamadaling dumating si Pnoy sakay ng isang helicopter. Muntik nang mag-abot ang dalawa.

Ngunit kahit nasa Pampanga na, nakarating pa rin kay CGMA ang mga masasakit na salita. At dahil second hand information lang (Hindi kasi siya nanood para hindi ma-stress ang batok), chismis na ang dumating sa kanya. Mas masakit. mas nakakagalit. Sa sobrang galit niya ay nagngitngit ang mga ugat niya sa batok, ngunit bago pa ito pumutok, nadala na siya sa St Lukes, Taguig. Mayroon daw siyang Cervical spondylosis At ang sabi ng mga doctors posibleng mag-lead sa paralysis ang pinched nerve sa kanyang gulugod (spine) near her batok. Kailangan niya ng 3-5 hour operation.

Sa ospital ay patuloy pa rin ang mga balitang sinasampahan siya ng kaso.

Galit na galit si CGMA. Kinuyom ang mga palad at isinuntok sa lupa. Nagyanig ang Pilipinas.

Nakalma lang siya nang pumasok ang isang babae. May kaliitan, at may katabaan.

“Luli, Anak. Thank God! You are here.”

Iba na ang itsura ni Luli, hindi na ito an gbabaeng bumati ng Welcome to Manila, Philippines noong Amazing Race.

Welcome to Manila, Philippines

 

“Tumaba ka na anak. Sinunod mo ako. Very Good!”

Hindi kumibo si Luli.

“Huwag namang ganyan anak. Kung napapansin mo, ikaw na lang ang walang ginagawa. Congressmen na ang mga kuya mo, sina Mikey at Dato. Ikaw, ito na ang chance mong maging Congresswoman. At ang best part, hindi ka na dadaan sa dayaan sa halalan.”

Hindi kumibo si Luli.

“Para sa pamilya natin ito. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan.”

Tumango lang si Luli.

Bumukas ang pinto. Pumasok ang doctor.

“Uy, Belo, good evening. Handa na ang lahat…”

Ngumiti si Vicky. Ngumiti si CGMA. Tumulolang ang luha ni Luli.

Abangan…

This is just a fan fiction.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s