Taxi Na Naman, Oh!

Hindi na ba talaga magagawan ng paraan ang mga taxi driver na namimili ng pasahero, at kung hindi naman ay nagpapadagdag ng bayad. DOTC, hindi naman makatarungan na ambagal ng pagkilos dito. ambilis na ng mundo, pakita naman ninyong sumasabay kayo. Natatambakan na kayo ng reklamo sa mga taxi na ganito. Oo, umaaksyon kayo, pero para namang hindi makatarungan para sa amin na sa 20,000 na kasong nakarating sa inyo, 700 pa lang ang nakatakdang asikasuhin. take note, nakatakda. meaning scheduled. and how would i know na reklamo ko iyun. teh, bigyan naman ninyo kami ng satisfaction.

Kanina, maulan. nararamdaman pa ang tail end ng bagyong si Juaning. Tapos dala namin ang anak namin na inaantok na pauwi. So Taxi na kami. Aba, okay naman yung driver. tapos pag sakay namin, nung nasa loob na kami, nung napindot na niya yung 40 na flag down. Sabay sabi na paran gspiel niya, pakidagdagan na lang ha… trenta.”

Naku, kung hindi namin dala ang baby namin, bababa talaga ako kahit pa umuulan. Nakakagalit. Altimate TYU 840. Department of Transportation and Communication, anu ba? Kanino ko ba ipararating ito? LTO ba, Land Transportation Office? LTFRB? Land Transportation Franchising and Regulatory Board? Hingi kayo ng kape sa PAGCOR kung aantok-antok kasyo sa trabaho.

Hello po, yung taxi driver po ninyo this day Friday, July 29, alas nueve ng gabi, pakitanggal sa trabaho, kung maka-chumembolin e parang professional kuratong na.

Kami pa ba ang mag-iisip kung paano kayo kikilos? Suggestion lang nga, sige na. Madali lang naman. My god, may internet na, paki utilize. Gawa kayo ng Website. Kahit Facebook Account. Yung official, kung saan pwede naming (taxi riders/tax payers) ilagay ang mga reklamo namin. At kayo naman, in your part, ilagay ninyo ang mga taxi plate numbers, taxi name or operator ng mga nakasuhan na ninyo. My God! Kami pa ba mag-iisip para sa inyo?

PS. Matapos ko mailabas ang ngitngit ko sa pagsulat nito. Pumunta ako sa DOTC site. at nagfile ng complaint. Follow up ako dito kung ano ang mangyayari.

One thought on “Taxi Na Naman, Oh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s