Back To Basic: Anyare sa Marikina

Marikina City Hall with Fountains...Thus Marina City

Nakaisang taon na rin matapos magpalit ng administrasyon ang Marikina CIty. Mula sa mahabang panunungkulan ng mag-asawang Fernando. Sina Mayor Diktador Bayani “BF” Fernando at Mayora Pink Marides “MCF” C. Fernando. Nakuha ng dati nilang Vice Mayor at Congressman ang pagiging Mayor ng lungsod. Si Mayor Del De Guzman na ang may hawak ng Marikina City.

Iyun, basically ‘yun lang ang change. Wala naman akong naramdamang ganap. Okay lang. Payapa pa rin. Ay Meron, nawala na yung mga pink elements. Naging green and yellow na ang kulay ng city.

Pero sabi nga naman nila gradual ang changes. Unfair naman siguro kung sabihin kong wala akong nakikitang programa ng pamahalaang lungsod. Minsan dumaan ako sa munisipyo, nakakita naman ako ng effect na Mega Tule. Hindi ko lang alam kung para saan ang adjective na Mega.

excited ako sa screening na kailangan. ano kayang gagawin dun? Ano ang ii-screen?

Ang nakakalungkot lang, ang more than gradual na pagbabagong nakikita ko, nawawala na yung disiplina ng mga tao. Pagkaupong-pagkaupo pa lang bagong administration, nagtayuan agad ang mga basketball court sa kung saan-saang kalsada. Naging talyer na ulit ang ilang mga eskinita. Nagkalat na ulit ang mga nakahubad sa iba’t-ibang area. At ang pinakapinagmamalaki noong ng mga Fernando na sidewalk, nalagyan na ulit ng mga sinampay at labada.

to think na isang kyeme lang sa lugar na ito Barangay Hall na ng Nangka

Hindi ko tuloy alam kung masaya ang mga tao sa pagkakaalis ng naunang mga mayors dahil makakabalik na sila sa dati nilang mga gawi. Maaari ring pagrerebelde ito. O pwede ring napagod na rin sila sa pagiging disiplinado. Hindi ko alam. Sayang naman. Baka mawala na ang motto ng Marikina na Pantay-pantay kung may Disiplina. Atsaka Sidewalks are for People.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s