Nasabi ko na naman na hindi ko kaya ng diet, kaya naman kailangang humanap ako ng mabibigat na tarbaho para mapanatili or maliit ang aking waistline. At dahil fan ako ng Spartacus, nung naunang season, at napanood ko ang aking sarili sa katauhan ni Varro, iyun, hanap ako ng workout para maging kakatawan ako ng mga gladiators doon. At salamat naman sa Men’s Health at hindi nila ako binigo.

So ito ang aking routine lately

Gawin ang bawat exercise for one whole minute tapos pahinga for ten counts, tapos go to the next exercise. Medyo circuit exercise yata ito. Tapos after finishing the ten exercise, pahinga ng mga one minute. Tapos from the top or from the start or from the stop. Basta ulitin lang. Two sets lang, pwede na. Warm up ko ito minsan. Mga twice a week, keri ko na.

goblet-squat

GOBLET SQUAT. Front squat lang ito na may hawak na weights. Mga 50lbs ang kinakaya ko dito. Iyun, ilalapit lang ang wights sa dibdib, Tapos squats na. Para ito sa upper body at core, at syempre sa legs na rin.

For more, try ninyo ikyeme hanggang kaya ang hips pababa bago magpush pataas.

mountain-climber

MOUNTAIN CLIMBER. Exercise na namin ito nung (Cadet/Cadette Officer Candidate Corps) and CAT (Citizens Advancement Training). Medyo push ups, tapos tatakbo yung legs, paaabutin yung tuhod to the chests.

For more, atakihin talagang umaakayat ng mataas na mountain.

dumbbell swing

DUMBBELL SWING. naka-overhand grip, ibig sabihin, sa ibabaw ng dumbbell ang hawak kasi kung underhand, sa ilalim. iyun, medyo bukaka (parang dinidescribe ko lang yung picture). Ibaba yung wights tapos iaangat ng shoulder level. Bawal mag fold ng siko. Isang arm muna tapos after thirty seconds yung kabila naman.

Medyo naaatake nito yung shoulders ko, hindi ko lang alam yung sa iba ha, pero yung sa akin, good shoulder workout. Legs as well.

For More, gumamit ng science, like the momentum and inertia perhaps.

T-push-ups

T PUSH-UPS. Te, pahirap sa masa ito. Pushups ito na may hawak na weights. medyo 15lbs na ang inaatake ko dito. Dip your body then push up, tapos fly! Ganyan. itaas yung kanang hand parang graded recitation. tapos baba, tapos push ups ulit, tapos, left hand naman ang itaas. Parang sabi ng teaher na other hands please.

Walang for more. more na talaga ito. 8 lang ang nagagawa ko nito, like sixteen counts.

split jump

SPLIT JUMP. Iyan, medyo naka lunge tapos talon tapos scissor kick tapos pag bagsak dapat nakapagpalit na yung position ng mga legs. Keep on coming lang.

Wala ring for more dahil medyo pahirap din ito sa masa. Pero may nakita akong variation nito na short-short long.

dumbbell row

DUMBBELL ROW. Tuwad. Tapos maglagay ng weights each arm. Mga 20lbs lang ang kaya ko. kasi matagal ang one minute. Mga trenta siguro reps minsan hanggang 25. iyun, pull lang ang weight sa side.

For More, try gawing straight talaga yung arms pag nakababa, tapos parallel sa ground yung siko pag tinaas. try ding gawing parallel sa ground ang katawan without creating a curve sa likod. Tandaan, ingatan ang likod, kailangan naka arch talaga, yung arch na masarap sa position na ito if you know what i mean.

dumbbell side lunge

DUMBBELL SIDE LUNGE. Tayo lang, tapos lunge sa side. parang stretching lang bago mag jogging. This time, lagyan natin ng pabigat. Nagsimula ako dito 25lbs. tapos nabigatan ako nambongga so bawas ako to 20lbs na muna. Iyun pagka lunge. tayo then lunge sa other side.

For more, gawing malandi ang toes na dapat nakaturo. pointy point. Ansarap nito sa gluts.

push up position row

PUSH UP POSITION ROW. Ito medyo relax relax lang. Push up ulit like the t push up pero wala ng t. row na lang, like hilahinyung dumbbell na hawak pataas sa side lang.kinse din ang tinitira ko dito.

For more, huwag ikyeme ang katawan. i-try na ganito lang ang posisyon at hindi magalaw habang ginagawa ang routine.

dumbbell lunge rotation

DUMBBELL LUNGE ROTATION. Ito naman, plate ang hawak ko, mga 10k lang. Hawakan sa tapat ng dibdib, tapos lunge forward, then twist your body. Tayo ulit. then lunge again, then twist to the other side. tapos kumanta ng twist and lunge to the tune of twist and shout. Pwede ring to the tune to through the fire.

For more, may math like degrees effect. gawing 90 degrees talaga ang front knee habang inaatake ito.

dumbbell push press

DUMBBELL PUSH PRESS. Mga kinse lang ang hawak ko dito. ilalagay ang isang pair ng dumbbell sa magkabilang kamay, ipantay sa shoulders. Fold your knees. Stand up dtraight tapos buhatin pataas ang dumbbell. Madali lang ito pero dahil mabigat, ngalay factor ang kalaban. BEst din ito sa shoulders.

For more, try magstart sa magaan tapos pag kaya nang mas mabigat, bigatan.

Kaya iyun, hindi po ako ang mga picture sa larawan. Galing po iyan sa Men’s Health. Ito po ako tuwing rest ng exercise, Boring kasi ang one minute na pahinga, kaya picture-picture muna.

Ito yung unang subok ko. Hingal na hingal ako. Fitness First Metroeast.

Hindi ko alam kung ilang months ang pagitan nito, pero parang mas maganda ang lighting sa Metroeast. Sa ABSCBN kasi may natural lighting pa e. Basically yung ang difference. Pero parang nakakalakas naman yung workout, kasi parang after a month of trying, or two n a yata, medyo bumigat na yung inaatake ko.

ito yung pinaka latest na itsura ko. Fitness First ABS CBN. Parang wala namang epekto.

Iyun, siguro one month pa, tapos try ko naman ng ibang workout. sabi kasi, after 8weeks, kailangang magbago para hindi mag plateau or masanay ang katawan. Pero ito lang ang tatandaan. Kapag nasa gym.

Sa gym. Applicable din sa ibang facets ng life.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s