Umeeksena lately ang mga simpleng edukadong tao papunta sa mainstream. Medyo inumpisahan ito ng Indie Director na si Rafael Santos noong tangkain niyang pakainin ng catfood ang mga stage actors. To follow ang UP Law student, Chris Lao with his it’s-not-my-fault-anymore-it’s-their-fault-anymore-issue matapos lumutang ang kotseng minamaneho niya sa Mother Ignacia. Sumunod naman ay ang UST graduate/Artist na si Mideo Cruz with his exhibit-exhibitan sa CCP. Ngayon, ang linggo ay binuksan ng learned writer na si James Soriano with his Language, learning, identity, privilege sa Ithink na parang space niya sa Manila Bulletin 

Sinimulan niya ang article saying na ang thankful siya na pinalaki siya (parents, teacher/media) with English as first language. Ang Filipino bilang salita naman ay ang kanyang weapon of choice sa pakikisalamuha sa outside world na kino-compose ng mga utusan, tindera, drivers at muggers. Eventually, nagkaroon siya ng attempt na bumawi, na natutunan niya noong college na maganda naman pala ang wikang Filipino, na may buhay ito, at may sariling identity to the point na may mga konsepto sa Filipino na walang direct translation sa English. Okay na sana, pero kumambyo pa rin siya. Na maganda nga ang Filipino but (alam naman natin na pag may but, na-negate na ang first claim), this is his quote un-quote na pakontrobersyal. Ito ang kotse ni Chris at ang tite ni Mideo.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.

Ay patay tayo diyan. Iyun na! Binaha na siya sa sarili niyang bagyo. Isinara na niya ang sarili niyang exhibit.

Dude, tsong, pare, brod! Ang marunong ay walang pinipiling wika. Ang matalino, minsan nga, ay hindi kailangang magsalita. Hindi por que English ang mother tongue mo, ay learned ka na. Hindi rin ibig sabihin na nakatapos ka ng pag-aaral ay learned ka na. Not even that article makes you learned. It’s how you make people’s lives, including yours better with the things you learned, that makes you and educated man. (Shet, complex sentence).

However, a big HOWEVER! Kung nagpapataas ka lang ng ratings tulad ng pagbati sa mga muslim ni madang, ay ang talino mo. Sisikat ka rin tulad ng mga Little Big Stars.

Then, However another. If this is not the case. I don’t blame you. Sinulat mo lang naman ang nararamdaman mo, na nagkataon lang naman na na-publish sa isang malaki at legit na dyayo on-line. Ipinakilala mo lang sa amin na may mga taong katulad mo, na ganyan mag-isip. At tulad nga ng sinabi mo, you got you’re arterial language from your parents, from your school, from the shows you were watching on the developmental stage of your brain cells. So it wasn’t really you.

How come some Filipinos prefer a mother tongue not from their mother land?

Just like the pulubi in the streets, society is to blame.

How i wish that this is just a malaking CHEKA LANG!

ang pasabog na article: Language, learning, identity, privilege

4 thoughts on “James Soriano: Ngayong Linggo sa… Kontrobersyal!

  1. http://kunwaremayganito.blogspot.com/2011/08/kayo-naman-galit-agad-balintuna-nga-ata.html

    Ngunit ang basa ko sa nasabing artikulo ni Soriano ay heto: isa po lamang itong kabalintunaan.
    Na ang totoo nyan, ang kabaligtaran talaga ng naipahayag na ang kanyang sinasabi. Na hindi sya kaaway ng wikang Filipino katulad ng sinasabi ng maraming nanggagalaiti. Bagkus, sya ay nagsisilbing ‘devil’s advocate’—o kung gusto nyong mas malapit sa puso: pang-asar lang talaga si Soriano para parepareho tayong matauhan, haller?

  2. Ngunit ang basa ko sa nasabing artikulo ni Soriano ay heto: isa po lamang itong kabalintunaan.
    Na ang totoo nyan, ang kabaligtaran talaga ng naipahayag na ang kanyang sinasabi. Na hindi sya kaaway ng wikang Filipino katulad ng sinasabi ng maraming nanggagalaiti. Bagkus, sya ay nagsisilbing ‘devil’s advocate’—o kung gusto nyong mas malapit sa puso: pang-asar lang talaga si Soriano para parepareho tayong matauhan, haller?

  3. Kung devil’s advocate sya, bakit tinanggal at binalik ng manila bulletin ang artikulo nya? Dapat na malinaw lagi ang usapan sa pagitan ng manunulat at editor.

  4. sa tingin ko, hindi niya sinusubok na maging devil’s advocate. anung ina-advocate niya? and i’ve read his other article at parang napaka-passionate niyang ipagtanggol ang mga kauri niya na English ang unang salita, at sa pagsasabing ang ingles ang wika ng mga nakatataas na uri.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s